You are on page 1of 5

Bago umalis sa Pilipinas

Upang hindi matuklasan ang pangingibang bans ani Rizal ay umuwi muna siya sa Calamba upang
kunwaring bisitahin ang kanyang mga magulang. Ika-1 ng Mayo ay naghanda na siyang maglakbay muli
sa Maynila. Sa sumunod na araw, sinamahan siya ng kaibigang si Donato Lecha. Binisita rin niya si padre
na nagbigay ng liham ng rekomendasyon sa kanya sa kaibigan nito sa Espanya. Sa parehong araw ay
bumisita siya sa Ateneo at muli siyang nabigyan ng liham ng rekomendasyon para sa mga heswitang par
isa Barcelona. Sa ikatlong araw ay nagsimba siya sa Santo Domingo at nasabing “marahil ay kahuli-
hulihang misa na ito na mapapakinggan ko sa aking bayan.”

Singapore

 Hinangaan ni Rizal ang pagtitiwala ng mga mamamayan sa kanilang pamahalaan sa Singapore.


Ang mga pinasyalan niya roon ay mga makasaysayang pook, hardin botaniko, templo at
tanghalan ng sining. Ang kanyang oras ay ginamit niya sa pagsusulat.
 Ika-2 ng Hunyo ng marating nila ang Kanal Suez at limang araw nila itong tinawid.
 Ika-12 ng Hunyo ng marating nila ang Marseilles, France Tatlong araw siya rito bago bumyahe
papuntang Barcelona.

Barcelona

 Hunyo 15, 1882- narrating ni Rizal ang Barcelona


 Mayo 26- nakatanngap siya ng liham mula kay Leonor Rivera
 Isinulat niya bilang si Laong Laan ang sanaysay na Pag-ibig sa Tinubuang Lupa at ipinadala ito ni
Basilio Teodoro na patnugot ng Diaryong Tagalog.
 Agosto 22- lumabas ang artikulo sa salitang Kastila at Pilipino
 Si Marcelo H. del Pilar ang nagsalin nito sa Pilipino.
 Hiniling ni Franciso Calvo na muli siyang sumulat kaya’t ipiniadala ni Rizal ang artikulong Ang
Paglalakbay at ang Ang Pagbabalik-Pananaw sa Madrid ngunit naibalik ito sa kanya dahil tumigil
sa paglathala ang Diaryong Tagalog.

Madrid

 Nobyembre 3- nagpatala si Rizal sa Pamantasang Sentral ng Madrid sa kursong Medisina at


Pilosopiya at Panitikan.
 Nag-aral siya ng sining sa Academia de San Fernando.
 Nagpatala din siya sa sa Bulwagan ng Sandata ni Sanz Y Carbonell.
 Nagpadala si Leonor Rivera ng liham at larawan kay Rizal.
 Naitatag ang samahang CIRCULO–HISPANO-FILIPINO
 Si Don Pablo Ortega Y Rey ay naging Alkalde ng Maynila
 Si Rizal ay umibig si Consuelo at noong Agosto 22, 1883 ay sumulat siya ng tulang A LA SENORITA
C.O. y. R.
 Naglakbay siya sa Paris upang malimutan ang dalaga dahil alam niyang may pagtingin ang
kaibigang si Eduardo de Lete kay Consuelo.
 Napabayaan ang Samahan dahil na rin sa pagkabigo ni Rizal at namatay si Circulo
 Sinulat niya ang tulang ME PIDEN VERSOS dahil sa hiling ng ina at naging emosyunal siya ng
isinusulat ito.
 Si Rizal ay mahilig sa mga aklat. Ang aklat na UNCLE TOM‟S CABIN ni Harriet Beecher Stowe at
ang THE WANDERING JEW ni Eugene Sue ay nagtanim sa kanyang damdamin ng pagkaawa sa
mga tauhan at naging basehan niya sa mga ibang tauhan niya sa kanyang nobela.
 Sumapi si Rizal sa Mason bilang si Dimasalang.
 Hunyo 21, 1884- Natapos ni Rizal ang kursong Medisina
 Hunyo 25, 1884- nagwagi si Rizal sa isang paligsahan at nagtamo ng pinakamataas na gantimpala
sa wikang Griyego ngunit wala na siyang makain sa panahong iyon.
 Nakakain si Rizal nang maging panauhing pandagal siya sa piging para kina Juan Luna at Felix
Resurreccion Hidalgo.
 Sinimulang ihanda ni Rizal ang unang kabanata ng NOLI ME TANGERE.
 Hunyo 19, 1885-Natapos ni Rizal ang pag-aaral sa Medisina at Pilosopiya at Panitikan sa Madrid.
 Bago pumunta sa Paris ay nakitira siya kay Maximo Viola ng higit isang lingo sa Barcelona. Sa
mga panahong iyon ay iba’t ibang lugar ang dinalaw niya maging mga pook na pangkasiyahan
dahil nais niyang malaman lahat ng ito bilang manunulat. Nagkaroon din ng pagsasalo para sa
kanya bago bumyahe sa Paris.

