You are on page 1of 3

Asinagtura Araling Panlipunan 6

KAGAMITAN SA
Module No. 1
PAGKATUTO
Taong Panuruan at Kwarter 2020 -2021 / 4
Guro Jorose Evangelista

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto (MELC)


Nasusuri ang mga suliranin at hamon sa ilalim ng Batas Militar

Nilalaman
Alamin Natin
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Idineklara ni Ferdinand Marcos ang batas militar sa Pilipinas noong 1972. Maraming hindi
magandang epekto ang batas militar. Ang mga epekto ng batas militar sa kasarinlan ng bansa ay
malubha. Kinailangan rin ng mga Pilipino ang pagtugon sa hamon at suliraning pangkabuhayan.
Maraming mga banyaga ang sumuporta kay Marcos noong panahon ng  batas militar. Isa na rito ay si
Presidente Nixon ng Amerika. Kilala pa namang demokratikong bansa ang Amerika kaya ito ay tinaasan ng
kilay.
May iba ring mga lider ng mga bansa ang sumuporta kay Marcos, katulad ng Chile. Hindi nakapagtataka kasi
ang mga ito ay may autokratikong pamahalaan.

.
Ito ang mga hamon at suliranin sa kasarinlan at pagka bansa ng mga Pilipino sa ilalim ng batas militar:
 Kontrol ng mga banyaga sa ekonomiya ng Pilipinas –
 Pananatili ng mga base militar ng mga Amerikano sa Clark Air Base sa Pampanga - Ang
kasunduang base militar ng Amerika sa Pilipinas ay ang pagbibigay ng kapangyarihan sa Amerika na
humawak ng mga lupain sa Pilipinas upang kanilang maging base militar. Ang kasunduang ito ay may
bisa sa loob ng 99 taon at maaaring dugtungan batay sa mapag-kakasunduan ng Pilipinas at Amerika.
 Pagkakaroon ng Garrison State – ( Garrison - Mga kawal na náhihimpil sa isang pook )
 Pagtaas ng gasolina at mga bilihin
 Karahasan
 Kurapsyon
 Monopolyo at cronyism –

Ang monopolyo ay isang klase ng sistemang pangangalakal kung saan tanging nag-iisang


korporasyon ang nagtitinda ng isang produkto. Sa kabilang banda, marami namang mga mamimili ang
nagnanais sa produktong iyon. Ang produktong tinutukoy ay may kakaibang katangian: (1) walang
kagaya sa merkado, (2) isang pangangailangan, (3) at walang diretsong kapalit. Sa makatuwid, may
kontrol ang mga monopolista, negosyante na nagmamay-ari ng isang monopolyo, sa malaking
porsyento ng kalakalan, at maaari nilang taasan ang presyo ng kanilang binibenta upang makakuha ng
mas mataas na kita. Kadalasan, may patent o copyright ang isang monopolyo upang maprotektahan
sila at hindi magaya ng iba ang kanilang produkto. Ang kronismo naman ay ang pamamayagpag ng
mga kaibigan at kamag-anak ng mga kabilang sa Administrasyong Marcos.

 Pananatili sa kapangyarihan ng mga tiwaling politko  

Batas militar
Ang batas militar ay kakaibang kapangyarihan ng estado na karaniwang ipinatutupad nang panandalian ng
isang pamahalaan kapag hindi na nito maayos magampananan ang pamamahala gamit ang sibilyan nitong
kapangyarihan (e.g. pagpapanatili ng kaayusan at katiwasayan, o magbigay ng mga unang serbisyo). Sa isang
ganap na batas militar, ang pinakamataas na opisyal ng militar ang namumuno, o naitatalaga bilang
tagapamahala o puno ng pamahalaan, kasabay ng pagbuwag o pagtanggal ng lahat ng kapangyarihan ng
mga sangay ng pamahalaan mula tagapagpaganap, tagapagbatas, hanggang panghukuman. Maaaring
ipatupad ng pamahalaan ang batas militar upang manaig ang kanilang kapangyarihan sa sambayanan.
Nagpapatupad din ng batas militar tuwing may mga hidwaan gaya ng pananakop, kung saan ang kawalan ng
pamahalaang sibilyan ay nagdudulot ng pagkabalisa ng populasyon. Malimit na may kaakibat na
pagpapatupad ng curfew, pagsuspindi ng batas sibil, karapatang sibil, habeas corpus, at pagsasailalim o
pagpapalawig ng hukumang militar o katarungang militar sa mga sibilyan. Ang mga sibilyang hindi tatalima sa
batas militar ay maaaring litisin sa isang hukumang military.

Pagsusulit ng Natutunan
Pagpapaliwanag :
Suriin ng maayos ang mga ipinakitang poster at ipahayag ang iyong saloobin o pagkaintindi.

Ipagpalagay mong lagi na ikaw ay naroon sa mga sitwasyon ng Martial Law o Batas Militar na ipinapakita sa
bawat larawan.

PALIWANAG :

-----

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Additional Source https://brainly.ph/
COPYRIGHT Citation tl.wikipedia.
INFRINGEMENT

© Copyright 2020 Brimestone Academy Inc. - All Rights Reserved

You might also like