You are on page 1of 5

Asinagtura ARALING PANLIPUNAN 6

KAGAMITAN SA
Module No. 2-3
PAGKATUTO
Taong Panuruan at Kwarter 2020 – 2021 / 4
Guro JOROSE EVANGELISTA

i. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto (MELC)


*Natatalakay ang mga pagkilos at pagtugon ng mga Pilipino nagbigay-daan sa
pagwawakas ng Batas Militar

• People Power 1

Nilalaman
Alamin Natin
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Balik-tanaw sa mga Makasaysayang Ugat ng Rebolusyong EDSA

Maraming dahilan kung bakit kailangan mong ipagmalaki ang pagiging isang Filipino. Isa sa mga dahilang ito
ng pagiging sagana ang ating kasaysayan sa mga gawaing kabayanihan. At kabilang sa maraming mga
pangyayari na nagpapatibay ng kabayanihan, ideyalismo at kagitingan ng mga Filipino ang Rebolusyong
EDSA 1986.

Magpapaliwanag ang araling ito kung bakit naganap ang Rebolusyong EDSA 1986. Tatalakayin din nito ang
mga makasaysayang dahilan na nagtulak sa mga tao na mag-alsa laban sa napatalsik na pangulong si
Ferdinand Edralin Marcos. Kabilang sa mga makasaysayang mga pangyayari na tatalakayin sa araling ito ang:
Batas Militar, ang asasinasyon sa dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino, Jr., at ang Mabilisang Eleksiyon
noong 1986.

Nagdeklara ng batas militar si Pangulong Marcos upang panatilihin ang batas at kaayusan sa buong bansa.
Idineklara niya ito bilang isang paraan upang iwasan at lupigin ang anumang uri ng karahasan at rebelyon.
Ang batas militar ay kadalasang idinideklara ng mga pinuno ng iba’t ibang bansa sa panahon ng pambansang
kagipitan o ng digmaan. Kapag ito ay naideklara, ang mga militar, sa ilalim ng atas ng pangulo, ang umaako sa
kabuuang kontrol sa bansa. Sinasabi na bago ideklara ni Marcos ang batas militar, ang Pilipinas ay nasa
panahon ng kaguluhan at kawalan ng kaayusan. Maraming pambobomba ang naganap sa buong Metro
Manila at sa iba pang bahagi ng bansa. Subalit, natuklasan pagkalipas ng ilang taon, matapos mawala sa
kapangyarihan si Marcos, na ang mga pambobomba na iyon ay pakana ng pamahalaan upang bigyang
katwiran ang pagdedeklara ng batas militar.

 Noong panahon ng Batas Militar, ang mga sundalo, sa ilalim ng pangangasiwa ng Pangulo, ang
nagkaroon ng kontrol sa tatlong mga sangay ng pamahalaan – ang ehekutibo, lehislatibo at hudisyal na
mga sangay.
 Nasuspinde din ang Writ of Habeas Corpus, o ang karapatan ng isang indibidwal na naaresto na dalhin
sa isang korte upang malaman kung ayon sa batas o hindi ang pang-aaresto. Inaresto at pinatawan ng
mga sundalo ang mga inosenteng sibilyan ng sedisyon (na nangangahulugan na rebelyon o
rebolusyon).
 Nasa kontrol ng pamahalaan ang media. Ang mga kompanya ng pahayagan. Ang radyo at telebisyon
ay nasa pag-aari ng mga kaibigan ni Marcos. Maraming establisimyento ang nagsara dahil sa banta o
pananakot ng pamahalaan at ng militar.
 Ipinagbawal ang karapatan na magpulong-pulong. Ipinatupad ang curfew, kung kaya’t maraming tao
ang napiit sa kanilang mga pinagtatrabahuhan.
 Nagsagawa ang Pangulong Marcos ng iba’t ibang referendum(na tumutukoy sa direktang pagboto ng
mga tao sa isang isyu ng pambansang kahalagahan, tulad ng pagpapahaba sa panunungkulan ng mga
politiko) upang malaman kung nais pa ng mga tao na magpatuloy siya sa kanyang pagsisilbi matapos
ang kanyang termino. Ayon sa mga opisyal na pagbibilang, bumoto ang mga tao na pahabain ang
termino ni Marcos. Noong Hulyo 1973, 97.7% sa loob ng 18 milyon na mga botante (tinatayang na 17
milyong mga Pilipino) ang nagnanais na manatili si Marcos sa kanyang kapangyarihan at pahabain ang
kanyang termino.
 Misteryosong nangawala ang maraming Filipino na lumaban sa mga kapritso ni Pangulong Marcos at
natagpuan na lamang na mga patay. Masahol pa dito, marami sa kanila ang hindi na natagpuan.
 Ang mga nasa oposisyon na maimpluwensiya at kilala tulad sa kaso ni Ninoy, ay pinaalis, ipinatapon sa
ibang bansa at hindi binigyan ng karapatan sa kanilang sariling bansa.

