You are on page 1of 13

Artista Ka?

Ang Katotohanan sa Buhay ng Isang Ekstra


Batay sa Pelikulang “Ekstra” ni Jeffrey Jeturian
Kyle Shanei L. Oliveros
Pamantasan ng De La Salle, Manila
kyle_oliveros@dlsu.edu.ph

Abstrak: Sa panahon ngayon, hindi naman maikakaila na marami ang naghahangad na maging

matagumpay sa larangan ng “showbizness” kahit pa nangangahulugan ito na kinakailangan muna

ng karamihan na magdaan sa hirap bago maabot ang kani-kanilang pangarap na maging isang

artista. Layunin ng pananaliksik na ito na maibahagi ang katotohanan na nangyayari sa buhay ng

mga ekstra batay sa pelikulang “Ekstra” ni Jeffrey Jeturian na pinagbidahan ng “Star For All

Seasons” na si Vilma Santos gamit ang Kritikal Diskors Analisis sa ilalim ng teoryang Realismo.

Mga Susing Salita: Ekstra, Vilma Santos, pelikula, katotohanan, realismo

INTRODUKSYON

Sa isang pananaliksik na isinagawa noong 2012, napag-alaman na ang kagustuhan na

sumikat para lamang matawag na “sikat” ay ang pinaka-popular na pangarap sa mga grupo ng

kabataan edad sampu hanggang labing-dalawang taong gulang (Kaufman, 2013). Sa isa namang

pag-aaralna isinagawa ng isang grupo ng mga mananaliksik na pinangunahan ni John Maltby

noong 2008, nagbigay sila ng siyam na salik na nag-uudyok sa mga indibidwal na maging

interesado sa pag-aartista. Una ay ang ambisyon, at ang pag-iisip na ito ang magiging sikreto sa

pagtatagumpay kasabay ng paniniwala sa sarili, sipag at tiyaga. Sumunod naman ang kung paano

bigyang kahulugang isang tao ang pagsikat (hal. kung para sa taong ito, ang ibig sabihin ng

pagsikat ay ang madaliang pagkuha o pagkamit ng lahat ng kaniyang mga kagustuhan, materyal
o hindi; sa oras na sikat ka na ay mamahalin ka na ng lahat ng tao). Isa pang salik ay ang

tinatawag na “Psychological Vulnerability” kung saan sinasabing ang mga taong naghahangad

ng katanyagan ay “psychologically vulnerable” o madaling maimpluwensyahan dahil sa mga

tinatawag na “insecurities” nito sa buhay gaya ng pagkakaroon ng mababang pagtingin sa sarili

o self-esteem. Ang isa pa ay ang hindi naman talagang paghahangad sa kasikatan, ngunit mas

gusto ng atensyon. Sunod ay ang paniniwala na ang pag-aartista o pagiging sikat ay ang

kaniyang kapalaran. Nasa listahan din ang kagustuhang magkaroon ng “social access” o ang

kagustuhan na sumikat upang makilala sila at malaman ng lahat ng tao ang kanilang pangalan.

Isa rin ang konsepto ng “Altruisim” na sobrang makikita sa karamihan ng mga Pilipino. Ito ay

ang paghahangad na sumikat upang mapabuti ang buhay at kalagayan ng kanilang pamilya at

mahal sa buhay. Ang isa pa ay ang hangarin na maging mabuting ehemplo sa lipunan at ang

pang-huli ay ang pag-iisip na kabilang na sa mga elitista ang mga taong sikat (Maltby et al,

2008).

Makikita naman na karamihan ng dahilan sa hangarin na sumikat ay kaugnay ng

kagustuhang masarap, madali at maluhong pamumuhay gaya ng nakikita sa mga bigating artista

sa insutriya. Ngunit sa bagong pag-aaral ni Dara Greenwood at ng mga kasama, nagbigay sila ng

mga mas partikular na dahilan kung bakit nais ng mga taong sumikat. Kabilang dito ang isa sa

mga pangunahing pangangailangan kagustuhang mapahalagahan at makita ng iba. Ilang

halimbawa dito ay ang pagiging modelo sa cover ng isang magasin o ang pagkilala sakaniya ng

mga tao sa isang pampublikong lugar. Sunod ay ang kagustuhan ng elistang pamumuhay kung

saan kabilang ang pagtira sa isang malaki, maganda at magarbong bahay tulad ng mansyon o

penthouse at ang kakayahang libutin ang mundo sa pinakamaluhong paraang posible gaya ng

paglipad sa first-class at pagtuloy sa mga mamahaling resort at hotel sa iba’t ibang bansa. Ang
ikatlong dahilan naman ay ang layunin na gamitin ang kasikatan upang makatulong sa iba at

maipagmalik ng mga mahal sa buhay (Greenwood, Long & Cin, 2013).

