You are on page 1of 3

Gawain 4: Teorya ng Pangangailangan

Panuto: suriin ang iyong mga personal na pangangailangan ayon sa


teorya ng hirarkiya ng pangangailangan ni Maslow. Sa isang tatsulok,
magbigay ng halimbawa ng mga bagay o sitwasyon kung saan
natutugunan o natutugunan ang iyong pangangailangan.

Physiological- Nakakakain ako nang sapat araw araw, nakakatulog ako nang maayos
Safety- May nasisilungan akong tahanan kung saan walang pwedeng bumagabag sa
akin.
Belonging- Nabibigay sa akin ng aking pamilya ang atensyon at mayroon kaming
special bond.
Esteem- Regular akong pinupuri nila ate sa mga mabubuting bagay na nagagawa ko at
nimomotivate nila ako palagi.
Self-actualization- May oras ako na pansarili upang ierflect atievaluate ang aking mga
nagawa sa araw araw upang malaman ko ang mga dapat kong baguhin at idevelop sa
mga susunod na araw.

Panuto: sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa apat hanggang sa


limang pangungusap.
1. Ano ang pagkakaiba ng pangangailangan at kagustuhan.
-Ang pangangailangan ay ang mga bagay na kailangan natin
upang mabuhay at umunlad, habang ang kagustuhan naman ay
ang mga bagay sa labas ng pangangailangan, may ambag pa rin
ito sa ating buhay ngunit hindi ito lubhang kailangan upang
mabuhay.
2. Maaari bang maging pangangailangan ang isang kagustuhan? Bakit
sa paanong paraan?
-Oo. Sa panahon ngayon ay marami na ang nagbabago, at
unpredictable na ang buhay hindi mo namamalayan na ang mga
gusto mo dati ay lubha na palang mahalaga ngayon at kailangan
upang mabuhay tayo. Halimbawa gusto mo ng pc set dati,
kagustuhan mo lamang ito dati ngunit ngayong may pandemya
na at lahat ay online classes na, kailangan na mayroon kang pc
upang makasabay sa pag-aaral
3. Paano naipapakita ng teorya ni Maslow ang pagtugon sa
pangangailngan at kagustuhan?
-Mas nauudyok ang mga tao na makuha ang mga
pangangailangan nila
4. Bakit kailangang matamo muna ang panganngailangan ng
pisyolohiko bago matugunan ang mga pangangailangan sa mga
susunod na antas.
-Paano mo matatamo ang seguridad kung mamamatay ka sa
gutom dahil hindi mo natamo ang pisyolohikal na
pangangailangan mo.
5. Bilang isang mag-aaral, nakamit mo na ba ang self-actualization?
Paano?
-Sa paraang naglalaan ako ng oras bago matulog upang
magreflect sa mga ginagawa ko at maevaluate ko ang aking mga
nagagawa.

You might also like