Professional Documents
Culture Documents
GAWAIN-2 Komfil
GAWAIN-2 Komfil
Nuong Hulyo 4, 1946, sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 570 na pinagtibay nuong Hunyo
7, 1940, ay kinilala ang Wikang Filipino bilang opisyal na Wikang Pambansa. Ayon kay
Roberto T. Añonuevo, ng Komisyon sa Wikang Filipino: “Nagpalabas ng kautusan ang kalihim
ng Tanggapan ng Edukasyon noong 13 Agosto 1959, na tawaging ‘Pilipino’ ang ‘Wikang
Pambansa’. Ang ‘Pilipino’, na ibinatay nang malaki sa Tagalog ay maghuhunos na “Filipino”
alinsunod sa atas ng Saligang Batas 1973 ‘na linangin, paunlarin, at pagtibayin ang Filipino
alinsunod sa umiiral na mga katutubong wika at diyalekto nang di-alintana ang pagtanggap ng
mga salita mula sa mga dayuhang wika.’”
May pananaw si Ben G. Domingo, retiradong propesor sa komunikasyon sa Central
Luzon State University. “Nang bago pa lamang akong natututo ng wikang Pilipino, may pagka-
purista ang aking pagpapahalaga at paggamit sa noon ay pambansang wikang tumuntong sa
Tagalog. Unti-unting nagbago ang aking pananaw nang malinawan ako sa pagiging dinamiko
at masigla ng isang buhay na wika. Nagbabago o lumalago ito dulot ng iba’t ibang kaganapan
sa lipunang kinapapalooban nito.”
Bagama’t nagpahayag din siya ng pagkalito. “Naisip ko rin noon, bakit kinakailangang
isama ang mga letrang c, ch, f, j, ll, ng, q, v, x at z sa wikang Filipino? Hindi ba balangkas-
kolonyal ito?
“Hanggang sa mapagtanto kong ang mga ito ay likas (na tunog) sa maraming
katutubong wika sa ating bansa, tulad ng Ibanag at Itawis na sagana sa ‘f’ at ‘v’ ang kanilang
mga salita.”
Ito ang malinaw na tugon kung bakit ang Filipino ay “nag-ampon” ng mga titik na sa
unang tingin o dinig ay banyaga.
May agam-agam siya kung bakit Tagalog ang pinagbasehan ng Wikang Pambansa.
“Nuong simula ng ilang-20 siglo, tinatayang wala pang 25 porsyento ng mga mamamayan sa
Pilipinas ang nagsasalita ng Tagalog samantalang mahigit 40 porsyento, diumano, ay
gumagamit ng Bisaya, bagama’t ang bilang na ito ay nagbago na (mahigit na 90 porsyento na
ang gumagamit ng wikang Filipinong nakatuntong sa Tagalog [ngayon]) pagkatapos na
maisabatas na Tagalog ang naging lunsaran ng wikang pambansa, na ipinatupad sa mga
paaralan at lalong pinakalat ng midya.”
2. Tagalog at Filipino
3. Pilipino at Filipino
- Ang Pilipino ay tumutukoy sa katutubong dayalekto ng ating bansa. Samantala,
ang Filipino ay kasalukuyang pambansang wika sa ating bansa noong 1987, at
ang mga dayalekto ay bahagi ng barayti ng wikang Filipino. Ang Pilipino ang
tawag sa mamamayan ng Pilipinas. Ang Filipino ay ang wikang opisyal na
ginagamit bilang transakyunal na wika sa mga opisina. Ang Filipino at Pilipino ay
parehong wika.