You are on page 1of 3

KARAPATANG PANTAO/ KAHIRAPAN

Kasalanan Mo Ba?

Darating daw ang pagbabago


Naniwala sa mga pangako
Bansa daw ay lalago
Ngunit tao’y tila pinako

Kaligtasan kanilang pananagutan


Ngunit bakit tao tila pinupugutan
Ang luha’t hirap ay tila alulong
Dahil sa ‘di- makatwirang
pagkakakulong

Malaya raw na punahin


Opinyon at pahayag nagsidating
Ngunit tila dalagang mahinhin
Hindi matanggap mga pasaring

Kasalanan mo ba
Na maniwala sa kanilang
pagkukumbaba
Na magbulag-bulagan dahil ‘di
napinsala
Na magdusa kahit walang sala

Gene Rose Remos


KABABAIHAN
Dayang, Malaya Ka Ba?
Lahat nais ay kalayaan
Demokrasiya’y ipinatupad
Ngunit hindi lahat nabiyayaan
May mga ‘di pa rin makausad

Sa mata ng lipunan sila’y mahina


Mahinhin, marikit at nasusupil
Tuwina ay nasisiil
Sa kanila'y 'di nakakahalina

Hindi magawa ang mga gusto


Hindi daw kayang magbanat ng buto
Hindi daw kayang magbuhat ng mabigat
Ngunit kayang magbuhat ng pabigat

Dayang, malaya ka ba
Sa mga matang mapanghusga
Sa mga taong dala’y panganib at kaba
Mapagtanto kaya iyong halaga

Gene Rose Remos


MANGGAGAWA
Kailan Ba Matatapos?

Mahirap daw ang bansa


Ngunit marami ang marangya
Patuloy na nagpapakasasa
Buhay tila isang monarkiya

Bunga ng dugo’t pawis ay tila patatas


Sa nangaabuso’y mamahaling gatas
Di pare-pareho ang natatamo
Kaya tao’y nagsusumamo

Anim na buwan ay pinapatos


Hindi na hangad benepisyo
Mahalaga'y busog at nakatapos
Kahit pagahahanap uli’y perwisyo

Kailan ba matatapos
Marami nang naghihikahos
Nauuwi na sa panglilimos
Maghihintay na lang ba ng manunubos
Gene Rose Remos

You might also like