PARIS

 Oktubre, 1885- si Rizal ay nanirahan halos apat na buwan sa Paris at naging katulong at mag-
aaral sa klinika ni Dr. Louis De Wicker
 Siya ay naging modelo nina Luna at Hidalgo sa mga piyesang Kamatayan ni Cleopatra na kung
saan gumanap siya bilang paring taga- Ehipto at Sanduguan na kung saan gumanap siya bilang
Sikatuna at si Dr. Trinidad Pardo de Tavera si Legaspi.
 Iginuhit ni Rizal ang “Ang Matsing at ang Pagong” sa album ng asawa ni Luna na si Paz Pedro de
Tavera.

Heidelberg

 Pebrero 3, 1886- Dumating si Rizal alas tres ng Hapon.


 Si Rizal ay dumalo sa panayam sa pamantasang Heidelberg at nadagdagan ang kaalaman at
sumapi sa samahan ng mga manlalaro ng Ahedres.
 Si Rizal ay nagtrabaho sa klinika ni Dr. Javier Galezonsky, at nag-aral kay Dr. Otto Becker.
 Marso 11, 1886- sinulatan ang kanyang kapatid na si Trinidad.
 Abril 22, 1886- Sinulat ni Rizal ang tulang Sa mga Bulaklak ng Heidelberg.
 Nabalitaan ni Rizal ang tungkol kay Propesor Ferdinand Blumentritt ng Prague, Czechcslovakia na
isang dalubwika na nag-aaral ng wikang Pilipino. Noong Hulyo 31, 1886, agpadala si Rizal ng
isang liham kasama ang aklat na Aritmetica.
 Agosto 8, 1886- nilisan niya ang Heidelberg matapos na dumalo sa limang-daang taong
anibersaryo ng Pamantasan ng Heidelberg.

LEIPZIG
 Siya ay dumalo sa panayam ukol sa kasaysayan at sikolohiya sa Pamantasan ng Leipzig at naging
kaibigan niya si Propesor Friedrich Ratzel at sa kanya niya natutunan ang pananaliksik sa
kasaysayan.
 Isinalin ni Rizal sa Tagalog ang dulang WILLIAM TELL ni Fredrick Von Schiller.

Dresden

 Oktubre 29, 1886- pumunta si Rizal sa Dresden at nakatagpo si Adolph B. Meyer. Naging kasapi
si Rizal sa lipunan ng antropolohiya at etnolohiya sa Berlin dahil kay Meyer. Nakilala niya rito
sina Dr. Teodor Jagor na may akda ng TRAVELS IN THE PHILIPPINES, Dr. Rudolf Virchow, Dr. Hans
Virchose at Dr. Joest.
 Siya ay naging katulong sa klinika ni Dr. R. Schulzer.

Berlin

 Abril 1887- panayam kay Rizal ni Dr. Virchow sa Lipunan ng mga Dalubwika.
 Pumunta si Rizal sa Berlin upang paunlarin ang kanyang kaalaman sa panggamot sa mga
karamdaman sa mata, palawakin ang kaalaman sa agham at wika sa pakikisalamuha sa mga
Alemang siyentipiko at iskolar at upang tapusin ang nobelang Noli Me Tangere.
 Mayo 11, 1887- Namasyal siya kasama si Viola sa Alemanya. Sa Dresden ay nakatagpo nila si Dr.
Jagor.

Leitmeritz

 Mayo 13, 1887- Sinalubong sina Rizal ni Dr. Blumentritt at dinala ito sa kanilang tahanan ng
kanyang maybahay na si Rosa.
 Mayo 16, 1887- Dinalaw ang libingan ni Copernicus – kilalang astronomo, museo ng likas na
kasaysayan, laboratoryong bakteriolohikal, bantog na kuwebang pinagkulungan kay San Juan
Nepomuceno.
 Mayo 17, 1887- Bago umalis sina Rizal ay iginuhit niya muna si Blumentritt.

