You are on page 1of 8

San Pablo Diocesan Catholic Schools System

Liceo de Mamatid
City of Cabuyao, Laguna
F.Y. 2021-2022

LEARNING MODULE IN FILIPINO 7


Date: SEPTEMBER 27 TO OCTOBER 1 2021
OCTOBER 4 TO OCTOBER 8 2021
DESCRIPTION: This learning kit is an innovative tool produced by SPDCSS to meet the standards of the K to
12 Curriculum in providing our teachers and learners relevant materials that encourages independent and self-
regulated learning among learners.
GRADE LEVEL STANDARD:
Pagkatapos ng Ikapitong Baitang, naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, mapanuring
pag-iisip, at pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t-ibang uri ng teksto
at akdang pampanitikang rehiyonal upang maipagmalaki ang sariling kultura, gayundin ang iba’t-ibang
kulturang panrehiyon.
CONTENT STANDARD:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa akdang pampanitikan ng Mindanao.
PERFORMANCE STANDARD:
Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang proyektong panturismo.

B. CURRICULUM TYPE K TO 12
INTENDED USERS Educators and Learners
COPY INFORMATION
COPYRIGHT SPDCSS
CONDITIONS Use, copy and print
AUTHOR/DEVELOPER MRS. MA. ALICIA JEN V. SAGUAN

QUARTER: FIRST
MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES:
1. Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan
batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan.
2. Nahihinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang napakinggan
3. Naipaliliwanag ang sanhi at bunga ng mga pangyayari
4. Nasusuri ang pagkamakatotohanan ng mga pangyayari batay sa sariling karanasan
5. Nagagamit nang wasto at angkop ang wikang Filipino sa pagsasagawa ng isang makatotohanan at
mapanghikayat na proyektong panturismo

WEEKS: 3 TO 4
CONTENT/TOPIC:
1. Natalo rin si Pilandok,
2. Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula
3. Mga ekspresiyong naghahayag ng posibilidad
4. Pagsasagawa ng pananaliksi tungkol sa Pabula
OBJECTIVES:
1. Napapatunayang nagbabago ang kahulugan ng mga salitang naglalarawan batay sa ginamit na
panlapi.
2. Nakikilala ang kasingkahulugan ng salita mula sa iba pang salita sa pangungusap.
3. Nailalarawan ang isang taong may pagkakatulad sa karakter ng pangunahing tauhan.
4. Nakikilala ang mga salita o ekspresyong nagsasaad ng posibilidad.
REFERENCES:
- Pinagyamang Pluma 7 (Ikalawang edisyon)
- Power point presentation
- https://tl.emsayazilim.com/definici-n-de-modus-operandi
- https://www.scamwatch.gov.au/about-scamwatch/tools-resources/in-your-language/tagalog-
ano-ang-dapat-ninyong-malaman-tungkol-sa-%E2%80%9Cscams%E2%80%9D-
panggagantso-at-paano-kayo-maprotektahan-laban-dito
- https://philnews.ph/2020/08/13/buod-ng-natalo-rin-si-pilandok-buod-ng-pabulang-ito/
-
1
LEARNING MATERIAL/MODULE:
WEEK 3
PANIMULA
Mahalagang tanong: Ano-ano ang mga dapat gawin ng isang tao upang makaiwas maging biktima ng
mga tuso o manloloko?
DAY 1
ANO ANG MODUS OPERANDI???

Ang modus operandi ay isang pariralang Latin na maaaring isalin bilang "paraan ng


pagkilos ." Ito ay isang partikular na paraan ng pagtatrabaho upang makamit ang
isang layunin.
Samakatuwid, ang modus operandi, ay ibinigay ng mga hakbang at
pamamaraan na isinasagawa ng isang paksa o isang pangkat ng mga indibidwal na may balak
ANO ANG na makamit ang isang bagay.
“SCAM” ???

Ang mga “scams” (panggagantso) ay pumupuntirya sa lahat ng tao kahit anuman


ang pinanggalingan, edad at lebel ng sahod. Lahat ay maaaring mabiktima ng
panggagantso, kaya lahat ay kinakailangang matuto tungkol sa pagkilala at pag-iwas
sa mga ito. Ang mga nanggagantso ay mandaraya kaya kung hindi kayo marunong
mangkilatis nito, madali kayong mabiktima ng panggagantso.
Maraming
taong tuso at
manloloko sa ating panahon. Patuloy silang nakakapanloko dahil sa kanilang pagiging mapagkunwari kaya’t hindi namamalayan ng
kanilang mga nagiging biktima sa sila pala’y napapasok na sa isang bitag o kapahamakan.

