You are on page 1of 10

MALAY

TomoXl1I
1995-1996

EPEKTO NG MGA WIKANG FILIPINO AT INGLES


BILANG MIDYA SA PAGTUTURO NG ALJEBRA
SA ANTAS NG PAGKATUTO AT ATITYUD
NG MGA MAG-AARAL SA KOLEHIYO

Maxima J. Acelajado

Sa nakalipas na maraming taon, alam natin na wikang Ingles


ang ginagamit na midyum sa pagtuturo ng matcmatiks sa lahat ng
antas ng pag-aaral. Kahit na noong nagkaroon ng direktiba ang
DECS tungkol sa angkop na midyum para sa pagtuturo ng iba't ibang
asignatura, Ingles pa rin ang napiling midyum para sa pagtuturo ng
matematiks. Subalit hanggang sa ngayon, wala pa ring resulta ng
pananaliksik na nagpapatunay na talagang dapat na Ingles ang
gamiting midyum sa matematiks at wala pa ring malaking pagbabago
sa antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral ng matematiks; gayundin,
wala ring matibay na batayan na kapag Ingles ang gamit sa pagtuturo,
maganda ang atityud ng mga mag-aaral sa matematiks.
Ngayon, isa sa mga pinagtutuunan ng pansin ng mga guro at
mga mananaliksik ay ang posibleng epekto ng paggamit ng wikang
Filipino bilang midyum sa pagtuturo ng matematiks. Ayon sa
karanasan ng mananaliksik na ito at ng ilan pang guro sa matematiks,
kung dumarating ang mga pagkakataong di maunawaan ng mga mag-
aaral ang kanilang aralin na itinuro sa wikang Ingles, ito ay
ipinapaliwanag nil a sa wikang Filipino. Dahil dito madaling
naiintindihan ng mga mag-aaral ang kanilang aralin, bukod sa nagiging
kawili-wili pa sa kanila ang pag-aaral ng matematiks.
Upang lubusang maitala at maikumpara ang epekto ng paggamit
ng wikang Filipino at Ingles bilang midyum sa pagtutuo ng
matematiks, naipasya ng mananaliksik na ito na magsagawa ng isang
pag-aaral na eksperimental na ang mga respondent ay ang mga
mag-aaral sa Kolehiyo ng Malayang Sining ng Pamantasang De La
Salle.
2 MAXIMA J. ACELAJADO

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang masukat at maikum-


para ang epekto ng mga wikang Filipino at Ingles bilang midya sa
pagtuturo ng Pangkolehiyong Aljebra sa antas ng pagkatuto at atityud
ng mga mag-aaral sa Matematika.
Sinikap lutasin ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod na
problema:
1. Ano ang perfomance ng mga mag-aaral sa Pangkolehiyong
Aljebra kung wikang Filipino 0 Ingles ang ginamit na midyum
sa pagtuturo?
2. Mayroon bang mahalagang kaibhan sa antas ng pagkatuto ng
mga mag-aaral na tinuruan ng Pangkolehiyong Aljebra sa
wikang Filipino at Ingles?
3. Aling aralin sa Pangkolehiyong Aljebra ang dapat na itmo sa
wikang Filipino at aling aralin sa wikang Ingles?
4. Mayroon bang mahalagang kaibhan sa atityud sa Matematika
ng mga mag-aaral na tinuruan sa wikang Filipino at Ingles?

Sumusunod ang mga haypoteses ng riserts na ito:


1. Hindi mahalaga ang kaibhan sa antas ng pagkatuto ng mga
mag-aaral na tinuruan ng Pangkolehiyong Aljebra sa wikang
Filipino at wikang Ingles.
2. Hindi mahalaga ang kaibhan sa atityud sa Matematika ng mga
mag-aaral na tinuruan sa wikang Filipino at sa wikang Ingles.

Dalawang magkatumbas na klase ng LIACOM na may 41


mag-aaral bawat isa ang ginamit na respondent sa riserts na ito na
ginawa noong unang traymester, 1993-1994. Noong ginawa ang
nasabing pag-aaral, walang estudyante ang nakaalam na may
eksperimentong naganap tungkol sa pagtuturo ng Pangkolehiyong
Aljebra kung saan ginamit na midyum ang mga wikang Filipino at
Ingles. Ang pag-aaral na ito ay quasi-experimental kung saan ang
desayn na ginamit ay may pretest. Ang klase na gumamit ng wikang
Filipino ay tinawag na grupong experimental at ang klase na gumamit
ng wikang Ingles ay tinawag na grupong control. Ang risertser
mismo ang nagturo sa dalawang klase upang maiwasan ang maaaring
maging epekto ng varyabol na guro.
Sa pag-aaral na ito, ang varyabol na dependent ay ang antas
ng pagkatuto na sinukat sa pamamagitan ng grado ng mga respon-
dent sa apat na mahabang pagsusulit, sa mga iksaming midterm at

You might also like