You are on page 1of 1

BARCELON, MARK SHALLI G.

| 12-HUMSS CELERIO

Kasunduan #3
Pumili ng 2 paksa o suliranin na nararanasan ng bansa na sa tingin mo bilang kabataan ay
kinakailangang pagtuunan ng pansin ng pamahalaan

PAKSA 1: PAGGAMIT NG SOCIAL MEDIA PLATFORMS TULAD NG FACEBOOK, INSTAGRAM, TWITTER,


YOUTUBE, ATB. Sa kasalukuyang sitwasyon ng ating lipunan sa gitna ng pandemya, maraming kabataan
ang natutok sa paggamit ng gadgets at isa sa gamit nito ay ang social media.

1. Ayon sa artikulo ng The Asian Parent website na pinamagatang “Sobrang paggamit ng Social
Media, nakasasama raw sa mga kabataan”ay nagdudulot ng psychological distress ang
pagkalantad sa cyberbullying o panunukso o panlalait gamit ang anomang online platforms.
Kabilang narin dito ang labis na paggamit nito. Bilang kabataan, ano ang dapat na maging
katangian ng mga kapwa mo kabataan, kapatid, kaibigan o mga kasamahan upang maiwasan na
humantong sa masamang epekto ukol sa wastong paggamit ng social media?
2. Ang social media para sa atin ay ang tulay upang magkaroon ng komunikasyon sa mas maraming
tao, ito ay nakakatulong sa pagkakaroon ng mga kaibigan kahit nasa malayo man sila. Sa
pagkakaroon ng mga kaibigan sa ibang lugar, umuunlad ang wika napapalawak natin ang ating
bokabularyo. Sa maraming kapakinabangan na idinudulot ng social media ngayon na kung saan
marami tayong access sa iba’t ibang wika, sa paanong paraan mo mapahahalagahan at
mapananatiling hindi nalilimutan ang wika ng ating mga ninuno at ang WIkang Filipino?
3. Ayon sa We Are Social's Global Digital Report 2019, mayroong 76 milyong aktibong Filipino na
gumagamit ng social media – 71 porsiyento ng buong populasyon – na gumugugol ng halos apat
na oras sa isang araw sa iba't ibang social media platforms. Sa darating na eleksyon sa taong
2022, makikiisa ka ba sa maraming Filipino na ikinakampaniya at ipinakikipaglaban ang kani-
kanilang mga kandidatong sinusuportahan? Ihayag ang iyong dahilan.

PAKSA 2: MAAGANG PAGBUBUNTIS. Ito ang isang problema ng mga kabataan ngayon lalo na sa mga
kababaihang maagang pumasok sa isang relasyon na humantongsa ganitong sitwasyon na malaki ang
magiging epekto sa kanilang kinabukasan at maaring makasama din sa kalusugan dahil sa maagang
pagbubuntis. Malinaw na paglabag ito sa Article 2. Sec. 12 ng 1987 Konstitusyon, at sa kasalukuyan,
walang katangi-tanging batas sa bansa ang maaaring gamitin kung sakaling magpapa-abort ang isang
babae dahil sa kritikal ang kundisyon niya o maaari niyang ikamatay ang pagbubuntis o panganganak.

1. Maraming kabataan ang patagong isinasagawa ang aborsyon dito sa Pilipinas dahil ito ay isang
kasalanan sa Diyos. Bilang isang kabataan, ano sa tingin mo ang kakulangan ng mga kabataan
kung bakit sila humahantong sa ganitong sitwasyon?
2. Si Jazel, edad 21, ay isa sa maraming kabataang maagang nabubuntis. Dahil sa kahirapan ng
buhay napilitan siyang gumawa ng isang mabigat na desisyon. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni
Jazel, pagsisisihan mo ba na ikaw ay magkakaroon ng anak kahit na ikaw ay menor de edad pa
lamang?
3. Kung ikaw ay isa sa mga kabataan na maagang nagbuntis at sa hindi inaasahang pagkakataon ay
mawala sa piling mo ang Ama ng inyong anak. Ipagpapatuloy mo pa ba ang iyong pag-aaral o
mas pagtutuunan mo ng pansin ang pagtatrabaho upang matustusan ang pangangailangan ng
iyong anak?

You might also like