Sa blog naman ng sikat na manager at komediyante na si Ogie Diaz, sinabi niyang

personal niyang natunghayan ang pagbabago ng interes ng mga Pilipino sa pag-aartista. Noong

nagsisimula pa lamang siyang maging talent scount o tagahanap ng mga bagong mukha ng

showbiz, sa oras raw na marinig ng mga tao ang mga katagang “Gusto mo bang mag-artista?” ay

talagang tintindigan sila ng balahibo kahit pa hindi balbon kumpara ngayon na halos naging

isang kalakaran o trend na ang kagustuhang mag-artista (Diaz, 2011). Isa sa mga pruweba na

dumadami na ang gustong mag-artista sa bansa ay ang pag-usbong ng mga talent search at reality

shows. Kabilang dito ay ang unang talent search na Starstruck ng GMA-7 na umere noong 2003

at tinapatan naman ng ABS-CBN ng Star Circle Quest sa sumunod na taon. Noong 2004 naman

inilabas ang mga pambatang bersyon nito na Starstruck Kids at Star Circle Kid Quest. Sa

larangan naman ng reality show, unang ipinalabas sa ABS-CBN ang adaptasyon nila ng Big

Brother, na umeere sa iba’t ibang bahagi ng mundo na pinamagatang Pinoy Big Brother kung

saan nanirahan ang ilang mga “housemate” sa loob ng bahay ni Kuya habang pinanood ng buong

bansa ang kanilang pamamaraan ng pamumuhay. Bukod dito nagkaroon din ng iba’t iba pang

reality shows at mga kumpetisyon gaya ng Sruvivor Philippines, Master Chef, X-Factor at

Amazing Race (PEP.ph, 2012).

Bibihira ang mga artista na nagsimula bilang malalaking artista agad pagpasok sa mundo

ng showbiz. Nangyayari lamang ito kung nagmula ka sa pamilya ng mga artista o kaya’y sa

panahon ngayon, nag-viral ka sa internet.


Ang mga ekstra ay ang mga artista sa eksena sa isang palabas, teleserye, musikal at iba pa

na kadalasan ay walang linya sa eksena. Kadalasan sila ang mga naglalakad sa likod, nag-uusap

sa gilid o mga napadaan lamang talaga. Ginagamit ng mga pelikula ang mga ekstra upang punuin

ang isang eksena na lalong magdadagdag ng kagandahan nito (Mitchell, n.d.). Sa bansa, ang

bayaran sa isang pelikula ay kadalasang isinasagawa ng kada-araw o sa tuwing katapusan ng

proyekto, depende kung ilang beses kang lalabas sa pelikula. Ngunit para sa mga ekstra,

tinatayang nasa tatlong daan hanggang isang libo’t limang daang piso ang bayad sa pagtatapos

ng eksena. Sa bansa, sinasabing may apat na uri ng ekstra. Una ay ang Incidental Ekstra na

hinugot lang mula sa tao upang patayuin at hindi sinadyang ikaw ang ekstra para sa eksenang

iyon, nagkataon lamang na ikaw ang nandoon kaya ka napili. Ang pangalawa ay ang

Professional Extra na kumikit na isang libo hanggang dalawang libong piso depende sa proyekto

na nakuha mo. Ang susunod ay ang Professional Extra with lines na sumusweldo ng tatlong libo

hanggang limang libong piso depende sa proyekto at kung sino ang ka-eksena mo. Ang panghuli

ay ang “aktor” na kung tawagin na nakakakuha ng tatlong libo’t limang daan para sa mga

proyektong indie at limang libo hanggang labing limang libo sa mainstream kada dalawampu’t

araw na oras ng shooting (Casting Calls Manila, 2012).

