You are on page 1of 1

Ano ba talaga ang buhay-abroad? Ano bang mapupulot natin sa pag-aabroad?

Ang sagot ng
nakararami ay upang maka-ahon sa kahirapan ang pamilya o ‘di ba kaya’y upang makararanas ng
kaginhawaan. Bukod dito, mas makaka-ipon sila ng malaki doon sa ibang bansa na maaaring
makapagbigay sa kanila ng mapayapang buhay. Oo, maraming benepisyo ang makukuha kapag
nangibang-bansa ang isang Pilipino. Ngunit, sa lahat ng ito, matatawag ba siyang isang tunay na Pilipino
kung hindi man lang niya naisip na mayroon din siyang sariling bansa?

Hindi natin maikakaila ang pagliban sa bansa ng iilan dahil sa tanging hangarin na sila ay umahon
sa kahirapan at masuportahan ang pamilya. Naiimpluwensyahan o napilit lamang sila sa hindi sapat na
sweldo sa kanilang trabaho, mas magandang trabaho sa ibang bansa, o ‘di ba kaya’y dumarami ang
pangangailangan para sa mga serbisyo sa buong mundo. Maiintindihan naman na ang Pilipinas ay isang
bansa na nagpapadala ng paggawa at ang mga OFW ay may kontribusyon tungo sa paglago ng
ekonomiya ng Pilipinas. Ang hangarin lamang ng mga manggagawang Pilipinong ay magkaroon ng
maginhawang kabuhayan at sa tingin nila ang kalutasan ay ang pagtatrabaho sa ibang bansa.

You might also like