Intro Fil Peta

You might also like

You are on page 1of 5

I.

Introduksyon

Ang Konstitusyon/Constitution sa isang bansa ay labis na mahalaga sapagkat dito


nakasaad ang mga paraan kung paano pamamahalaan ang isang bansa at ang mga
nasasakupan nito. Mahalagang ito’y pag aralan sapagkat ito ay tumutukoy sa iba’t ibang
mahahalagang batas na makakatulong upang makabuo ng isang makatao at makatarungang
lipunan, pagkakaroon ng ugnayan sa pagitan ng mamamayan at gobyerno at alituntunin para sa
mga taong kabilang sa iba’t ibang pangkat etniko, organisasyon at relihiyon. Ang terminong
‘Constitution’ ang napiling itampok ng mga mananaliksik sapagkat ito ay napapanahon sa
pamamagitan ng mga palitan ng kuro kuro sa kasalukuyan patungkol sa emendasyon ng
saligang batas bago ang halalan upang maresolba ang problema sa pandemya at mas
matugunan ng ating Konstitusyon ang mga pangangailangan ng mga Pilipino sa hinaharap.
Layunin ng pag-aaral na makapagbigay kaalaman sa iba ang salitang tampok dahil una, ang
pagsasagawa ng saliksik ukol sa napilling salita ay makakatulong upang mas maunawaan ng
mamamayang Pilipino ang kahulugan at importansya ng ating Konstitusyon. Pangalawa, ang
malalim na saliksik ukol sa salitang Konstitusyon ay nagbibigay kaalaman tungkol sa
magkakaibang pagpapakahulugan nito base sa iba’t-ibang larang gaya ng Agham, Medisina,
Batas, at Sikolohiya.

Pokus ng pag-aaral

Ang saliksik na ito ay naka pokus sa pagdalumat sa terminong ‘Constitution’ bilang isang
mahalagang salita sa intelektuwalisasyon ng Filipino at sa larang ng Politika. Bilang isang
larang ng agham at sining ng pagpapatakbo ng páma-halaán sa pamamaraang sinusunod o
itinataguyod ng isang halal ng bayan sa pagtupad ng kani-yang tungkulin (diksuyunaryo.ph),
malaki at mahalaga ang papel na ginagampanan ng larang ng politika sa ating lipunan. Kaya
marapat lamang na ang iba’t ibang terminong politikal ay maisalin sa wikang Filipino upang higit
na maunawaan ng bawat isa dahil ito ay nagsisilbing instrumento ng mga tao sa kamay ng
pamahalaan upang makipag ugnayan sa pamamagitan ng pag batid ng kanilang mga opinyon,
pagtutol, at saloobin sa mga proyekto ng gobyerno.
Constitution ang napiling maging pokus ng pag aaral ng mga mananaliksik sapagkat ito’y
nagiging bukas nanaman sa usapin ng publiko at gobyerno. Layunin ng saliksik na ito na
maging kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral, pamahalaan, mga Pilipino, at sa ibang larang
upang maipaliwanag ang kahalagahan ng pagiging intelektwalisado sa mga usaping politikal
lalo na sa isyu tungkol sa repormang konstitusyonal dahil ito ay may malaking epekto sa ating
bansa at upang magkaroon ng kamalayan at pagpapahalaga ang bawat isa sa simbolo ng
demokrasya sa Pilipinas.

Disenyo at Metodo ng Pananaliksik

Ang saliksik wikang ito ay isang kalitatibong pananaliksik na nakapokus sa paglalahad


ng pagpapakahulugan ng terminong ‘Constitution’ na nagmula sa larangan ng Politika. Gamit
ang metodo sa pananaliksik na leksikograpiya, ang mga mananaliksik ay nangalap ng mga
linggwistikal na datos at iba’t ibang uri ng mapagkukuhanan ng impormasyon tulad ng
diksyonaryo, tekstong akademiko, balita, midya at iba pa. Bukod dito, gamit ang dalawang lapit
sa saliksik wika na diyakroniko at sinkroniko, ipinakita ng pananaliksik kung paano ang
kultibasyon ng terminong ‘Constitution’ ay mayroong istandard na kahulugan, kahulugang
pangkasaysayan, kahulugang simbolikal at kahulugan batay sa iba’t ibang larangan. Naglalayon
ang saliksik na ito na makapagbigay ng kaalaman at maiugnay ang mga pagpapakahulugan ng
salitang ‘Constitution’ hindi lamang sa larang ng Politika ngunit sa bawat uri ng larang at sa
lahat ng sulok ng lipunan.

