You are on page 1of 17

Grade 


Activity Sheets 
Quarter 1 Week 5 
Pangalan:
Baitang/Pangkat:
Petsa: _______________ Total Score: 0

Pagsasalaysay Muli Gamit ang Sariling Salita


Kasanayang Pampagkatuto: Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto
gamit ang sariling salita.

Konsepto/Input:
Ang pagsasalaysay muli ng napakinggang teksto gamit ang sariling
salita ay isang basehan o batayan upang masukat kung naunawaan mo ang
napakinggang teksto. Ang una, gitna, at wakas na bahagi ng kuwento ay
importanteng malaman upang maisalaysay muli ng buo ang napakinggang
teksto. Layunin din nito na mapahayag o magkwento ng mga pangyayari at
mapagalaw ang isip sa mabisa at masining na paraan
Source: Cecille Abiera, Pagsasalaysay (slideshare.net)

Halimbawa
Basahin ang kwento at sagutin ang mga tanong. Ang mga tanong
silbing gabay upang maisasalaysay muli ang teksto.
Ang Bata at ang Aso

Si Boyet ay may alagang aso. Ang tawag niya dito ay Tagpi. Puting-puti
ang makapal na balahibo ni Tagpi. Sa bandang likod ay mayroon itong
isang malaking tagpi na kulay itim. Iyon ang dahilan kung bakit Tagpi ang
itinawag ni Boyet sa kanyang aso. Mahal na mahal niya si Tagpi. Palagi
niya itong pinaliliguan. Binibigyan niya ito ng maraming masasarap na
pagkain at tubig.

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

1
Madalas din niya itong ipinapasyal.’’ Habol, Tagpi!’’sigaw niya habang
nakikipag-unahan siya sa pagtakbo sa alaga.
Isang araw ay may naligaw na aso sa lugar nina Boyet. Kasing laki ni
Tagpi ang aso pero kulay tsokolate ito. Manipis ang balahibo ng
tsokolateng aso kaya hindi ito magandang tingnan. Marami pang putik sa
katawan kaya mukha rin itong mabaho. Hindi ito katulad ni Tagpi na
ubod ng linis dahil araw-araw niyang pinaliliguan.
Nakita ng tsokolateng aso si Tagpi. Lumapit ito sa bakod nila at tinahulan
ang kanyang alaga. Gagalaw-galaw pa ang buntot ni Tagpi na parang
tuwang-tuwa.
Hindi nagustuhan ni Boyet na makikipaglaro si Tagpi sa marungis na aso.
Binugaw niya ang aso pero ayaw nitong umalis. ”Tsuu,tsuu!, bugaw nita
rito. Ayaw umalis ng aso, panay ang tahol nito kaya Tagpi. Nainis si Boyet.
Kumuha siya ng mahabang patpat at hinampas niya ang aso. Nabuwal ito
at nag-iiyak. Hahampasin sana muli ni Boyet ang kulay tsokolateng aso
para tuluyan nang umalis pero duamting ang kanyang tatay, agad siyang
inawat nito. ‘’Huwag mong saktan ang aso, Boyet’’ sabi ng kanyang ama.
‘’Ang baho po kasi, Itay! Baka mamaya ay mahawa pa sa kanya si Tagpi’’
katwiran niya. ‘’Paano kung si tagpi ang mapunta sa ibang lugar at saktan
din siya ng mga bata doon. Magugustuhan mo ba iyon?’’ tanong ng ama.
Hindi nakasagot si Boyet. Napahiya siya. Tinulungan nilang makatayo ang
aso. Pinabayaan niya itong makipaglaro kay Tagpi.
Source: Ang Bata At Ang Aso (Maikling Kwento) | Pinoy Collection

1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?


Sagot: Ang mga tauhan sa kwento ay sina Boyet, Tatay, Tagpi at
tsokolateng aso.

2. Anong uri na amo si Boyet sa kanyang alaga?


Sagot: Si Boyet ay mapagpamahal na amo sa kanyang alaga.

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

2
3. Bakit Tagpi ang tawag ni Boyet sa kanyang aso?
Sagot: Tagpi ang tawag ni Boyet sa kanyang aso dahil sa mayroon itong
malaking tagpi na kulay itim sa bandang likod.

4. Bakit ayaw ni Boyet sa tsokolateng aso?


Sagot: Ayaw ni Boyet sa tsokolateng aso dahil baka mahawa si Tagpi rito.

5. Paano ipinaliwanag ng kanyang ama na huwag saktan ang aso?


Sagot: Ipinaliwanag ng ama ni Boyet na paano kung si Tagpi ang mapunta
sa ibang lugar at saktan din siya,magugustuhan ba ito ni Boyet.
6. Ano ang aral na makukuha sa kuwento?
Sagot: Huwag gawin sa ibang hayop ang ayaw mong gawin nila sa alaga
mo.