Ang pakikipaglaban ng mga Filipino noong panahon ng batas militar ay hindi nagtapos nang alisin ito
noong 1983. Nang mga panahong iyon, ang pakikipaglaban ng mga Filipino ay isinagawa nang patago.
Nangangahulugang maraming magigiting na Filipino na itinuring bilang mga rebelde ang kumilos ng
tahimik. Ganito ang nangyari dahil ang mga militar at puwersa ng pulisya ay naghahanap sa mga
“rebeldeng” ito. Kabilang sa mga Filipino na nanguna sa oposisyon ay sina Ninoy Aquino, Lorenzo Tanada,
Francisco Rodrigo, Aquilino Pimentel at Teofisto Guingona. Lahat sila ay kabilang sa Partido ng Lakas ng
Bayan LABAN—Kapangyarihan ng mga Tao, na katunggali ng partido ni Marcos na Kilusang Bagong
Lipunan (KBL). Ipinakulong silang lahat. Ang mga hayagang protesta ng masa ay hindi gaanong nangyari
pagtapos niyon dahil sa takot.

Kilala si Ninoy Aquino bilang pangunahing bumabatikos kay Marcos at karibal sa kapangyarihan. Siya ang
pinakamalakas na impluwensiya at pinuno ng partidong oposisyon (LABAN) laban sa administrasyong Marcos.
Walang takot at walang lubay niyang ibinunyag ang katiwalian sa pamahalaan. Dahil sa kanyang katapangan,
nagalit sa kanya si Pangulong Marcos.

Ang Mabilisang Eleksiyon Noong 1986 Naramdaman ng lahat na ang asasinasyon kay Ninoy ay nagsindi ng
apoy ng protesta sa mga Filipino. Ang lahat ng sektor ng lipunan, ang mayayaman at panggitnang uri ay
nagmartsa kasama ang mahihirap, ang mga propesyunal kasama ang mga manggagawa at walang trabaho.
Ang mga protesta na isinagawa ng mga tao ay nagresulta sa isang lumalaking kaguluhan sa bansa. Ito ang
nag-udyok kay Pangulong Marcos upang magpahayag ng isang mabilisang eleksiyon noong Nobyembre 3,
1985.

Naramdaman ng lahat na ang asasinasyon kay Ninoy ay nagsindi ng apoy ng protesta sa mga Filipino. Ang
lahat ng sektor ng lipunan, ang mayayaman at panggitnang uri ay nagmartsa kasama ang mahihirap, ang mga
propesyunal kasama ang mga manggagawa at walang trabaho. Ang mga protesta na isinagawa ng mga tao ay
nagresulta sa isang lumalaking kaguluhan sa bansa. Ito ang nag-udyok kay Pangulong Marcos upang
magpahayag ng isang mabilisang eleksiyon noong Nobyembre 3, 1985.

Isang buwan bago ipahayag ni Marcos ang mabilisang eleksiyon, pinag-iisipan na ng oposisyon na
kumbinsihin si Cory upang tumakbo bilang pangulo. Inilunsad ni Joaquin “Chino” Roces ang (CAPM) o ang
“Cory Aquino for President Movement”. Si Cory, sa kabilang dako, ay pumayag lamang na tumakbo kung
magpapatawag si Marcos ng mabilisang eleksiyon at ang CAPM na kumalap ng isang milyong pirma na pabor
sa kanyang pagkakandidatura.