Si Glaiza de Castro, na ngayo’y marami nang pelikula’t teleserye ang pinagbidahan

kabilang ang Audience Choice Award na “Liway” ay isa sa mga artistang nagsimula bilang

ekstra. Ani Glaiza, pipila at mag-aantay ka talaga ng napakatagal dahil wala namang maayos na

standby area ang nakatalaga para sa mga ekstra. Bukod sakaniya, ang beteranong aktor na si

Eddie Garcia rin ay nagsimulang mag-ekstra noon sa pelikulang “Bwakaw.” Sa pelikula naman

na “Dance of the Steel Bars” na pinagbidahan ni Dingdong Dantes nagsimula si Joey paras
bilang Alona. Ayon kay Paras, ang ginaganapan niya noon ay uupo lang pamparami. Minsan pa

siyang natanggal sa pag-eekstra dahil sa makintab niyang damit. Ngunit ayon sakanila, kahit

napakarami nilang hirap sa pag-eekstra, hindi raw nila iyon ipagpapalit. Sabi ni Glaiza, sa

kaniyang pananaw, sapat sapat raw kasi ang dedikasyon ng mga ekstra na iyon kung kaya’t kung

pagyayamanin ay madadala sila ito sa katanyagan (Macapendeg, 2013).

ANG PELIKULA

Ang Ekstra ay isang pelikulang may pinaghalong drama at komedya na nagpapakita ng

tunay na buhay at kalagayan ng mga ekstra sa industriya ng pelikula. Pinagbidahan ito ni Vilma

Santos sa direksyon ni Jeffrey Jeturian. Inilaban ang pelikulang ito sa ika-siyam na Cinemalaya

Independent Film Festival sa ilalim ng kategoryang Directors Showcase. Ipinalabas rin ito sa

mga lokal na sinehan sa ilalim ng pamamahala ng Star Cinema taong 2013 kabilang sa

pagdiriwang ng kanilang ika-dalawampung anibersaryo kung saan ito nanguna sa dami ng

manonood.

Sa unang eksena ng pelikula ay kinakausap nito ang anak na si Joyce (Ronaline Enriquez)

tungkol sa kung paanong siya ang dapat na ka-eksena ni Richard Yap sa isang teleserye subalit

mas napusuan ang pag-arte ng isa pang ekstra. Doon siya nakakuha ng text mula kay Josie (Ruby

Ruiz) na kinabukasan ay mayroon ulit silang shooting kasama ang mga bagay na kakailangan

niya para doon. Habang nag-eempake ng mga damit na dadalhin ay napansin niyang wala pala

siyang pormal na damit kung kaya’t kinailangan pa niyang manghiram sa kapitbahay.

Kinaumagahan, wala pang sikat ng araw ay kailangan na niyang umalis ng bahay at pumunta sa

Jollibee kung saan sila susunduin ng serbis na magdadala sa kaniya at sa kapwa ekstra niya sa

lokasyon ng shooting para sa isang teleserye. Ginising na ni Loida ang anak at ibinigay upang
magpaalam at ibigay ang promissory note na gagamitin pambayad muna upang makakuha sana

ng exam. Sabay sila ni Venus (Tart Carlos) na dadating sa Jollibee at aabutan ang isang Josie na

sumisigaw dahil nahuli ang dating ng kanilang sasakyan pati na rin ang iba pang mga ekstra. Sa

biyahe papunta, nakita ni Josie na mayroong isang matandang lalaki na may kalong kalong na

bata. Napag-alaman na batang Piolo Pascual pala ang gaganapan ng batang lalaki sa eskena.

Kumunot ang noo nito sabay tawag sa isang talent scout upang alamin kung bakit hindi kamukha

ni Piolo ang batang kinuha habang tinatakpan naman ng matanda ang tainga nito upang hindi

siya marinig ng bata. Dahil dito, pinababa na lamang ni Josie ang batang lalaki sa kalsada, pati

na rin ang bata sanang gaganap na Marian Rivera. Sa pagpapatuloy ng biyahe, pinag-uusapan ng

mga ekstra ang kani-kanilang mga pangarap. Ani Loida, gusto raw niyang magkaroon ng

dalawang assistant at ng SUV. Dahil sa tagal ng biyahe, halos lahat ay nakatulog na maliban kay

Loida at sa isang dalaga. Pinag-usapan ng dalawa kung bakit siya (dalaga) nag-eekstra at

nalaman ni Loida na gusto lamang raw niya na makatulong lamang sa kaniyang mga magulang.

