You are on page 1of 3

Maupoy, Abegail G

BSHM704

DALAWANG AKDANG PAMPANITIKAN

Ibong Adarna

Ang Ibong Adarna ay isang korido na isinulat noong panahon ng Kastila na ngayon ay bahagi na ng
Panitikan at Mitolohiyang Pilipino. Noong panahon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, kilala ito
sa pamagat na Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Prinsipeng Magkakapatid na Anak nang
Haring Fernando at nang Reyna Valeriana sa Kahariang Berbania. May mala-epikong istilo ng
pagkakasalaysay ang Ibong Adarna na tumatalakay sa kabayanihan, pag-ibig at kababalaghan.
Nakasentro ang kwento sa Adarna, isang ibon na nagtataglay ng mahiwagang kapangyarihan na
nakapagpapagaling ng anumang karamdaman sa sandaling umawit at marinig ang tinig nito.
Ang Ibong Adarna ay isinapelikula at isinalin sa dulang panradyo, teatro, sayaw, at sa kung ano-ano
pang pagtatanghal. Pinakialaman din ng kung sino-sinong editor ang nasabing korido pagsapit sa
teksbuk, at ang orihinal na anyo nito ay binago ang pagbaybay at isinunod ayon sa panlasa o
paniniwala ng editor at publikasyon. Sa kasalukuyan, ang Ibong Adarna ang isa sa mahahalagang akda
na pinag-aaralan ngayon sa mataas na paaralan, alinsunod sa kurikulum na itinakda ng Kagawaran ng
Edukasyon. Ito ay pantastikong pangyayari lamang o pangyayari ng kagilagilas na karanasan.
ELEMENTONG LUMIKHA SA AKDANG PAMPANITIKAN

Karanasan: Sa paglalakbay nina Don Diego, Don Pedro at Don Juan madami silang mga naranasan na
pagsubok para lang makita o makuha ang Ibong Adarna para sa kanilang amang may sakit na si Don
Fernando.
MGA KASANKAPAN NA NAGBIBIGAY ANYO SA AKDA

Mga Tauhan:

• Ibong Adarna- Isang uri ng ibon na umaawit ng pitong beses; nakakapagpagaling sa


pamamagitan ng kaniyang pag-awit; nagiging bato ang sinumang mapatakan ng kanyang dumi.
• Haring Fernando- Namumuno sa Berbanya; makatuwiran at makatarungan na hari.
• Reyna Valeriana- Butihing asawa ni Don Fernando; ina ng tatlong prinsipe ng Berbanya na sina
Don Pedro, Don Diego, at Don Juan.
• Don Pedro- Panganay na anak ng hari at reyna ng Berbanya; magiting at matalinong
mandirigma ngunit may lihim na inggit kay Don Juan.
• Don Diego- Pangalawang anak ng hari at reyna ng Berbanya; sunud-sunuran sa kapatid na si
Don Pedro.
• Don Juan- Bunsong anak ng hari at reyna ng Berbanya; pinakanatatanging prinsipe;
nakatuluyan ni Prinsesa Maria Blanca.

• Matandang Leproso- Matandang mahigpit na nagbilin kay Don Juan na dumaan muna sa
ermitanyo bago hulihin ang Ibong Adarna.
• Ermitanyo Matandang nagpayo kay Don Juan ng mga dapat niyang gawin upang mahuli
ang
engkantadong Ibong Adarna.
• Prinsesa Juana- Kapatid ni Prinsesa Leonora; prinsesang iniligtas ni Don Juan mula sa higante.
• Prinsesa Leonora- Bunsong kapatid ni Prinsesa Juana; iniligtas ni Don Juan sa serpyenteng may
pitong ulo.
• Haring Salermo- Hari sa Reyno Delos Cristales; ama nina Prinsesa Isabel, Juana, at Maria Blanca.
• Prinsesa Maria Blanca- Naging Reyna sa kaharian ng Reyno Delos Cristales; nakatuluyan si Don
Juan.
Mga Tagpuan:
• Kahariang Berbanya- ito ang kaharian ni Don Fernando.
• Bundok ng Tabor/ Armenia- dito makikita ang puno ng Piedras Platas kung saan matatagpuan
ang Ibong Adarna.
• Bundok- malapit sa bundok na ito matatagpuan ang isang maliit na bahay ng ermitanyo
na
nagbigay kay Don Juan ng kaalaman kung papaano mahuhuli ang Ibong Adarna.
• Balon- sa ibaba nito dito nakita ni Don Juan ang isang napakagandang ginintuang palasyo.
• Ika-pitong bundok- dito naglakbay si Don Juan upang hanapin ang isang ermitanyo na may
edad na 500.
• Kaharian ng Delos Cristal- kaharian ni Haring Salermo.

Suliranin:
Nagkaroon ng malubhang sakit si Don Fernando
Aksyon:
Hinanap ng mga anak ni Don Fernando ang Ibong Adarna dahil ito lang ang tanging paraan para siya ay
gumaling.
Tema:
Pagmamahal sa pamilya na handang gawin ang lahat kahit kamatayan.

La Solidaridad

Ang La Solidaridad ay itinatag ni Gat Graciano Lopez Jaena sa Barcelona, Spain noong taong
1889. Ito ay isang organisasyong naghangad na dagdagan ang pangangalaga ng Spain sa mga
pangangailangan ng Pilipinas at sa pagpalapit nang relasyon ng Pilipinas sa Spain. Ito ay
pinamunuan ng pinsan ni Gat Jose Rizal na si Galicano Apacible. Ang pahayagang ito ay
ilinilimbag din ang mga talumpati ng mga liberal na Espanyol ukol sa bansa. Isang palagabi at
lingguhang pahayagan, ito ang nagsisilbing opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda. Ang
Comite de Propaganda ang nagsusuporta sa pondo ng pahayagan. Si Gat Jose Rizal ang unang
hinandugan ng posisyon bilang patnugot nito, ngunit siya'y tumanggi dahil noong mga
panahong iyon, binibigyan niya ng sariling anotasyon ang likha ni Antonio de Morga na
Sucesos de las Islas Filipinas sa London. Sumunod na inihandog ang pagka-patnugot kay
Graciano Lopez Jaena, at siya'y pumayag.
MGA ELEMENTONG LUMIKHA SA AKDANG
PAMPANITIKAN

Ang mga elementong lumikha sa akdang pampanitikan ay ang mga karanasan at salik na
lipunan at pampulitika.

You might also like