Nagpapakita ang linya ng panahon na may tatlong pangunahing pangyayari sa ating kasaysayan na naging
ugat ng Rebolusyong EDSA 1986—ang panahon ng batas militar, ang asasinasyon ni Ninoy Aquino, at ang
Mabilisang Eleksiyon.

Nagsimula ang pakikipaglaban ng mga Filipino para sa kalayaan nang maideklara ang batas militar noong
Setyembre 21, 1972. Ngunit, kaunting Filipino lamang ang nagsimulang lumaban sa pang-aabuso ng
pamahalaan at ng militar dahil marami sa kanila ang natatakot. Sa loob ng halos sampung taon, maraming
Filipino ang nanatiling tahimik tungkol sa katiwalian sa pamahalaan, at mga pang-aabuso ng militar.

Natapos ang kanilang pananahimik noong Agosto 21, 1983 nang biglang patayin si Ninoy Aquino. Ang
hayagang demonstrasyon ng masa laban sa pamahalaan ay nangyari matapos ang kanyang pagkamatay.
Hindi na nais ng mga tao na manatiling tahimik. Nang lumaki ang mga demonstrasyon ng masa, ang
pamahalaan sa ilalim ni Marcos ay nagsimulang mayanig. Nagsimula nang mawala ang pagtitiwala ng
taumbayan kay Marcos, maging ng internasyonal na komunidad. Ito ang nagtulak sa kanya na magpahayag
ng biglaang eleksiyon noong 1986. Dahil sa malawakang pandaraya at iregularidad noong eleksyon, na
kagagawan ng namumunong partido—KBL, natalo si Cory Aquino laban kay Pangulong Marcos. Subalit tanda
din ng kanyang pagkatao ang pagkapanalo ni Marcos. Nawala sa kanya ang tiwala ng mga tao.
Rebolusyong EDSA ng 1986/ PEOPLE POWER 1

Ang Himagsikan ng Lakas ng Bayan (ay isang mapayapang demonstrasyon na nagtagal ng apat na araw


sa Pilipinas, mula Pebrero 22 hanggang Pebrero 25 ng taong iyon. Nag-ugat ang nasabing rebolusyon sa
serye ng mga kilos protesta ng mga tao laban sa diktaturyang pamumuno ni Ferdinand Marcos, lalo na noong
napaslang si Ninoy Aquino noong 1983. Maraming mga tao ang nakilahok dito-mga sibilyan, militar at mga
alagad ng simbahan tulad ni Jaime Cardinal Sin. Nagdulot ito ng pagbagsak na pamahalaang diktatoryal
ni Pangulong Ferdinand Marcos at ang paghalili ni Corazon Aquino sa posisyong nilisan ni Marcos. Naganap
ang mga demonstrasyon sa EDSA (Abenida Epifanio de los Santos), isang mahalagang daan sa Kalakhang
Maynila.