Sienna

 Mayo 20, 1887- Dinalaw ni Rizal ang Vienna at nakilala si Norfenfals. Nakilala rin niya sina
Masner at Nordmann, mga Austriyanong iskolar.
 Mayo 24, 1887- Umalis sila sa Vienna
 Hunyo 18, 1887- Dumating sina Rizal at Viola sa Geneva. Dito naghiwalay ang dalawa dahil
bumalik si Viola sa Barcelona at ipinagpatuloy naman ni Rizal ang paglalakbay sa Italya.
 Hunyo 28, 1887- Binisita ni Rizal ang Vatican
 Hulyo 3, 1887- Sumakay si Rizal sa bapor Djemnah sa Marseilles, France patungong Saigon
Vietnam upang bumalik sa Pilipinas.
 Agosto 5, 1887-Dumating siya sa Pilipinas
 Agosto 8, 1887- Dumating siya sa Calamba.
Pagbabalik sa Pilipinas

 Layunin ng pagbabalik sa Pilipinas:

1. Alamin ang naging epekto ng Noli Me Tangere

2. Mabatid kung bakit nanlamig si Leonor

3. Operahan ang katarata sa mata ng ina

4. Matulungan ang kanyang kababayan sa suliraning pambukid.

 Naging matagumpay ang kanyang operasyon sa mga mata ng kanyang ina.


 Nagtatag siya ng klinika na libre para sa mahihirap at ang mga mayayaman ay nagbabayad.
 Sinulat ang Awit sa Paggawa.
 Pinigilan siyang dalawin si Leonor Rivera dahil tutol ang ina ng dalaga sa kanila.
 Sinuri ng Malacañang ang Noli Me Tangere at ang resulta ay ipinagbawal ang lahat na basahin,
ipalimbag at ipalaganap ang anumang kopya nito.
 Dahil sa pagbabawal ay maraming naghanap at bumili nito.
 Ipinagtanggol nina Marcelo H. del Pilar at Vicente Garcia ang nobela.
 Disyembre 30, 1887- Nag-utos ang Gob. Hen. na suriin ang kalagayan ng mga magsasakang
Pilipino na nasa Calamba.
 Enero 8, 1888- Isinumite sa pamahalaan ang kasulatang ginawa ni Rizal na naglalaman ng mga
hinaing ng mga magsasaka upang maaksyunan.

Elementarya

 Si Donya Teodora ang naging unang guro ni Rizal at ang kanilang tahanan ang nagsilbing
paaralan niya.
 Siya ay nagkaroon ng mga pribadong guro na sina Mestro Lucas Padua, Lean Moroy at Celestino.
 Nag-aral siya sa Binan at bilang isang normal na bata, may mga panahon na hinahamon siya ng
iba niyang mga kamag-aral. Dahil nga iba si Rizal sa kapwa niya mga bata at dahil sa angking
katalinuhan ay madalas siyang tinutukso at pinagtatawanan.
 Nag-aral din si Rizal sa Maynila ng ilang taon at muling bumalik sa Binan.
 Nahasa ang kanyang karunungan sa Espanyol dahil naging guro niya si Justiniano Aquino Cruz.
 Nag-aral siya ng libre sa pagpipinta sa ilalim ni Juancho.
 Taong 1871 nang siya’y nag-aral sa ilalim ni Lucas Padua.

Sekundarya

 Taong 1872 nang matanggap siya sa Ateneo Municipal dahil sa tulong ng isang paring Jesuit. Dito
nya natamo ang maraming medalya at ang pagiging sobrasaliente sa lahat ng mga aklat. Natapos
niya ang mga kursong Philosphy, Physics, Natural History, Chemistry at Agham sa Pagsasaka.
 Ginamit ng bayani ang apilyedong Rizal dahil sa pag-uudyok ni Don Francisco upang hindi siya
pagsuspetsiyahan ng mga Espanyol na may kaugnayan sila kay Padre Burgos.
 Upang mas paunlarin ang kanyang kasanayan sa wikang Kastila ay nag-aral siya sa Kolehiyo ng
Sta. Isabel.
 Siya ay nagong lider ng paaralan, kasapi ng Spanish Literature and the Academy of Natural
Sciences at naging miyembro ng gymnastics, fencing at pag-eensayo sa pisikal na kagalingan.

Tersarya

 Taong 1887 nang kumuha siya ng kursong pilosopiya at panitikan sa Unibersidad ng Sto. Tomas.
 Hindi niya tinapos ang kanyang kurso dahil naging mainit ang mga mata ng mga Espanyol sa
kanya dahil sa kanyang mga akda at pakikipagtalo sa isang gwardya-sibil.
 Nag-aral sa Unibersidad Central de Madrid na naging unang paaralan niya sa ibayong dagat. Dito
nya natapos ang Medisina at ang Pilosopiya at Letra. Noong Hunyo 21, 1884, ipinagkaloob sa
kanya ang antas ng Licentiate sa Medicine. Noong Hunyo 19, 1885 ay ginawaran siya ng Degree
ng Licentiate sa Pilosopiya at Sulat ng Universidad Central de Madrid.
 Nagpunta si Rizal sa Paris at Alemanya upang maging eksperto sa ophthalmology
 Noong Agosto 14, 1886, dumating si Rizal sa Leipzig, Alemanya. Doon, nag-aral siya ng ilang mga
lektura sa Unibersidad ng Leipzig sa kasaysayan at sikolohiya.

You might also like