Ang PILANDOK o PHILIPPINE MOUSE-DEER ay isang maliit na hayop. Halos isang


piye o 1 foot lang ang taas nito kapag nakatayo. Bagama’t tinatawag itong mouse-deer
at medyo nahahawig sa usa ay hindi ito kapamilya ng mga usa (Cervidae family) dahil
kabilang ito sa tinatawag na CHEVROTAIN FAMILY. Bagama’’t karaniwang itong
matatagpuan sa mga bayan sa timong-kanlurang Palawan,Kung higit
may Subalit,
maituturing
angnamga
na nakikilala “kaibigan”
ang ang pilandok,
katangiang ito ay ang
naglalarawan sa
sawa sapagkat
pilandok mula sa mga pabulang Meranao kung saan ito inilalarawan tulad
bilang
Pilandok niya’y naninirahan din ang mga
sa mga panitikang ito ay kabaliktaran ito sa
butas sa kagubatanngsubalit wala itong
tunayinteres na kaininsiya.
Mapanlinlang, mapamaraan, at tuso na laging nanlilinlang sanaman
mga kanyang na katangian. 1.
Sa halip, kapag may
Tahimik nakitang
atang
madalas mangangaso, nagtatago
na nag-iisa ang Pilandok.agad
2.
nakakasalamuha niya tulad ng buwaya, unggoy, baboy-ramo maging sultan.
ang ilandokSasabaraw,
utas atito’y
dito nakakubli
naman aabangan
sa ng butas
mga sawa ang sa
Kung ang mga Tagalog ay may Juan Tamad ang mga mgaMeranao naman aykasama
asongmadadawag
karaniwang may ng mga mangangaso. Sa
na kagubatan nang walang kakilos-
Pilandok. gabi, lumalabas ang pilandok upang maghanap ng
kilos upang makaiwas sa mga pwedeng humuli
sa kanya.

Makakain sa kagubatan o kaya’y sa tabing-ilog Ang panghuhuli ng pilandok ay ipinagbabawal


o dagat. Dito na madalas na nahuhuli ang sapagkat kabilang ito sa mga hayop na itinuturing
pilandok sapagkat ang mga mata nito’y na “vulnerable” kaya’y kung hindi mahihinto ang
madaling makita kapag nasinagan ng liwanag pangangaso rito ay maaaring mapabilang ito sa
ng ilaw. mga hayop na “endangered” o nanganganib nang
maubos ang lahi.
Di tulad ng paglalarawan sa kanyang katangian
sa mga pabula, wala itong interes sa anumang
kayamanan sapagkat ang kanya lamang hanap
ay mga simleng pagkain. (dahoon, bulaklak at
iba pang halamang gubat.)

Ating babasahin ang buong buod ng isang pabula na nangangalang “Natalo Din Si Pilandok”.

“Natalo Din Si Pilandok”. (BUOD)


Kilala si Pilandok na isa sa mga pinaka-tusong hayop sa kagubatan. Halos lahat ng uri ng hayop ay naiisahan

2
nya at nagagamit para sa kanyang sariling interes.

Nakalinlang ni Pilandok ang Baboy Ramo at naiwasan nyang makain nito. Sinabi niya sa Baboy Ramo na sa
halip na siya ang kainin hay humanap ng isang tao na mas malaki at mas makakabusog sa kanya. Dinala niya
ang Baboy Ramo sa mangangaso sa kagubatan. Hinuli ang Baboy Ramo at nakaligtas siya.

Nakatagpo siya ni Buaya na nais siyang kagatin. Alam ng buwaya na mapanlinlang si Pilandok pero niloko pa
rin siya. Akala ng Buwaya na kinagat niya ang binti ni Pilandok ngunit isa itong patpat. Nakatakas si
Pilandok.

Halos lahat maloko ni Pilandok maliban sa isa: ang suso. Hinamon niya ang suso sa isang karera pero natalo
siya nito. Matagal nang napaghandaan ng Suso at ng kanyang mga kapatid ang hamon na ito kaya nagpanggap
sila na iisang nilalang para makumbinsi si Pilandok na natalo siya ng suso. Mula noon ay nangako na si
Pilandok na hindi na muling manlalamang ng kapwa.
WEEK 3 DAY

