You are on page 1of 1

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon V
Sangay ng Camarines Norte
Kanlurang Distrito ng Jose Panganiban
PAARALANG ELEMENTARYA NG STA. MILAGROSA

Oktubre 21, 2021

_________________________
_________________________
_________________________

G/Gng/Bb:

Magandang araw! Ang Paaralang Elementarya ng Sta. Milagrosa ay magsasagawa


ng aktibidad para sa mga Homeroom Officers ng bawat baitang. Ang gawaing ito ay
naglalayong mapaganda ang pisikal na istruktura ng paaralan at mamayani ang pagkakaisa
at pagtutulungan ng bawat magulang.
Ang samahan ng ika-anim na baitang ay lubos ang suporta sa gawaing ito ngunit
kami ay kapos sa pangangailangang pinansyal na kailangan upang higit na mapaganda at
magtagumpay ang gawaing ito. Dahil dito, kami ay lumalapit sainyo upang humingi ng tulong
donasyon (pinansyal o materyal) na maaari naming gamitin sa gawaing ito.
Kami ay lubos na nagpapasalamat sa anumang tulong na inyong ipagkakaloob.
Maraming Salamat!

Lubos na gumagalang,

Marissa B. Berden
Pangulo, Samahan ng mga Magulang

Rosel F. Mata
Namumunong-guro

You might also like