You are on page 1of 2

UGNAYAN: NINGNING AT LIWANAG

MAY UGNAYAN SA SANAYSAY:


 Sa bawat sanaysay na ating binabasa, lalo’t higit sa mga pormal na uri, palaging
mayroon itong kaugnayan sa mga isyu.

 Sa unang tingin ay maaring akalain ng isang tao na ang ningning at ang liwanag
ay mayroong parehong kahulugan. Ngunit, ayon sa UP Diksiyonaryong Pilipino
Binagong Edisyon, ang ningning ay matinding sinag o kinang, samantala, ang
liwanag ay bagay na pumapawi ng dilim o tumutulong sa mata upang makakita.
(Villanueva, 2013)

 Ang Ningning at Liwanag ay isinulat ni Emilio Jacinto noong mga panahon na


ang Pilipinas ay sakop ng mga Kastila. Sinulat ito sa paghahangad na maipakita
ang katotohanan at mailarawan ang mga pangyayari noong panahong iyon.
Hanggang ngayon ay hindi parin nawawala ang kahulugan at mensaheng
ipinaparating ng akdang ito.
 Madalas na nabubulag ang mga Pilipino sa ningning at nakaliligtaan na nating
tignan o suriin kung ano ang totoo at kung ano ang tama.

 Masdan ang parte ng sanaysay sa ibaba:

“Sa katunayan ng masamang kaugalian; nagdaraan ang isang karuwahen


maningning na hinihila ng kabayong matulin. Tayo’y magpupugay at ang
isasaloob ay mahal na tao na nakalulan. Datapuwa’y marahil naman isang
magnanakaw, marahil sa ilalim ng kaniyang ipinatatanghal na kahalan at
mga hiya na itinataglay ay nagtatago ng pusong sukaban!”.

 Nagbibigay pugay tayo sa mga


taong lulan ng mga magagara at
nag gagandahang mga sasakyan
ngunit hindi natin alam na kung
minsan ay sila pa yung mga taong
gumagawa ng masama at
nagdudulot ng hapis at pighati sa
atin.

Page | 1
UGNAYAN: NINGNING AT LIWANAG

 Tulad na lamang ng pamahalaang itinatag noong panahon ng pananakop ng


mga Kastila. Tunay na namangha at nagpugay ang mga tao sa mga gobernador-
heneral, mga alcalde-mayor at mga prayle.

 Naakit at nasilaw ang mga tao sa ningning ng kanilang mga kapangyarihan at


kakayahan na maihahalintulad rin natin sa mga pangyayari sa kasalukuyan.

 Maraming mga Pilipino ang patuloy na naaakit at nahuhumaling sa ningning ng


ibang tao. Mas pinagtutuunan ng pansin ang mga gawi, pananamit at
pagmamay-ari na dumarating sa puntong hindi na natin nakikita o napapansin
ang kanilang mga motibo, layunin at tunay na pagkatao. Hindi na natin
napapansin ang mga anomalya at katiwaliang nagaganap sa ating kapaligiran.

 Tulad nga ng sinabi sa akda ni Jacinto:

“Ang Ningning ay nakasisilaw at nakasisira ng paningin. Ang liwanag ay


kinakailangan ng mata, upang mapagwari ang buong katunayan ng mga
bagay-bagay.”

 Masyadong nasilaw ang mga Pilipino noon sa ningning ng mga mananakop na


Kastila. Isang ugaling nadala na ng mga Pilipino hanggang sa kasalukuyan.
Hindi dapat agad na maakit ang mga Pilipino sa ningning dahil tulad nga ng
sinabi sa akda, ito ay maraya. Dapat na hanapin ng bawat isa ng liwanag upang
mapabuti at malaman ang katotohanan.

Page | 2

You might also like