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG PABULA. 2

- Ito ay nagmula sa salitang Griyegong muzos na ang ibig sabihin ay myth o mito. Nagsimula ito sa
tradisyong pasalita at nagpasalin-salin sa iba’t-ibang henerasyon hangang sa kolektahin ng mga pantas at
sa huli ay binigyan ng ilang pagbabago ng mga tagapagkwento nang naaayon sa kultura o kapaligirang
kanilang ginagalawan.
- Ang ilan sa mga naunang kilalang koleksiyon o kalipunan ng pabula ay nagmula sa mga kaugalian ng mga
bansang Silangan. Ang iba pang koleksiyon ay nagmula naman sa mga GRIYEGO AT ROMANO kung
saan masasalamin sa mga paksa nito ang mga elementong panrelihiyon.
- Sa pagdaan ng panahon ay isinilang ang pabula ni AESOP na gumamit ng mga hayop na nagsasalitang
parang mga tao bilang mga pangunahing tauhan. Si AESOP na isang Griyego at nabuhay noon g
panahong 620 hanggang 560 BC ay itinuring na ama ng mga sinaunang pabula (ancient fables). Si
AESOP na sinasabi ring isinilang na kuba ay lumaking isang alipin subalit pinagkalooban ng kalayaan ng
kanyang amo at hinayaang maglakbay at makilahok sa mga kilusang pambayan at makisalamuha sa mga
tao (sa panahong iyon, ang mga alipin ay walang karapatang lumabas at makisalamuha sa iba maliban
na lamang kung may pahintulot ang kanilang mga amo.) Dito lumabas at nakilala ang kanyang taglay na
talino at galing sa pagsusulat at pagkukwento. Tinatayang siya ay nakasulat ng mahigit 200 pabula sa
kanyang buong buhay.
-

- Marami pang ibang manunulat ang sumunod na sumulat ng pabula at nakilala rin dahil sa kanilang mga
likha. Kabilang sa mga ito sina BABRIUS, isang manunulat ng koleksiyon ng mga pabulang nasusulat sa
wikang griyego; PHAEDRUS na kinikilalang kauna-unahang nagsalin sa Latin ng mga pabulang hango
sa mga pabula ni Aesop; gayundin sina ROMULUS, SOCRATES, PHALACRUS, AT PLANUDES.

- Kabilang din sa mga nagpalaganap ng pabula sa kani-kanilang sina Odon at Cheriton noong 1200, Marie de France
noong 1300, Jean La Fontaine noong 1600, G.E. Lessing noong 1700 at Ambrose Bierce noong 1800.
- Ang mga pabula ay lumaganap na rin sa iba’t-ibang bansa ang ating bansa. Naging laganap ito maging nang bago
pa dumating ang mga mananakop. Nagamit din ng ting mga ninuno ang mga kuwento at aral na taglay ng mga
pabula sa pagtuturo ng kagandahang-asal at mabutiin gpamumuhay sa mga tao lalong-lalo na sa mga kabataan.

Sa mga tauhang hayop ng mga pabula Taliwas sa iniisip ng marami, ang pabula ay
masasalamin ang mga katangiang taglay ng tao hindi maituturing na “pambata lamang”
tulad ng pagiging malupit, makasarili, sapagkat ang mga ito’y nangangailangan ng
mayabang, tuso, madaya at iba pa. Itinuturo rin pag-unawa sa mga katangian ng mga tauhang
ng mga pabula ang tama, mabuti, hayop at pag-uugnay ng mga ito sa kahawig na
makatanrungan, at makataong pag-uugali at katangian ng mga tao upang maging epektibo
pakikitungo sa kapwa. Ang mga pabula ay ang paghahambing. Mahalaga ring makilatis
lumaganap dahil sa magagandang arawl sa ang mga aral o mahahalagang kaisipang taglay
buhay na ibinibigay nito. 3
ng mga ito.
PANLAPI AT MGA POSISYON NITO.

Ang panlapi o morpemang di-malaya ay isang morpema na ikinakabit sa isang salitang-ugat upang


makabuo ng isang salita. Ito ay isa o ilang pantig na idinaragdag sa unahan,gitna o hulihan ng mga salitang- ugat upang makabuo
ng isang panibagong salita.
MGA POSISYON NG PANLAPI.

1. UNLAPI (prefix)- mga panlapi na HALIMBAWA: magtanim, mahusay, pagkabigat, makatao,


ikinakabit sa unahan ng salitang-ugat. nahulog, palabiro
Halimbawa: um-, ma-, i-, mag-,
ipa-, na-, nag-, pag-, pala-, atbp.