Dahil na rin sa mga balita ng malawakang pandaraya sa eleksiyon, nagbalak ang ilang mga sundalo sa
pamumuno ng noon ay Kalihim ng Pambansang Depensa, si Juan Ponce Enrile, na pabagsakin ang
pamahalaang Marcos. Sa kasamaang palad, nalaman ni Marcos ang balak na ito, at agad na pinag-utos niya
ang pagdakip sa mga pinuno nito. Dahil nahaharap siya sa napipintong pagdakip sa kaniya, humingi ng tulong
si Enrile sa AFP Vice- Chief of Staff na si Lt Gen Fidel Ramos. Pumayag si Ramos na magbitiw sa kaniyang
puwesto at sinuportahan ang mga rebeldeng sundalo. Kinausap din ni Enrile ang Arsobispo Katoliko ng
Maynila na si Jaime Cardinal Sin para sa suporta.
Noong 6:30 ng gabi nagkaroon ng press conference si Enrile at Ramos sa Kampo Aguinaldo. Ipinahayag nila
ang kanilang pagbibitiw sa puwesto sa gabinete ni Marcos at ang kanilang pagtiwalag sa suporta ng gobyerno.
Nagpatawag din ng sariling press conference si Marcos at sinabi niya kay Ramos at Enrile na sumuko na lang,
at "tigilan ang kamangmangang ito."[7]
Bandang ika-siyam ng gabi, sa pamamagitan ng Radyo Veritas na pinapatakbo ng Romano Katoliko,
nanawagan si Cardinal Sin sa mga taong bayan na pumunta sa EDSA para suportahan ang mga rebeldeng
sundalo sa Kampo Crame at Kampo Aguinaldo sa pamamagitan ng iba't ibang bagay na makakatulong sa
kanila, tulad ng pagbibigay ng pagkain at ng iba pa nilang pangangailangan. Sa kabila ng kapahamakan na
maaaring dumating sa kanila laban sa puwersa ng gobyerno, nagpunta ang mga sibilyan, maging ang mga
madre at pari, sa EDSA.
Malaki ang bahagi ng Radyo Veritas sa rebolusyong ito. Ayon sa dating pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas
na si Francisco Nemenzo, magiging imposible na hikayatin ang mga tao na makilahok sa rebolusyong ito sa
ilang oras lamang kung wala ang Radyo Veritas.
Noong kasagsagan ng rebolusyon, tinatayang nasa isa hanggang tatlong milyong katao ang pumuno sa EDSA
mula sa Abenida Ortigas hanggang Cubao.
Noong madaling araw ng Linggo, 23 Pebrero 1986 pumunta ang mga sundalo ng gobyerno para wasakin ang
transmisor ng Radyo Veritas, at dahil doon marami ang mga tao sa probinsiya ang hindi makasagap ng
impormasyon. Dahil dito napilitan ang estasyon na gamitin ang pangalawa (backup) nitong transmisor na
mayroong mas maliit na sakop ng brodkast. Naisipan ng gobyerno na gawin ang aksiyong ito dahil mahalaga
ang Radyo Veritas sa pakikipagtalastasan sa mga tao na sumusuporta sa mga rebeldeng sundalo. Nagbibigay
ng impormasyon ang himpilang ito tungkol sa mga pinakahuling galaw ng sundalo ng pamahalaan at ito din
ang nagsisilbing daan upang manawagan sa pangangailangan ng pagkain, gamot at mga suplay.
Sa kabila nito, marami pa rin ang mga tao na dumagsa sa EDSA. Umabot sa daang libo ang mga tao na
walang dalang ibang sandata. Ang ilan sa kanila ay may dala ng rosaryo at imahe ng Birheng Maria. Marami
ang nakilahok sa malawakang pagdarasal (prayer vigil) sa pamumuno ng mga pari at madre. Marami naman
ang gumawa ng mga harang o barikada gamit ang mga sako ng buhangin at mga sasakyan sa mga kanto sa
kahabaan ng EDSA katulad ng Santolan at Abenida Ortigas. Marami ding grupo ang kumanta ng "Bayan Ko"[8],
na, simula pa noong 1980 ito ang naging makabayang awit ng oposisyon. Marami ding tao ang gumamit ng
sagisag pang-kamay (hand sign) ng LABAN[9] ; na ang hinlalaki at hintuturo ay bubuo ng letrang "L".
Noong araw ding iyon bumisita ang dalawang rebeldeng pinuno sa kabilang kampo. Tumawid si Enrile sa
EDSA mula Kampo Aguinaldo hanggang Kampo Crame sa pagitan ng mga maraming tao na nagsusuporta sa
kanila.
Binalita ng Radyo Veritas noong hapon na iyon na may mga batalyon ng Marines na papunta sa dalawang
