You are on page 1of 3

Antonette M.

Gacutan Hulyo 17, 2021


BSC 1-1 Pagsasalin sa Kontekstong Filipino

Ano ang kabuluhan ng pagsasalin sa kontekstong Filipino?

Bago pa man pumailanglang ang sari-saring leggwahe sa mundo, isinalaysay


sa Bibliya ang pagkakaroon ng “isang wika at salita” na siyang naghatid sa mga tao na
magtayo ng isang toreng ang taluktok ay aabot sa langit matapos ang gahiganteng
bahang pumalibot sa sangkatauhan. Gayunpaman, ang yaring tore ay hindi nagsilbing
pangiliw o pagsamba sa Maylikha, kundi ay para sa kaluwalhatian ng tao. Sa nakitang
ito ng Diyos at ipinamalas ng kanyang nasasakupan, lumitaw ang iba’t ibang wika na
siyang naging dahilan ng paghihiwa-hiwalay ng mga tao.

Isa ang wikang Filipino sa nabuong wika na palasak na ginagamit ng mga tao
sa bansang Pilipinas na itinumbas sa wikang Tagalog. Tinagurian itong pambansang
‘lingua franca’ na siyang nagbubuklod sa mga tao sa isang bansa anuman ang
kanilang kinalakihang wika o wikang ginagamit. Ang lingua franca ay ang wikang
naiintindihan ng iba’t ibang grupo ng tao na may kani-kaniyang wika. Sa katotohanang
ang Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa isang daan at pitumpung mga lenggwahe at
dayalekto, ito ang nagsilbing de facto at pundasyon ng karamihan pagdating sa
pagkakaunawaan, pagkakaisa at pag-unlad. Itinalaga ang wikang Filipino bilang
wikang pambansa (opisyal na wika) at mabisang wika na nag-uugnay sa mga tao
upang makapag-usap bilang isang bansa.

Sumasaklaw ang ating opisyal na wika sa ating pagkakakilanlan na naging


batayan ng ating pagpapahalaga sa ating identidad bilang mga pilipino. Ito ang ating
naging sandigan sa pakikipag-ugnayan at pakikipagtalastasan, gayundin ang
pagpapahayag ng mga opinyon at mga saloobin. Sa kariktan na nakapaloob dito ay
naisisiwalat ang mga ideya at mga impormasyong tanging ang mga tagapagsalita
lamang na kayang umintindi at bumigkas sa wikang ito ang nakababatid.

Ang pagsasalin o paglilipat ng mga salita mula sa isang wika, tungo sa isang
wika ay nangangailangan ng pag-unawa sa naunang wika na ating isasalin sa isa
pang pananalita. Kung ating uunawain ang pagsasalin bilang paglilipat ng mga salita
ay hindi masalimuot ang magiging kalabasan ng ating gagawing pagsasalin, sa halip,
ito ay matatawag na ‘solid’ sapagkat walang pagbabagong mangyayari sa kahulugan.
Walang madadagdag o mababawas. Ngunit, ano nga ba ang kabuluhan ng pagsasalin
sa kontekstong Filipino?
Marahil marami ang nagtatanong kung bakit nga ba mahalaga na isalin ang
mga akda, saliksik, o mga pangungusap sa kontekstong Filipino; gayong karamihan
sa mga ito’y nakasulat o ay karaniwang may sipi na sa salitang Ingles na binansagang
“universal language” at kinikilala bilang pangalawang lenggwahe sa ating bansa.
Gayunpaman, mahigit sa kalahati lamang ng ating populasyon ang lulan sa pag-
unawa at pagsasalita ng wikang Ingles. Idagdag pa ang mga salitang may mga
malalalim na kahulugan at mga salitang Filipino na walang direktang pagsasalin sa
wikang Ingles.

Sa kadahilanang ang wikang Filipino ay ang ating wikang ‘komon’, marapat


lamang na isalin sa salitang pamilyar sa nakararami ang mga lathalain o malikhaing
akda. Sa ganoong paraan, nagkakaroon ng kabatiran ang mga Pilipino sa konteksto
ng tekstong kanilang binabasa. Ang pagsasalin ng iba’t ibang saliksik ng mga
Pilipinong siyentipiko tungo sa wikang pambansa ang nagbibigay daan o nagiging
aksesibol sa mga Pilipino ang mga kaalamang kinapapalooban ng mga ito.
Samakatuwid, lahat ng kaalaman na nilikha at isinulat sa iba’t ibang wika ay maaari ng
magamit ng mga Pilipino kung ito’y nakasalin sa wikang kanilang nakagisnan.