II. Intro ukol sa Elaborasyon ng Salita

Layunin ng saliksik na ito na makapagbigay ng kontribusyon sa elaborasyon ng Filipino


alinsunod sa mga terminong pang-agham. Sa bahaging ito ipinapakita ang konsepto ng
elaborasyon.
Ang elaborasyon ay may malaking papel sa pagusbong ng bokabularyo ng isang
termino sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang estratehiya gaya ng paghiram, paglikha,
pagsasalin, pagbibigay kahulugan, pagpapalawak ng kahulugan galing sa panlalawigan na
salita, at marami pang iba (Schiffman, 1996). Sa tulong ng elaborasyon ng gamit na kung saan
tumutukoy sa ginagamit ang mga salita ayon sa komunidad pangwika sa larang at ng
elaborasyon ng anyo at kahulugan na tumutukoy naman sa paglikha ng bagong kahulugan
bunga ng iba’t ibang kultura (Wiley at Garcia, 2016). Dito makikita na hindi mapipigilan ang
paglinang ng wikang Filipino bilang isang wikang magagamit sa iba’t ibang larang at kung
gaano kahalaga ang ginagampanang tungkulin elaborasyon ng salita lalo na pagdating sa
akademikong diskurso.
Sa bahaging ito ng saliksik inilalahad ang mga paraan ng elaborasyon ng terminong
‘Constitution’ sa pamamagitan ng pagpapakita ng istandard na kahulugan, kahulugang
pangkasaysayan o diyakroniko, kahulugang simbolikal, at pagpapakahulugan ayon sa larang.

Batay dito, malawak ang mga sanggunian at batis na maaaring gamitin upang
maidokumento at masuri ang elaborasyon ng wika. Maaari itong magmula sa
interaksiyon ng iba’t ibang uri ng komunikasyon mula sa pormal at akademikong diskurso
pati na rin sa mga bago at umuusbong na mga anyo gaya ng mga ibinunga ng mga
pagbabago ng teknolohiya, komunikasyon sa internet at social media, pati na ang mga
pang-araw-araw na karanasan.

Sa bahaging ito ng saliksik inilalahad ang mga paraan ng elaborasyon ng terminong


‘Constitution’ sa pamamagitan ng pagpapakita ng istandard na kahulugan, kahulugang
pangkasaysayan o diyakroniko, kahulugang simbolikal, at pagpapakahulugan ayon sa larang.
REFERENCES:

Yamzon, N. (2020). Bakit Mahalaga Ang Konstitusyon?. Retrieved from


https://www.pressreader.com/philippines/sunstar-pampanga/20200211/2816725
51944821

Dressel, B. (2005). Strengthening Governance through Constitutional Reform. Retrieve


from
https://www.adb.org/sites/default/files/publication/28636/governancebrief13.pdf

Legaspi, W. (n.d.). Translasyon at Interpretasyon Bilang Anyong Elaborasyon: Isang


Panimulang Pag-aaral sa Wikang Filipino. Retrieved from
https://studylib.net/doc/5274365/translasyon-at-interpretasyon-bilang-anyo-ng-
elaborasyon-

Schiffman, H. F. (1996). Linguistic Culture and Language Policy. London: Routledge.