Nakarating sila ng matiwasay sa Batangas ngunit hindi sila pwedeng tumuloy sa mga kubo dahil

pang catering at wardrobe raw ito kung kaya’t sa labas na lamang nila inilapag ang kanilang mga

gamit. Doon na rin sila natulog hanggang sa tawagin sila upang maghanda. Kumain na sila ng

almusal bago pa dumating sina Marian at Piolo. Nagmamadali ring dumating and direktor dahil

kinakailangan raw nilang tapusin ang ipalalabas kinagabihan. Ang unang eksena sa naturang

teleserye ay ginanap sa tubuhan kung kaya’t kinailangan nilang magbihis gaya ng sa magsasaka.

Pinili lamang ng assistant na direktor ang isasali sa eksena at kabilang sina Loida at Venus rito.

Tumawag si Loida sa anak upang ipag-bigay alam na makaka-eksena na niya si Papa P habang

nahimatay naman ang isa sa kanilang kasama na nagbunga ng pagkainis ng assistant na direktor

at sinabing huwag na lamang pilitin kung hindi naman talaga kaya. Sa oras ng tanghalian,
sinubukang mag-mabuting loob ni Loida at ikukuha ang kasamahang nahimatay ngunit

napagbintangan lamang siyang nanlalamang sa pagkain. Sa sumunod na eksena, nagpakitang

gilas na sina Venus at Loida upang makuha ang papel ng katulong na walang mukha ngunit

magdadala ng tubig kay Marian. Si Loida ang napili para doon at umiiyak na sa galak ang puso

niya. Habang nasa set siya na halos kulay asul ang lahat — ang mga bulaklak, damit ng mga

artista, upuan at iba pa dahil ang eksena ay iniisponsoran ng isang korporasyon. Sa kabilang

dako, habang nasa set si Loida ay kasalukuyang nagte-text ang kaniyang anak dahil hindi umano

tinanggap ng paaralan ang kaniyang promissory note. Umalis si Eula Valdez sa set dahil sa

hinahabol na flight kung kaya’t kay Loida napunta ang kaniyang karakter ngunit sinako ang

kaniyang ulo at binusalan ang bibig upang di makasalita. Si Cherie Gil naman, ang kontrabida sa

teleserye ay nadala sa eksena kung saan niya pinaso ng sigarilyo si Loida sa braso at saka sinipa.

Sa kabila ng lahat, masaya pa rin si Loida sa mga kaganapan dahil ayon sakaniya, parte iyon ng

pinili niyang trabaho. Kinagabihan, naiinip na ang lahat sa eksena ngunit wala pa rin si Amanda

(Pilar Pilapil). Pasado ala-una na ng umaga nang dumating ang aktres at sa kabutihang palad, si

Loida nanaman ang nabigyan ng papel bilang isang abogado sa eksena. Ngunit kahit maaayos pa

ang pagkakabigkas ni Loida ay lagi siyang nagkakamali sa linya kaya nagalit sakaniya ang

direktor at piang-sisigawan siya hanggang sa maiyak. Nanghihinayang siya dahil sa unang

pagkakataon ay makaka-eksena na sana niya ang kaniyang idolo. Binigyan pa rin naman si Loida

ng bayad sa pag-aabogada at saka umuwi. Pagkarating sa bahay ay ibinigay na nito sa anak ang

pambayad sa paaralan, kumain at maligo ay nagpasya na siyang matulog. Iniabot niya na lamang

sa anak ang damit na hiniram sa kapit bahay. Ngunit dahil naipagkalat ni Joyce na makaka-

eksena ng ina si Amanda ay nag-abang talaga ang mga tao at nadismaya nang malaman na parte

lamang pala siya ng lupon ng mga tao doon.


Sinasabing ang pelikulang Esktra raw ay maaaring mapanood gamit ang ilang lente.

