You are on page 1of 1

Introduction: Pagtupad ng Aking mga Pangarap

Marami akong pangarap sa buhay. Di katulad ng ibang kabataan na nangangarap ng


magandang bahay, maging mayaman, magkaroon ng mga magagarang sasakyan, magkaroon ng
mamahaling gamit at iba pa, sa katotohanan ay nangangarap lamang ako ng simpleng buhay, nakatira sa
sa isang tahanan na may sapat na seguridad, may sasakyang masasakyan at simpleng pamumuhay
lamang. Hindi ako naghahangad ng masyadong mataas sa buhay, yung makakaya ko lamang ang aking
priyoridad. Gusto ko ng magandang kinabukasan para sa akin, sa aking pamilya at sa aking magiging
pamilya balang araw.

Una, isa sa mga pangarap ko ang makapagtapos ng pagaaral at magtrabaho para masuklian
ang lahat ng pagod ng aking mga magulang at ng aking ate. Pangalawa, pag may trabaho na ako ay
magiipon ako para sa aking bahay at lupa na matitirhan ko. Kasunod naman nyan ay ang sasakyan at
mga materyal na bagay na matagal ko nang ninanais. Pagkatapos nyan ay maari ko nang masuklian ang
lahat ng pagod at sakripisyo ng aking mga magulang at ng aking ate. Bibilhan ko sila ng sariling bahay at
lupa na matitirhan, sasakyan at kung ano pang bagay o materyal na kailangan nila o ninanais nila. Gusto
kong maging matagumpay ang aking mga kapatid dahil mahal na mahal ko sila at isa sila sa mga nagging
insperasyon ko sa buhay na magpursige at magtiyaga para sa aking kinabukasan.

Sa panghuli naman ay gusto kong magpunta sa iba’t ibang dako ng mundo hindi lamang sa
Pilipinas ngunit sa ibang kontinente ng mundo. Gusto kong mapuntahan ang bansang Belgium,
Germany, America, Netherlands at iba pa. Gusto kong makakain ng iba’t ibang pagkain sa Japan, Korea
at sa US. Isa rin sa mga gusto kong gawin ay magsleepover, roadtrip at magpasyal kasama ang aking
pamilya at aking mga tunay na kaibigan. Lahat ng mga ito ay iilan lamang sa aking mga pangarap sa
buhay dahil bata pa ako at marami pa akong madaraanan sa buhay at sa mga gusto kong gawin balang
araw. Siyempre, hindi naman ito matutupad kung walang kasamang pagtiyataga, pagpursige, pagiging
makunsensya at paghihintay sa tamang panahon na makakamit ko ang mga ito. Hinding hindi ko
makakalimutan ang mga taong tumulong at nandiyan para sa akin nung hindi pa ako matagumpay sa
buhay at walang sawang sumuporta sa akin kahit walang wala ako. Masaya na ako dahil sa mga taong ito
at gusto ko din silang makitang magtagumpay at maging masaya.

You might also like