2. GITLAPI (infix)- mga panlaping


isinisingit sa pagitan ng unang katinig at HALIMBAWA: pinasok, pinalitan, gumagamit, tumakbo, sumayaw
kasunod nitong patinig.
Halimbawa: -um-, -in-

HULAPI (suffix)- Ito ay nasa huli ng HALIMBAWA: kaligayahan, palitan, basahin, pinagsabihan,
salitang ugat. Ang karaniwang ginagamit na sabihin
hulapi ay -an, -han, -in, -hin.

KABILAAN – unlapi + hulapi (prefix + suffix)


Halimbawa: kalayaan
LAGUHAN – unlapi + gitlapi + hulapi (prefix + infix + suffix)
Halimbawa: magdinuguan

VALUES INTEGRATION: NOTE:


1. Pagiging tapat. Sagutan ang Gawain sa Week 3, Day 3 Activity 1 sa
2. Ang panloloko sa kapwa ay gawaing masama. pahina 6 ng ACTIVITY SHEET.

WEEK 4
 Ang posibilidad ay isang pahayag na naglalahad ng isang pangyayaring
maaaring mangyari o magkatotoo ngunit walang katiyakan o kasiguruhan. 
DAY 1
 Gumagamit ng mga ekspresyong nagpapahayag ng posibilidad kung ang
taong nagpapahayag ay nagbabakasakali pa o hindi pa nakatitiyak sa
katotohanan ng kaniyang ideya o saloobin.
 Mayroong iba't ibang ekspresyong nagpapahayag ng posibilidad tulad ng:
baka, maaari, marahil, tila, kung, kapag, sakali, at siguro.

MGA
MGA EKSPRESYONG MAY MGA EKSPRESYONG MAAARING
EKSPRESYONG POSIBILIDAD NA MAGING MAGING SANHI O DAHILAN PARA
BUNGA O EPEKTO. MAGKATOTOO ANG POSIBILIDAD
- Ang mga pang-ugnay nabaka, - Ang mga pang-ugnay nasakali,
NAGHAHAYAG
maaari, marahil,attilaay mga siguro, kung,atkapagnaman ay
NG ekspresyong nagpapahayag ng nagpapahayag na maaaring maging
posibilidad na maging bunga ng sanhi para magkatotoo ang isang
POSIBILIDAD isang gawain o pangyayari. posibilidad.
HALIMBAWA: HALIMBAWA:
1. Magbabasa ako ng mga 1. Pupunta ako sa salo-salo
aralin mamayang gabi, sakaling maagang matapos
baka tumaas na ang aking ang aming klase.
marka sa mga asignatura.

Dahil posibilidad ang inilalahad sa mga


ekspresyong ito, ang inaasahang sagot ay
maaaring positibo o negatibo depende sa kung
maaari nga bang magkatotoo ang bagay na
4
inihayag o itinatanong.
PAGSASAGAWA NG
PANANALIKSIK
TUNGKOL SA PABULA

Kung ikaw ay sasabihing mananaliksik tungkol sa isang paksa, alam mo ba kung saan-saan makukuha ang mga
impormasyon o datos para maisagawa ito?

Mahalagang malaman ng isang mag-aaral kung ano-ano o kung saan-saan makakukuha ng datos para maging
komprehensibo at sistematiko ang gagawing pananaliksik.

Ating alamin ang iba’t-ibang mapagkukunan ng impormasyon o datos sa pagsasagawa ng pananaliksik tungkol sa
pabula.

1. Internet
2.Aklat o libro
3.Magasin o Diyaryo
4.Youtube video iba pang palabas sa telebisyon
5.Panayam, Seminar at Workshop

VALUES INTEGRATION:
3. Pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan.
4. Ikalugod ang mga pabulang ating nakagisnan

NOTE:

Sagutan ang Gawain sa Week 4, Day 2-3 Activity 2-


3 sa pahina 7-8 ng ACTIVITY SHEET.

ACTIVITY SHEET (Week 3)


NAME: ______________________________________________SUBJECT: _______________________
GRADE & SECTION: _________________________________TEACHER: ______________________
DAY 3
ACTIVITY 1: Ibigay ang kahulugan ng bawat “modus operandi” at kung paano isinasagawa ang mga ito.