Maaari itong makita bilang pagbibigay pugay hindi lamang sa mga ekstra kundi sa lahat ng

bumubuo sa isang pelikula, mula sa mga artista, ekstra, direktor, catering at maging ang mga

sekyu na nagbabantay doon. Ipinakikita rin dito ang hindi patas na pagtrato sa mga tao gaya ng

pagiging mayabang ng mga nasa taas, habang halos apihin na ang mga ekstrang nasa ilalim.

Inilarawan din dito ang kahalagahan ng bawat taong bumubuo ng set hanggang sa pinaka-

mababang posisyon at kung gaano kahirap at katagal bumuo ng isang palabas para sa publiko

(Mateo, 2013).

Ayon sa isa pang artikulo, maganda raw na sa pamamagitan ng pelikulang ito ay nakikita

ng masa ang hirap na pinagdadaanan ng mga ekstra upang kumita ng katiting na perang

ipangbubuhay sa pamilya. Isa raw itong napaka-impormatibong palabas dahil inilalarawan dito

ang katotohanan sa likod ng magagarbong pelikulang napapanood ng tao sa TV at sine. Bukod

dito, kung sisipatin raw ay maaaring nang gawing isang dokyu ang palabas tungkol sa hindi patas

na pagtrato sa mga ekstra sa pelikula (Hawson, 2013).

Sinasabi rin na isa sa mga napakahusay na pelikula ang Ekstra dahil malinis at

makatotohanan raw ang pagkakalahad ng kuwento. Sobrang interesante nito at nagmukha nang

isang reality show ang tinutunghayan ng mga manonood. Naging maayos ang palitan ng mga

aktwal na eksenang pinagbibidahan ni Piolo Pascual, Marian Rivera, Cherie Gil at Pilar Pilapil.

Nakadagdag pa raw sa ganda ng pelikula ang maingat na paghahatid ng detalye tungkol sa mga

pangyayari. Puro papuri rin ang nakuha ni Vilma Santos dahil hindi raw matatawaran ang

kaniyang pagganap sa nasabing pelikula. Sa usaping teknikal, sinasabing akma at epektibo ang

paglapat ng mga tunog, ilaw at musika. Kung sinematograpiya naman ang pag-uusap ay hindi rin

nagpahuli ang maaayos na kuha ng kamera lalo na sa pagsasa-detalye ng mahahalagang


elemento at eksena sa pelikula. Sa pangkabuuan ay makikita ang seryosong hangarin na

maisalaysay ang karanasan ng mga ekstra sa totoong buhay (CBCP, 2013).

Ilan lamang ang mga iyan sa maraming magagandang rebyu tungkol sa pelikula na

naging dahilan ng pagkapanalo nito ng maraming parangal. Noong 2013 ay nanalo sa

kategoryang Directors Showcase, Audience Award si Jeffrey Jeturian. Bukod dito nakuha din

nila ang Balanghai Trophy para sa Best Screenplay, Directors Showcase, Best Supporting

Actress, Directors Showcase (Ruby Ruiz,) at Best Actress, Directors Showcase (Vilma Santos).

Nakakuha rin ang bidang si Vilma Santos ng Dhaka International Film Festival Award sa

kategoryang Best Actress sa sumunod na taon. Naging kandidato din ang buong pelikula sa

FAMAS Awards sa ilalim ng Best Picture, Best Director, Best Editing, Best Screenplay at Best

Story. Bukod sa mga nabanggit mayroon pa silang ibang nomination sa ibang uri ng parangalan

gaya ng Gawad Urian, Golden Screen Awards at Star Awards for Movies (IMDb, 2014). Hindi

lang din sa bansa nagwagi ang pelikula dahil nanalo rin ito ng bronze world medal sa New York

Festivals sa ilalim ng Best Feature Film (ABS-CBN News, 2015). Nagwagi rin ng isa pang

internasyunal na parangal ito sa Houston Fest na ginanap sa Texas, USA noong 2015 bilang Best

Foreign Film (Inquirer, 2015) na siyang magpapatunay na isa ito sa pinakamagagandang pelikula

sa buong bansa, at baka sa buong mundo.