7. Kung ikaw ang magsasalaysay muli ng napakinggang teksto, gamit ang


sariling salita. Paano mo sasagutin ang tanong.
a. Kung pinabayaan lang ng ama ni Boyet ang paghahampas sa
tsokolateng aso.
Sagot: Kung pinabayaan lang ng ama si Boyet na paghahampasin ang aso
maaring ikamatay ng aso.
b. Kung hinayaan lang ni Boyet na makipaglaro ang asong tsokolate kay
Tagpi.
Sagot: Kung hinayaan lang ni Boyet na makipaglaro ng asong tsokolate
kay Tagpi hindi na sana umaabot pa sa paghahampas ang sinapit ng
asong tsokolate.

Sa pagsasalaysay muli ng napakinggang teksto, nalaman mo ang


maaaring impormasyon, mga kuwento at tagubilin. Upang manatili sa isipan
ang mga nakuhang kaalaman maaari mo itong ibahagi sa iyong mga kaklase
gamit ang sariling salita.

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

3
Gawain 1
Panuto: Maghanap ng kasama sa bahay, maaaring si kuya, ate, o
magulang. Pakinggan mabuti ang tekstong babasahin at Isalaysay muli
batay sa iyong pag-unawa o sariling salita. Ilagay ang sagot sa kahon.
Gawing gabay ang rubrik.
Pitong Simpleng Hakbang upang Maprotektahan ang
Sarili at ang Iba laban sa COVID-19

Ang corona virus disease (COVID-19) ay isang nakakahawang sakit


na dulot ng isang corona virus. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng
impeksyon ay makararanas ng hindi malalang sintomas at gagaling. Ngunit
ang iba ay makararanas ng malubhang sakit, lao na sa mga matatanda at
mga may dati nang karamdaman. Narito ang ilang mga simpleng hakbang na
maaari mong gawin upang
maprotektahan ang kalusugan mo at ng iba.
Ang mga payOng ito ay maaaring sundin ng lahat, ngunit
napakahalaga ng mga ito kung ikaw ay nakatira sa lugar na may COVID-19.
1.Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay.
Iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig.
Takpan ang iyong bibig kapag uubo at ilong kapag babahing.
Iwasan ang matatao na lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa taong may
lagnat at ubo.
Manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit.
Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa paghinga, magpakunsolta agad -
ngunit tawagan muna ang health facility.
kumuha ng impormasyon sa pagkakatiwalaang awtoridad.

Source: Pitong simpleng hakbang upang maprotektahan ang sarili at ang iba laban sa COVID-19
(who.int)

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

4
Rubrik ng Gawain
Pamantayan Napakahusay Mahusay Hindi
5 puntos 4-3 puntos Gaanong
Mahusay
2puntos
Maayos at malinaw ang
pagsasalita
Gumamit ng sariling salita sa
muling pagsasakaysay
Maayos at tama ang
pagkakasunod-sunod ng
pangyayari
Nabanggit nang tama at
kumpleto ang mahahalagang
impormasyon sa teksto

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

5
Gawain 2
Panuto: Ipabasa sa magulang ang teksto at isalaysay muli ang mga
pangyayari gamit ang sariling salita sa loob ng kahon.

Ang Mahiwagang Hardin ng Matandang Babae

Noong unang panahon may isang matandang babaeng may magandang


hardin ng mga bulaklak sa tabi ng lawa. Malapit ang matandang babae sa
mga mangingisdang naninirahan sa kalapit na baryo. Madalas na
bumibisita ang mga mangingisda at kani-kanilang pamilya sa matandang
babae upang magbigay ng isa kapalit ng ilang magaganda at
mababangong bulaklak mula sa hardin.
Naniniwala ang mga mangingisda na mayroong angking kapangyarihan
ang
matandang babae dahil sa nagliliwanag ang kapaligiran, may kasamang
magandang babae at duwendeng tumutulong sa pag-aalaga ng tanim.
Sinubukan nilang tanungin ang matanda ngunit sinabi ng matanda na
wala siyang kasama.
Isang araw ay may isang mag-asawa na bumisita sa baryo at nakita nila
ang
magandang hardin. Pumasok sila at pumitas ng bulaklak na walang
pahintulot.Nakita sila ng matanda at pinakiusapang umalis ngunit
pinagkatuwaan lamang dahil sa pangit nitong anyo.
Dahil sa kalapastangan ng dalawa, ginawa silang magandang kulisap.
Noon diin ay nagbago ang anyo ng dalawa naging paru-paro at nakita na
lamang ng taumbayan na may kakaibang kulisap na aalialigid sa mga
bulaklak.’’