mga kampo sa silangan, at mga tangke na papunta mula sa hilaga at timog. Dalawang kilometro mula sa mga
kampo, hinarang ng libo-libong mga tao ang isang batalyon ng tangke na nasa pamumuno ni Brigadier
General Artemio Tadar sa Ortigas Ave.[10] Nagsiluhuran ang mga madre at nagdasal ng rosaryo, at nagkapit-
bisig ang mga tao para harangin ang mga sundalo.[11] Sa kabila ng banta ni Tadar sa mga tao ay hindi sila
umalis. Walang nagawa ang mga sundalo sa situwasyon, at di nagtagal umurong na lang sila ng hindi man
lang nagpapaputok.
Noong gabing iyon ay bumigay na rin ang transmitter ng Radyo Veritas. Bandang hatinggabi ay lumipat ang
mga tripulante sa isang lihim na lugar para magpatuloy sa pagbo-broadkast, sa ilalim ng pangalang Radyo
Bandido. Si June Keithley ang brodkaster na nagpatuloy sa programa ng Radyo Veritas sa bagong estasyon
sa nalalabing mga araw ng rebolusyon.
Noong umaga ng Martes, Pebrero 25, bandang ikapito ng umaga, nagkaroon ng saguypaan sa pagitan ng
mga loyalista at mga rebeldeng sundalo. May mga sniper na bumabaril sa mga rebeldeng sundalo. Subalit
patuloy na sinugod ng mga rebeldeng sundalo ang estasyon ng Channel 9, na nasa hindi kalayuan ng
Channel 4.
Maya-maya lamang ay nanumpa si Corazon Aquino bilang bagong pangulo ng Pilipinas sa isang seremonya
sa Club Filipino sa Greenhills, isang kilometro mula sa Kampo Crame.[13] Pinasumpa si Aquino ni Senior
Associate Justice Claudio Teehankee, at pinasumpa naman si Laurel bilang Pangalawang Pangulo ni Justice
Abad Santos. Hawak ni Aurora Aquino, nanay ni Ninoy Aquino, ang bibliang ginamit sa panunumpa ni Aquino.
Kasama sa seremonya si Ramos, na na-promote bilang Heneral, si Enrile at ang iba pang mga politiko. Nasa
labas ang maraming mga taga-suporta ni Aquino, na karamihan ay naka-dilaw bilang pagpapakita ng kanilang
suporta. Matapos ang panunumpa ni Aquino ay kumanta sila ng Bayan Ko.
Samantala, nanumpa naman si Marcos sa Malakanyang. Nandoon ang ilan sa kanyang mga taga-suporta na
sumisigaw ng "Marcos! Marcos! Marcos pa rin!" Ang panunumpa ay ginawa ni Marcos sa balkonahe ng
palasyo ng Malakanyang, at binrodkast ito sa nalalabing mga estasyon ng gobyerno at ng Channel 7.
Pagkatapos ng panunumpa ay umalis ang mag-asawa sa labas ng Palasyo. Naputol ang pagbrodkast nito
noong kubkubin ng mga rebeldeng sundalo ang mga nalalabing mga estasyon.
Marami ding mga demonstrador ang pumunta sa Mendiola, hindi kalayuan mula sa Malakanyang, ngunit
hinarang sila doon ng mga loyalistang mga sundalo. Maraming mga demonstrador ang nagalit, ngunit inawat
sila ng mga pari na nakiusap na huwag maging marahas.

Subukan Natin
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

1. Ano ang maaaring mangyari kung sinubukan ng pamahalaan na pigilin ang mga karapatan ng tao sa
pampublikong impormasyon, pagpupulong at kalayaan sa pamamahayag?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________

2. Ano ang maaari mong naramdaman kung nabuhay ka noong panahon ng batas militar?
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________

Ano sa iyong palagay ang dahilan o mga dahilan kung bakit idineklara ni Pangulong Marcos ang batas militar?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
_____________________________________________________________
Pagsusulit ng Natutunan
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

SUMULAT NG MAIKLING SANAYSAY base sa katanungan sa ibaba.

Bakit mahalaga sa kasaysayan ng PILIPINAS ang EDSA Revolution? Ano ang aral sa kaganapang ito?

Additional Source https://eskwelanaga.files.wordpress.com/2011/02/ang-


COPYRIGHT Citation rebolusyon-sa-edsa-1986.pdf
INFRINGEMENT

© Copyright 2020 Brimestone Academy Inc. - All Rights Reserved

You might also like