TEORYA

Ang mga teoryang gagamitin sa pagpapatibay ng pananaliksik ay ang kritikal diskors

analisis kung saan titignan ang tatalong elemento ng komunikatibong pangyayari: teksto, proseso

at panlipunan (Fortunayo, 2011) gamit ang teoryang Realismo na ang pangunahing layunin ay

ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may-akda sa loob ng kaniyang lipunan. Ipinakikita
ng teoryang ito ang mga nangyayari sa totoong buhay ngunit hindi ang tuwirang katotohanan

dahil kinakailangan niyang isaalang-alang ang kasiningan at pagka-epektibo ng nilikha.

TALAKAYAN

Kung maiging iisipin, ang pelikulang Ekstra ay isang napagandang palabas hindi lamang

para sa mga “umeekstra” sa mga pelikula ngunit pati na rin sa mga manonood lamang. Sa

katunayan, isinagawa ni Jeturian ang pelikula upang magbigay pugay sa lahat ng bumubo ng

isang pelikula dahil nais nitong lalong mapahalagahan ng mga manonood ang mga pelikula kung

nakikita nila ang lahat ng hirap at pagod na ibinibigay ng mga bumubuo nito dito. Bukod doon,

minsan na rin kasing naranasan ni Jeturian na hindi mabigyang pansin sa lahat ng hirap na

ginugugol niya noon bilang miyembro ng ilang malalaking production team noong nagsisimula

pa lamang siya sa industriya. Nagsimula siya na ginagampanan ang halos lahat ng papel sa

produksyon gaya ng production assistant, script continuity, art director, production assistan at sa

pagtagal ng panahon, assistant director. Gaya ng mga ekstra, sa kabila ng lahat ng hirap, puyat at

pagod, tiniis niya ang mga ito dahil mahal niya ang ginagawa niya. Mahal ang industriya ng

pelikula (Mateo, 2013). Gaya ng nabanggit, isinulat ang pelikula para sa mga manonood, ngunit

mas mahalaga, isinulat ito para sa mga ekstra, upang ipaalam sakanila na hindi sila dapat sumuko

sa kanilang pangarap dahil nakikita sila, napahahalagahan sila. Na hindi porket tingin nila hindi

sila magtatagumpay ay susuko na sila. Ang panlipunang implikasyon nito ay ang pagbabago sa

sistema ng mga direktor at sa set ng shooting. Dapat matapos ito panoorin ay magkaroon ng mas

matinding pagpapahalaga sa mga ekstrang naghihirap upang makita lamang sandali sa

telebisyon, at kahit man lamang likod nila, at patas na pagtrato sa lahat. Hindi dapat porket ekstra
lamang sila ay hindi na sila bibigyan ng tratong gaya sa artista, maaaring hindi pantay, dahil

siyempre, iba pa rin ang malalaking personalidad, ngunit dapat, ay patas.

KONKLUSYON

Sa pangkabuuan, napakahalaga na marami ang mapakanood ng pelikulang ito sapagkat

tinalakay dito ang mga sakripisyo at pagsisikap ng mga gumaganap bilang ekstra sa mga palabas

sa telebisyon at mga pelikula upang kumita sa marangal na paraan at makatulong sa

pagtataguyod sa pang araw-araw na pangangailangan ng kanilang pamilya. Mahalaga rin na

bigyang pansin ang determinasyon ng mga ito upang pagbutihin lalo ang pagganap sa pag-asang

baka isang araw ay makuha sila bilang malalaking artista. Makahulugan at malaman ang mga

linyang sinasambit ni Loida sa mga kapwa ekstra upang magbigay inspirasyon na kahit maliliit

na papel lamang ang nabibigay sa kanila ay dapat silang maging masaya sa kabila ng mga di

kanais-nais na kalagayan ng kanilang trabaho at maunawaan ang kahalagahan nila sa pagbuo ng

isang palabas. Nakakatulong rin ang pelikula upang maipaalam sa publiko ang mga kaganapan sa

likod ng mga sinusubaybayan nilang mga palabas sa telebisyon dahil bukod sa mga ekstra ay

buong tapat din ditong ipinakita ang hirap ng mga tao sa likod ng TV Production at ang kanilang

mga hamon at ang presyur na hinaharap sa trabaho. Bukod doon, mahalagang maipakita sa

madla ang ganitong uri ng palabas upang ipakita ang pagmamalabis at kasamaan ng ugali ng