MODUS OPERANDI PAANO GINAGAWA PINANGYARIHAN NG


KRIMEN

1. ATM (Automated Teller


Machine) Scams

2. Salisi Gang

5
3. Dugo-Dugo Gang

4. Budol-Budol Gang

5. Tutok-Kalawit Gang

ACTIVITY SHEET (Week 4)


NAME: ______________________________________________SUBJECT: _______________________
GRADE & SECTION: _________________________________TEACHER: ______________________
DAY 2.
ACTIVITY 2:
PANUTO: Ano kaya ang kalalabasan ng mga pangyayaring nakalahad sa bawat bilang? Maghinuha batay sa
akdang nabasa o napakinggan. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Kung magpapatuloy pa rin si Pilandok sa ginagawang panlalamang o panloloko sa mga kapwa niya
hayop
a. Iiwasan siya ng mga hayop at walang makikipagkaibigan o makikisama sa kanya
b. Mapipili siya bilang pinuno at gagayahin din ng ibang hayop ang mga halimbawa niya
c. Pupurihin nila ang mga ginagawa ni Pilandok sa kanyang mga kapwa hayop
Dahil
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________.

2. Naisahan na naman ni Pilandok ang buwaya. Ano kaya ang mangyayari sa susunod na mag-krus uli ang
landas ng dalawa?
a. Hindi na pakakawalan nang buhay ng buwaya si Pilandok
b. Muli na naming maiisahan ni Pilandok ang buwaya
c. Magiging magkaibigan na si Pilandok at ang buwaya
Dahil
6
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________.

3. Nagbunyi ang ibang hayop nang matalo ng isang munting suso si Pilandok. Ano kaya ang mensahe ang
ipinaabot ng mga hayop kay Pilandok?
a. Pumusta kami kay suso kaya sa pagkatalo mo ay mayroon kaming matatanggap na premyo
b. Tama lang na nangyari iyan sa’yo para malaman mo kungano ang nadarama ng kapwa mo kapag
ikaw naman ang nanlilinlang sa kanila
c. Ang galing mo talaga, Pilandok! Ikaw ang “idol” naming mga hayop dito.
Dahil
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________.

4. Tinanggap ni Pilandok ang pagkatalo niya kay Suso at nangako pang magbabago na. Anong katangian
ang mga makikita kay Pilandok dahil sa ginawa niyang ito?
a. Marunong ding tumanggap ng pagkatalo at alam ni Pilandok kung kalian siya magpapakumbaba
b. Masipa din pala si Pilandok at gagawin niya ang makakaya para makatulong sa mga kapwa hayop
c. Mahusay talagang makisama at maaasahan ng maraming hayop ang mabait na si Pilandok
Dahil
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________.
5. Pagkatapos ng pagkatalo ni Pilandok sa suso at pangangakong magbabago na sa harap ng kanyang mga
kapwa hayop, ano kaya ang mangyayari?
a. Muling manlilinlang si Pilandok ng hayop kapag siya’y nagipt
b. Iiwas na si Pilandok na manlinlang o manloko ng ibang hayop
c. Hindi na ipakikita o ipaaalam ni Pilandok sa iba kapag siya’y nanloko uli ng kapwa niya
Dahil
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________.

DAY 3
ACTIVITY 3: A. Tukuyin at lagyan ng tsek ( ) ang lahat ng mahahalagang kaisipang taglay ng binasa. Ekis (x) naman
ang ilagay sa hindi. Ipaliwanag ang maaring dahilan kung bakit binigyang-diin ng manunulat ang mga kaisipang nilagyan
mo ng tsek.

1. Si Pilandok ay isang nilalang na laging nag-iisip ng paraan kung paano makapanlilinlang o makapanloloko ng
kanyang kapwa.
Paliwanag: _________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________.

2. Ang matamis na dila o maboladas na pananalita ay karaniwang nakaaakit sa iba kaya sila nagiging biktima ng
mga manloloko.
Paliwanag: _________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________.

3. Ang masipag na nilalang ay nagagantimpalaan


Paliwanag: _________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________.

7
4. “Tuso man ang matsing, napaglalamangan din.” Napatunayan ito ni Pilandok nang siya naman ang malinlang
nang mas maliit na nilalang kaysa sa kanya.
Paliwanag: _________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________.

5. Maging matalino at kilalanin munang mabuti ang isang tao bago maniwala upang di matulad kina Baboy-ramo
at Buwaya na naging biktima ng isang manloloko.
Paliwanag: _________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________.

ACTIVITY 3 B. PANUTO: Sa iyong palagay, karapat-dapat ba o hindi ang paggamit ng mga hayop bilang mga tauhan sa
pabula? Magpahayag ng limang dahilan sa napili mong sagot sa mga linya sa baba. (Lagyan ng tsek ang iyong napili.)

 Karapat-dapat ang paggamit ng mga hayop sa pabula dahil…..

 Hindi karapat-dapat ang paggamit ng mga hayop sa pabula dahil….

1. ______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

2. ______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

3. ______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

4. ______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

5. ______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

You might also like