Source: https://www.pinterest.ph/pin/560064903635113469/
http://mgahalimbawangmaiklingkwento.blogspot.com/2014/06/halimbawa-ng-maikling-kwentong-
pambata.html

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

6
Panimula

Panggitna

Pangwakas

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

7
Gawain 3
Panuto: Makinig ng kuwento mula sa iyong lolo o lola, ate/kuya o
kaya sa magulang. Isalaysay muli ito gamit ang sariling salita. Ilagay ito sa
kahon na makikita sa ibaba. Gawing gabay ang rubrik.

Pamantayan Napaka Mahus Hindi


husay ay Gaanong
5 4-3 Mahusay
puntos puntos 2puntos
Maayos at malinaw ang
pagsasalita
Gumamit ng sariling
salita sa muling
pagsasakaysay
Maayos at tama ang
pagkakasunod-sunod ng
pangyayari

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

8
Nabanggit nang tama at
kumpleto ang mahahalagang
impormasyon sa teksto
Sanggunian:
Cecille Abiera, Pagsasalaysay (slideshare.net),
https://www.pinterest.ph/pin/560064903635113469/
Blog Education,
http://mgahalimbawangmaiklingkwento.blogspot.com/2014/06/hali
mbawa-ng-maikling-kwentong-pambata.html
Pitong simpleng hakbang upang maprotektahan ang sarili at ang iba
laban sa COVID-19 (who.int), 12 March
2020,https://www.who.int/philippines/news/feature-
stories/detail/pitong-simpleng-hakbang-upang-maprotektahan-ang-
sarili-at-ang-iba-laban-sa-covid-19

JOELYN A. NACUA
Manunulat
Digos City Central Elementary School

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

9
Pangalan: _______________________________________
Baitang/Pangkat: _______________________________
Petsa: _______________ Total Score: ____________
0

Pagsasalaysay Muli Gamit ang Sariling Salita


Kasanayang Pampagkatuto: Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto
gamit ang sariling salita.

Konsepto/Input:
Ang pakikinig sa teksto ay maaaring manggaling sa ibang tao, sa
radyo, telebisyon at iba pang makabagong gadget. Ang angking talino sa
pakikinig at pag-unawa upang maibahagi nang maayos at mapabuti ang
kaalaman sa napakinggang impormasyon gamit ang sariling salita sa pagbuo
ng mga pangungusap. Maging maayos ang pagsasalaysay kung pakinggan o
basahing mabuti ang sanaysay o kuwento.
Ang uri ng pangungusap na maaaring gamitin sa muling
pagsasalaysay.
1. Paturol o Pasalaysay – pangungusap na nagsasalaysay. Nagtatapos ito
sa tuldok.
Halimbawa: Malinis ang aming paaralan.
2. Pautos – pangungusap na nag-uutos o nakikiusap. Nagtatapos ito sa
tuldok.
Halimbawa: Diligan ninyo ang mga tanim na bulaklak.
Pakidilig nga ng mga tanim na bulaklak.
3. Patanong – pangungusap na nagtatanong. Nagtatapos ito sa tandang
pananong.
Halibawa: Saan ka nakatira?
4. Padamdam – pangungusap na nagsasaad ng matinding damdamin.

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

10
Halimbawa: Aba! Dumating na pala si Kuya Rudy mula sa
Cebu.

Halimbawa
Bumuo ng isang talata sa pamamagitan ng pagsunod-sunod ng
mga hakbang sa paglalaba. Gamitin ang mga pahiwatig na salita (una,
pangalawa, sunod, pagkatapos, panghuli).

Kunin ang nga maruruming damit


Paghiwalayin ang de-kolor at puti.
Maglagay ng tubig sa batya o sa washing machine at lagyan ng powder
soap
Labhan at banlawan ng 3-4 na beses.
Isampay ito.

Sagot
Una, kunin ang maruruming damit. Pangalawa, panghiwalayin
ang de-kolor at puti. Sunod, maglagay ng tubig sa batya o washing machine
at lagyang powder na sabon. Pagkatapos, labhan at banlawan ng 3-4 na
beses. Panghuli, isampay ito.