Retrieved from
http://ccat.sas.upenn.edu/~haroldfs/540/handouts/planning/node3.html

Wiley, T. at Garcia, O. (2016). Language Policy and Planning in Language Education:


Legacies, Consequences, and Possibilities. Retrieved from
https://ofeliagarciadotorg.files.wordpress.com/2011/02/wiley_garcia-2016-the_
modern_language_journal-copy.pdf

Diksyunaryo.ph (n.d.). Politika kahulugan. Retrieved from


http://diksiyonaryo.ph/search/politika

Sanggunian:
https://brainly.ph/question/49880 - feel q wag na 2
https://www.officialgazette.gov.ph/downloads/1987/02feb/19870211-Konstitusyon-CCA.pdf
https://www.pressreader.com/philippines/sunstar-pampanga/20200211/281672551944821
https://dilg.gov.ph/news/NEW-MOVEMENT-FOR-CONSTITUTIONAL-REFORMS-LAUNCHED-
TODAY/NC-2020-1016
https://studylib.net/doc/5274365/translasyon-at-interpretasyon-bilang-anyo-ng-elaborasyon-... -
sa elaborasyon ginamit (PERO WAG ISAMA ung nasa baba nalang)

Yamzon, N. (2020). Bakit Mahalaga Ang Konstitusyon?. Retrieved from


https://www.pressreader.com/philippines/sunstar-pampanga/20200211/2816725
51944821

Dressel, B. (2005). Strengthening Governance through Constitutional Reform. Retrieve


from
https://www.adb.org/sites/default/files/publication/28636/governancebrief13.pdf

Legaspi, W. (n.d.). Translasyon at Interpretasyon Bilang Anyong Elaborasyon: Isang


Panimulang Pag-aaral sa Wikang Filipino. Retrieved from
https://studylib.net/doc/5274365/translasyon-at-interpretasyon-bilang-anyo-ng-
elaborasyon-

Schiffman, H. F. (1996). Linguistic Culture and Language Policy. London: Routledge.


Retrieved from
http://ccat.sas.upenn.edu/~haroldfs/540/handouts/planning/node3.html

Wiley, T. at Garcia, O. (2016). Language Policy and Planning in Language Education:


Legacies, Consequences, and Possibilities. Retrieved from
https://ofeliagarciadotorg.files.wordpress.com/2011/02/wiley_garcia-2016-the_
modern_language_journal-copy.pdf

Diksyunaryo.ph (n.d.). Politika kahulugan. Retrieved from


http://diksiyonaryo.ph/search/politika

Encyclopædia Britannica, inc. (n.d.). Election. Encyclopædia Britannica. Retrieved from


https://www.britannica.com/topic/election-political-science.

Dictionary.com. (n.d.). Election definition & meaning. Dictionary.com. Retrieved from


https://www.dictionary.com/browse/election.

Online Etymology Dictionary. (n.d.). Election (n.). Index. Retrieved from


https://www.etymonline.com/word/election.
Bhe e2 makakatulong sayu sinama q lang here pero iba 2:
https://quizlet.com/523650621/04-gabay-sa-pagsulat-ng-saliksik-wika-flash-cards/

ELABORASYON / PAGPAPALAWAK: prosesong pagpapayaman ng leksikono bokabularyo ng


isang wika sapamamagitan ng iba’tibang estratehiya ng pangwika, gayang: borrowing, coining,
translating, interpreting, extension of meaning of a native term, at iba pa.

hindi mapapasubalian na sa paglinang ng wikang Filipino bilang isang wikang akademiko,


mahalaga ang ginagampanang tungkulin ng pagpaplanong pangwika at
elaborasyon ( tumutukoy sa proseso ng pag"unlad at pagbabago ng istraktura at gamit ng wika
kabilang na rito ang pagbabago sa ispeling o pagbabaybay. 'ng naturang proseso ay may legal
na batayan na ating masusumpungan sa ating konstitusyon na nagtatakda na patuloy nating
paunlarin at payabungin ang ating wikang pambansa. Sa ganitong hakbangin , ating
matatalunton ang tinatawag na intelektwalisasyon ( ang paggamit ng wikang Filipino bilang
wikang akademiko sa mga talakayan at diskursong iskolarli kaugnay ng iba’t ibang disiplina o
larangan.
Upang maging intelektwalisado ang wika ito ay may katangian na gamitin ito bilang midyum ng
pagtuturo at pagkatuto sa lahat ng antas ng pag-aaral) sa iba’t ibang disiplina lalong-lalo na sa
agham, matematika, teknolohiya, humanidades, at sining.
+ung lilimiin, hindi ito ang palagay ng ating mga pulitiko at pinuno sa mga ahensyang
pang"edukasyon

You might also like