You are on page 1of 4

Jhea Hazeline E.

Buela HUM 1: Bayan ng mga Kontraktwal

12- JOSE

Ang estado ng mga kontraktwal sa kasalukuyan ay walang pinagbago sa nakaraa ng taon

- piga mula sa hirap ng trabaho na mas pinabigat ng kawalan ng seguridad sa kanilang kontrata

na tila malabo nang mawawakasan bilang epekto ng kamakailang pagka-veto ni Duterte ng

House Bill 3667 o mas kilala bilang “End Endo Bill”. Iginiit ng presidente na ang komersyo ay

mayroon ding karapatan sa kapital kung sa manggagawa ay titulado sila sa kanilang ‘security of

tenure, ngunit hindi niya ikinonsidera ang dinami-daming mga nagwelga at napahamak habang

sila’y nakibaka laban sa isang abusadong sistema na ipanapataw ng mga kompanya o may-ari ng

negosyo, at ‘ni hindi man kumurap sa mga pinagdaanan ng mga manggagawa sa NutriAsia,

Kentex at iba pang mga malalaking kompanya sa bansa. Sa dokyumentaryo ni Lumbera,

makikita na ang kontraktwalisasyon, o ang pag-hire ng mga empleyado para magtrabaho, na

madalas ay nagtatagal ng iilang buwan (Asiapro, 2017), ay ‘di lang nalilimita sa mga

manggagawa kundi pati na rin sa mga nakapagtapos naman ng kolehiyo. Ika nga ng isa sa mga

guro na nakapanayam, mayroong “Four-Fold Test” na pinagbabatayan ng pagiging ilegal ng

kontraktwalisasyon. Ang test na ito ay ang nagpapatunay ng employer-employee relationship na

kung saan ang employer, ang UP halimbawa, ay dapat mayroong 1) kakayahang magbigay ng

wages, kapangyarihan na 2) tumanggap at pumili ng mga empleyado, 3) na pumataw ng

dismissal at 4) na panghawakan ang mga empleyado. Ang pagkakaroon ng UP ng lahat ng

nabanggit sa test ay nagsisilbing patunay na ilegal ang isinasagawa nilang praktis ng pagde-delay

sa pagbigay nila ng sweldo at ang paglilimita ng kanilang kontrata, at gaya ng mga guro, milyon

ang naapektuhan sa ganitong praktis kabilang na ang mga call center agent, empleyado sa mga

This study source was downloaded by 100000778043774 from CourseHero.com on 10-21-2021 05:08:46 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/54604020/BUELA-BAYAN-NG-MGA-KONTRAKTUWAL/
mall at fast-food chain at ang ating mga ordinaryong manggagawa. Ayon sa Department of

Labor and Employment (Lumbera, 2015), isa sa bawat tatlong Pilipino na nagtatrabaho ay

kontraktwal, at hindi natin lubos maisip kung gaano sila karami. Kahit ang sinarbey ng gobyerno

ay nasa 43% lamang ng mga kompanya ay kumukuha ng mga empleyado sa isang ahensiya,

hindi ito na- didisclose ang tunay na bilang at kalagayan ng mga kontraktwal sa bansa. Gaano

nga ba kahalaga ang mga kontraktwal sa pagpapalakas kanilang mga negosyo?

Nakasaad sa batas na kapag ang isang empleyado ay nakaabot na sa kanyang ika-anim na

buwan ng termino, siya ay dapat nang i-regularisa at matanggap na ang mga karagdagang

benepisyo na dala ng pagiging regularized niya, ngunit dinidiskartehan ng mga kompanya na

huwag itong sundin sa pamamagitan ng pag-terminate ng kontrata ng mga empleyado bago ito

umabot sa ika-anim na buwan ng kanilang paninilbihan - ito ang tinatawag nilang ‘endo’, ang

mas pinaikling tawag sa “end of contract”. Sa ilalim ng endo, hubad sa mga benepisyo ang mga

kontraktwal dahil hindi sila nakakatanggap ng SSS, PhilHealth, mga karagdagang bonus tuwing

may pasko o pag-oovertime at iba pa. Sa mas malala pang mga sitwasyon, hindi nababayaran

ang mga manggagawa base sa itinakdang minimum wage na P537 at hindi napopondohan ang

kanilang kalusugan at kaligtasan ng mga establisyimentong kanilang pinagtatrabuhan. Mula rito,

malaki ang nagiging adbentahe ng mga kompanya dahil, una, dumadagdag ito sa flexibility o ang

kakayahan ng mga kompanya na mabilisan at madaling mag-adjust sa oras na magbago ang

kanilang workload, pangalawa, nakakatipid sila sa oras at pera na dapat ay inilalaan sa pag-hire

ng mga ‘full-time employees’, at huli, nasasamantala ang karanasan at kakayahan ng mga

kontraktwal sa pagtakbo at pagpapabuti ng kanilang negosyo (Asiapro, 2017). Lahat ng

pagkokompromiso sa mga karapatan ng mga manggagawa’t empleyadong kontraktwal ay

esensyal sa kanilang pagpapalawig ng kapital.


At sa likod ng mga ngumingiting manggagawa’t empleyado sa Pilipinas na tinataasan

lang ng isang basong alak ay nakatago ang katotohanan na sila’y tinataguriang bayani ng mga

kapitalista’t nasa tuktok ng lipunan, na sa bawat sako ng kanilang kayamanan at bawat araw ng

kanilang kaginhawahan ay ang kapalit ay isang patak ng dugo, luha’t pawis ng mga manggagawa

na nasanay sa isang buhay na hindi natutumbasan ang halaga ng kanilang trabaho. Sasabihin nila

na basta’t ika’y sumunod sa iyong mga pangarap at magsikap, makakamtan mo ang ang buhay

na iyong ninanais, ngunit ang realidad ay nabubuhay ang mga kontraktwal para lang mairaos ang

araw-araw. Kahit sila’y ipunupuri sa kanilang lakas, tibay at pagiging matiisin, hindi pa rin

maiaalis na ang kanilang mga lakas na ito ay hinihiwalay sa kanilang pagkatao. Ang

pagmamateryalisa ng mga kapitalista sa kanilang trabaho, na isang napakahalagang parte ng

kanilang mga negosyo, ay nagdudulot sa pagkalusaw ng kanilang dignidad bilang mga tao. At sa

oras na sila’y namulat sa kanilang kinalalagyan at nagsimulang magkaisa, naipapanganak ang

bayani ng masa, at hindi ng nakakataas sa lipunan, na ang hangad ay maipatanggal ang isang

mapang-abuso at mapanliit na sistema tulad ng endo

Mga Sanggunian:

Asiapro (2017). All You Need to Know About Contractualization [Video File]. Retrieved from

http://asiapro.

coop/contractualization-all-need-know/

Lumbera, S. (2015, June 19). Bayan ng mga Kontraktuwal. Retrieved from https://www.youtube.

com/watch?v=P1Lc8a7w0H4

Philstart (2019, July 26). Senators unhappy, confused over Duterte’s rejection of ‘end-endo’ bill.

Retrieved from https://www.philstar.com/headlines/2019/07/26/1938085/senators-unhapp


y -confused-over-dutertes-rejection-end-endo-bill

You might also like