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

11
Gawain 1
Basahin ang kuwento.
Ang Palaka ay maaaring mabuhay sa tubig o sa lupa ang palaka. Sa
ulo makikita ang mga mata nito. Mayroon itong ilong na hinihingahan.
Ginagamit nito ang dila upang makahuli ng mga kulisap. Nasa likod ng
mga mata ng palaka ang kanyang mga tainga. May dalawang pares ng paa
ang palaka: ang unahang mga paa at mga paa sa hulihan.
Higit na maliit ang unahang mga paa nito kaysa mga paang nasa
hulihan. Mahahaba ang mga paa sa hulihan. Kabit-kabit ang mga daliri
dahil sa lamad (o balat na nagdudugtong sa mga daliri nito). Ginagamit na
panlangoy ang mga ito. Katulad ng kanilang kapaligiran ang kulay ng
palaka. Palaging basa at madulas ang kanilang balat.
Source: A DepEd-BEAM Distance Learning Program supported by the
Australian Agency for International Development, “Malinaw na Detalye”
Module 2, pahina 14-15

Isalaysay muli ang nabasang kuwento sa pamamagitan ng


pagsagot ng tamang salita para mabuo ang talata.

Maaaring mabuhay sa tubig o lupa ang 1. _______________________. May


mata ito sa ulo para makakakita at ilong para makakahinga. Sa pagkain,
ginagamit nito ang kanyang 2. ____________ para makahuli ng kulisap.
Nasa unahan at hulihan ang dalawang pares ng paa nito.

Ang paa sa hulihan ay mahahaba. Dahil sa 3. ____________ kaya kabit-


kabit ang mga daliri. Gigamit ito sa 4. _____________________. Ang kanilang
5. _____________ ay palaging basa at madulas.

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

12
Gawain 2:
A. Basahin ang Talaarawan.
Mahal kong Talaarawan,
Maganda at maayos naman ang aking umaga dahil maliban sa
maaliwalas ang panahon, maaga akong nakapunta sa paaralan. Ngunit,
bago ako pumasok, naligo muna ako, nagbihis ng uniporme, sinuklay ang
aking mahabang buhok, kumain at nagsisipilyo ng ngipin. Hinatid ako ng
papa ko sa paaralan. Pagdating ko sa paaralan ay sinalubong ako ng
aking mga kaibigan. Sabay kaming pumasok sa loob ng silid-aralan.
Masaya kaming kumain sa kantina ng aking mga kamag-aral sa
pananghalian. Pagkatapos ng kainan naming, dumiretso agad kami sa
silid-aralan. Nag-aaral din ako sa aming aralin sa Matematika dahil
magkakaroon kami ng pagsusulit. At masaya ako sa mga ginawa ko sa
araw na ito. Bakit? Dahil mataas ang nakuha kong marka sa pagsusulit.
Nagmamahal,
Marissa

B. Pagdugtungin ang sagot sa mga tanong sa ibaba upang makabuo ng


isang talata.
1. Sino ang nagsulat ng talaarawan?

2. Ano ang unang ginawa ni Marissa bago pumasok sa paaralan?

3. Sino ang naghatid sa kanya sa paaralan?

4. Anong klaseng mag-aaral si Thalia?

5. Sa anong asignatura nagkaroon ng pagsusulit si Marissa?

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

13
Dito ilagay ang iyong talata.

Gawain 3
Panuto: Itanong sa magulang ang wastong hakbang pagluluto ng
sinabawang gulay. Muli itong isalaysay sa loob ng kahon na nakatalata.
Gamitin ang mga pahiwatig na mga salitang: (Una, Ikalawa, Ikatlo, Sunod,
Pagkatapos, Pinakahuli). Gawing batayan ang rubrik sa ibaba.
Dito isulat ang iyong talata

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

14
Rubrik sa Pagsasalaysay
Krayterya Magaling (5) Katamtaman Kabuuan
(4) Nangangailangan
ng Pagsasanay
(3)
Paglalahad Nailahad ng Katamtamang Kinakailangang
ng Paksa maayos ang nailahad ang paunlarin pa ang
paksa sa paksa sa pagsusulat.
pagsasalaysay. pagsasalaysay.
Nilalaman Naisulat nang Wasto ang Hindi naisulat
maayos ang pagkasulat ng ng maayos ang
detalye o ideya detalye o ideya paksang dapat
sa kabuuan batay sa talakayin.
batay sa paksang
paksang tinalakay.
tinalakay.
Wastong Tama ang May apat (4) Maraming mali
baybay ng baybay ng na mali sa sa baybay ng
salita at lahat ng salita baybay ng mga salita. Hindi
gamit ng at tama ang mga salita at tama ang
bantas paggamit sa hindi tama paggamit sa mga
mga bantas. ang paggamit bantas.
sa ibang
bantas.
Kabuuan

Sanggunian:
A DepEd-BEAM Distance Learning Program supported by the
Australian Agency for International Development, “Malinaw na
Detalye” 5 Module 2, pahina 14-15

JOELYN A. NACUA

Manunulat

Digos City Central


Elementary School

Learning Materials are for nonprofit educational purposes which are exclusively used for
Schools Division of Digos City only. Copies are not for sale.

15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like