ibang artista at ng direktor na siyang nagiging dahilan ng mga presyur na hinaharap ng mga

lahat, lalo na ng mga kinakawawa na siyang mga pinakamaliliit na miyembro ng produksyon,

ang mga ekstra na di makalaban sa pang-aapi, pangmamaliit at pagpapahiya sa kanila. Mahalaga

rin ito na mapanood ng mga malalaking bosses at mga namamahala sa produksyon upang maigi

nilang pagnilayan na ang kulturang ipinrisinta sa pelikula ay hindi dapat makasanayan sapagkat
bagamat ekstra lamang ang papel ng mga ito sa pelikula ay malaki pa rin ang epekto nito sa

kabuuan ng palabas.

SANGGUNIAN

ABS-CBN News. (2015). Vilma Santos’ ‘Ekstra’ wins at New York Festivals. Nakuha mula sa
http://news.abs-cbn.com/entertainment/04/15/15/vilma-santos-ekstra-wins-new-york-
festivals

Casting Calls Manila. (2012). Talent Fee Talk: How Much are Models and Talents in TV
Commercials in the Philippines Paid?. Nakuha mula sa
http://castingcallsmanila.blogspot.com/2012/06/talent-fee-talk-how-are-models-and.html

CBCP. (2013). Ekstra. Nakuha mula sa https://cbcpcinema.blogspot.com/2013/08/ekstra.html

Diaz, O. (2011). Artista Ka?. Nakuha mula sa


http://ogiediaz.blogspot.com/2011/02/artista-ka.html

Fortunato, T. (2001). Isang Kritikal na Analisis ng Diskors ng Midya: Ang Salita ng Balitang
Panradyo. Malay,16(1), 85-106. Retrieved from https://ejournals.ph/article.php?
id=10599.

Greenwood, D., Long, C. R., & Cin, S. D. (2013). Fame and the social self: The need to belong,
narcissism, and relatedness predict the appeal of fame. Personality and Individual
Differences,55(5), 490-495. doi:10.1016/j.paid.2013.04.020

Hawson, F. (2013). Review: Ekstra is an excellent paradox. Nakuha mula sa


http://news.abs-cbn.com/lifestyle/07/29/13/cinemalaya-review-ekstra-excellent-paradox

IMDb. (2014). Ekstra. Nakuha mula sa https://www.imdb.com/title/tt3031022/awards

Inquirer. (2015). ‘Ekstra’ hailed as best foreign feature film in Houston Fest. Nakuha mula sa
http://entertainment.inquirer.net/168212/ekstra-hailed-as-best-foreign-feature-film-in-
houston-fest

Kaufman. S. (2013). Why Do You Want to Be Famous?. Nakuha mula sa


https://blogs.scientificamerican.com/beautiful-minds/why-do-you-want-to-be-famous/

Macapendeg, M. (2013). Kilalanin ang ilang artistang nagsimula bilang extra. Nakuha mula sa
http://www.gmanetwork.com/news/showbiz/content/313725/kilalanin-ang-ilang-
artistang-nagsimula-bilang-extra/story/

Maltby, J., Day, L., Giles, D., Gillett, R., Quick, M., Langcaster-James, H., & Linley, P. A.
(2008). Implicit theories of a desire for fame. British Journal of Psychology,99(2), 279-
292. doi:10.1348/000712607x226935

Mateo, I. (2013). Movie Review: ‘Ekstra’ exalts the lowly bit players, raps ‘studio system’.
Nakuha mula sa http://www.gmanetwork.com/news/lifestyle/content/322320/movie-
review-ekstra-exalts-the-lowly-bit-players-raps-studio-system/story/

Mitchell, A. (n.d.) What are Movie Extras?. Nakuha mula sa


http://www.actingbiz.com/acting-tips/what-are-movie-extras/

PEP.ph. (2012). TOP LIST: Reality-Show Talents on a Roll. Nakuha mula sa


https://www.pep.ph/lifestyle/28225/top-list-reality-show-talents-on-a-roll

Rockwell, D., & Giles, D. C. (2009). Being a Celebrity: A Phenomenology of Fame. Journal of
Phenomenological Psychology, 40(2), 178-210.
doi:10.1163/004726609x12482630041889

You might also like