You are on page 1of 1

Rejoicing in Time of Trouble and Testing

Manatili Ang Kagalakan Kahit May Pagsubok


Mirriam P. Fronda
Ang Diyos lamang ang ating tagapagligtas. Kung tayo ba ay makaranas ng pagsubok
o problema ay mananatili ba ang ating kagalakan o pananampalataya sa ating mahal na
Panginoon.
Tulad ni Pablo siya ay dumanas ng mga pagsubok habang siya ay nangangaral
ngunit kahit nakulong man siya ay hindi naging balakid yun para panghinaan siya at alam
niya na may dahilan ang lahat at sa Diyos lamang tayo hihingi ng kalakasan.

Awit 23:4
Dumaan man ako sa madilim na libis ng kamatayan, Wala akong kaagapay, ang tungkod
mo at pamalo aking gabay at sanggalan.
● Tanging ang ating Panginoon lamang ang ating gabay at sanggalan kapag tayo ay
sinusubok.
Awit 61:3
Iligtas mo ako, ako ay ingatan, pagkat ikaw O Diyos, ang aking kanlungan, matibay na muog
laban sa kaaway.
● Sa tuwing tayo ay nakakaramdam ng takot tanging sa ating Panginoon lamang tayo
hihingi ng gabay para malagpasan natin ang ating mga takot na nararamdaman
natin.
Filipos 4:4
Magalak kayong lagi sa Panginoon. Inuulit ko, magalak kayo.
● Tanging sa ating Panginoon lamang tayo makakaramdam ng kagalakan na walang
makakapantay.
Filipos 4:13
Ang lahat ng ito’y magagawa ko dahil sa lakas ng kalooban sa akin ni Cristo.
● Kaya natin lagpasan ang mga pagsubok dahil kasama natin ang Diyos.

Tanging sa ating Panginoong Hesus lamang natin nararamdaman ang kalakasan at


kagalakan, tunay nga ang pagpapala ay nanggagaling sa ating Panginoong Hesus.

You might also like