You are on page 1of 2

III.

Paglalahad Ng Paksa

Ang ating aralin sa araw na ito ay tungkol sa


Basahin ang kuwento.
Sina Araw at Buwan
Anak ni Haring Bathala sina Araw at Buwan. Nakatira sila sa kalangitan.

Habang lumalaki, nagiging magkaiba ang ugali ng magkapatid.

Magalang at masunurin si araw. Tamad at maing-gitin si buwan.


Minsan naisip ni Haring Bathala na bigyan ng gantimpala ang kabaitan ni
Araw.

“Bibigyan kita ng koronang diyamante. Magliliwanang ng husto ang paligid


sa tuwing isusuot mo ito,” ang sabi ni Haring Bathala kay Araw.

“Maraming salamat po, ama. Sana po ay mabigyan ninyo rin ng ganito si


Buwan,” ang malambing na hiling ni Araw.

“Bibigyan ko rin siya sa tamang panahon,” ang sagot ni Haring Bathala.


Narinig ni Buwan ang pag-uusap ng kaniyang ama at kapatid. Hindi na niya
mahihintay ang panahong sinasabi nga kaniyang ama.

“Hahanapin ko ang isa pang korona,” ang bulong ni Buwan.

Nakita ni Buwan ang korona. Kaagad niya itong isinuot. Subalit hindi ito
kasingkislap ng korona ni Araw. Lalo siyang naiingit kay Araw.
Nalaman ni Haring Bathala ang ginawa ni Buwan.

“Hindi ko babawiin ang iyong korona. Malalaman tuloy ng lahat kung sino
sa inyong dalawa ang may higit na mabuting ugali sa pamamagitan ng
inyong mga korona. Si Araw ay higit na magiging maliwanag kaysa sa iyo,”
ang sabi ni Haring Bathala.
Ito ang dahilan kung bakit mas maliwanag ang araw kaysa sa buwan.

You might also like