Isang mahalagang kasangkapan ang kaalaman sapagkat ito ang siyang


naghahatid sa mga tao tungo sa mas mahusay na kalidad ng buhay. Kaya’t
makabuluhan at makatarungan na maging aksesibol sa mga Pilipino ang mga
kaalaman sa pamamagitan ng pagsasalin ng mga impormasyong ito sa wikang
Filipino. Ang mga bagay na natuklasan ng mga siyentipiko na lingid sa kaalaman ng
mga tao sa Pilipinas ay maaari nilang makuha at mapakinabanagn kung ito ay
kanilang nauunawaan.

Sakop ng mga kaalamang ito ang mga bagay na nagpapabuti at nagbibigay sa


atin ng kaginhawaan, tulad na lamang ng, “paano gumawa ng sabon”, “pag-aaral
tungkol sa klima”, “paano makakapag-ambag sa pangangalaga sa kalikasan”, “anong
insekto ang sumisira sa isang uri ng halaman”, at kung ano pang mga mahahalagang
karunungan na kinakailangan nating taglayin. Ang mga ito, kung ating isasalin sa
wikang Filipino, ay madali ng maiintindihan ng mga Pilipino. Sa madaling salita, ang
pagsasalin sa wikang Filipino ay ang pagtitiyak na maaakses ng mga Pilipino ang mga
kaalaman at pag-aaral ng ating mga siyentipiko at eksperto mula sa iba’t ibang
disiplina.

Bunga nito, nagkakaroon ng kamalayan ang mga Pilipino hindi lamang sa mga
bagay na kanilang dapat makilala, kundi pati na rin sa mga bagay na hindi gamay o
sukat ng kanilang kontrol at kinalalagyan. Halimbawa nito ay ang mga pangyayari na
naganap o nagaganap sa iba’t ibang dako ng mundo, maging ang kasaysayan ng mga
bansa bago pa man mapunta sa ngayon, sa kasalukuyan kung tawagin.
Ipinamamalas ng pagsasalin sa kontekstong Filipino ang pag-unawa at malawakang
pagbabatid sa salitang ‘pagkakaiba-iba’. Bilang ang mundo ay nahahati sa iba’t ibang
mga bansa, kultura, wika, at iba pa, sagana tayo sa mga bagay na hindi madaling
maunawaan o maintindihan ng mga lipon ng mga tao sa isang nasyon dulot ng ating
baryasyon sa isa’t isa. Dito pumapasok ang pagsasalin bilang isang mahalagang
kaparaanan upang ating maiwaksi ang namumuong hindi pagkakaintindihan na dala
ng sari-saring wikang mayroon sa daigdig.

Malaki ang papel na ginagampanan ng pagsasalin ng mga likha o akda sa


kontekstong Filipino sa atin. Sa pamamagitan nito, namumulat tayo at nabibigyang
importansya dahil binigyan tayo ng pagkakataon na mapagtanto ang mga bagay na
dayuhan sa atin, mga pangyayaring hindi saklaw ng ating bansa o nauukol sa ibang
bansa. Ang pagsasaling ito tungo sa ating sariling wika ay nagdadala sa ating mga
Pilipino upang matalastas ang mga kaugalian, kultura, tradisyon, at iba pa ng ating
mga karatig bansa. Dahil dito, namumutawi ang pagkakaintindihan na nagbubunga ng
pagtanggap, pagrespeto, maging ng pagkakaisa bilang mga tao.

Mababakas natin ang kahalagahan ng bawat isa, ng ating mundong


ginagalawan, at ang mga epekto ng mga aksyong ating isinasagawa na nakaaapekto
sa iba sa tulong ng mga akda at mga salitang nakasalin sa wikang ating lubusang
nauunawaan, ang wikang Filipino. Isa sa mga ito ay ang kinakaharap na suliranin ng
ating mundo: ang global warming o ang pag-init ng daigdig. Malaki ang nagagawang
ambag ng pagsasalin upang magkaunawaan ang bawat bansa at makapagbalangkas
ng mga solusyon sa pagpuksa ng nasabing dilema. Ano nga’t mayroon tayong sari-
saring pagkakakilanlan, ang wika, kung mayroon naman tayong instrumento upang
tayo’y magbuklod-buklod bilang mga sangkatauhan sa mundong ito sa tulong ng
kontribusyon ng pagsasalin.

You might also like