You are on page 1of 1

Si Carl Justine Amurao Dela Cruz ay isang nakakatandang mag-aaral

mula sa General Tinio National High School. Siya ay isang estudyanteng


may sunod-sunod na karangalan simula siya ay nag-aral noong 2007 ng
Day Care, na naitanghal bilang “Bright Child”. Siya ay nakatanggap ng
unang karangalan ng apat na taon, simula 2009 hanggang 2013 at
nakatanggap ng ikalawang karangalan noong 2014 hanggang 2015. Noong
siya ay nag-Junior High School na, siya ay nakapasok sa Special Science
Class o mas kilala ngayon na STE o Science, Technology, and Engineering
Class ng apat na sunod-sunod na taon. Sa loob ng apat na taon na iyon,
siya ay nakatanggap ng karangalan at ibang mga pang-akademikong
karangalan katulad ng pag-sulat ng balita sa agham, paggawa ng editoryal
na sining at iba pa.

Siya ay kasalukuyang presidente ng kaniyang seksyon na


kinabibilangan at muling na-elekto bilang Presidente ng Supreme Student
Government upang mamuno para sa akademikong taong 2021-2022. Kilala
si Carl Justine bilang pala-kaibigan at talentadong mag-aaral mula sa
kaniyang paaralan. Bagama’t ang pakikipag-kilala ngayon ay nagaganap na
sa makabagong teknolohiya, may paraan pa rin siya upang mas mapalago
ang kaniyang kaisapan at kaalaman para sa mas malawak na pakikipag-
halibulo.

You might also like