You are on page 1of 6

LEARNER’S ACTIVITY SHEETS (LAS)

Learning Area FILIPINO SA PILING LARANG Grade Level 12


KS1 Quarter 4TH Week IKALAWANG LINGGO

MOST ESSENTIAL LEARNING Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa:
COMPETENCY(MELC) (a) Layunin
(b) Gamit
(c) Katangian
(d) Anyo
OBJECTIVE Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa:
(a) Layunin
(b) Gamit
(c) Katangian
(d) Anyo

LEARNING PHASE TIME LEARNING ACTIVITIES


FRAME
INTRODUCTION Unang pagsubok
Panimula Bago mo pa simulan ang mga gawain sa modyul na ito, susubukin muna natin
ang iyong kaalaman sa paksa.

Panuto: Basahin at sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Isulat ang


tamang sagot sa iyong kwaderno.

1. Isa sa ipinagmamalaki ni Vernice bilang doktor ay ang kahusayan niya sa


pagsulat ng medical report. Anong anyo ng akademikong pagsulatmahusay si
Vernice?
A. Teknikal na Pagsulat
B. Malikhaing Pagsulat
C. Propesyonal na Pagsulat
D. Reperensiyal na Pagsulat

2. Ibinigay na kasunduan ng guro para sa susunod na araw ng klase ang pagsulat


ng tula. Anong anyo ng akademikong pagsulat ang tula?
A. Teknikal na Pagsulat
B. Malikhaing Pagsulat
C. Reperensiyal na Pagsulat
D. Propesyonal na Pagsulat

3. Alin sa mga sumusunod na sulatin ang may kinalaman sa pagsulat ng balita,


editorial, lathalain at iba pa?
A. Teknikal na Pagsulat
B. Malikhaing Pagsulat
C. Dyornalistik na Pagsulat
D. Propesyonal na Pagsulat
LEARNER’S ACTIVITY SHEETS (LAS)
4. Ito ay anyo ng akademikong sulatin na maaaring piksiyon, bunga ng malikot na
imahinasyon o kathang – isip lamang ng manunulat o di kaya naman ay hindi
piksiyon na batay sa mga tunay na pangyayari.
A. Malikhaing Pagsulat
B. Teknikal na Pagsulat
C. Propesyonal na Pagsulat
D. Reperensiyal na Pagsulat
5. Ito ay anyo ng akademikong sulatin na may kaugnayan sa isang tiyak na
propesyon o larangan.
A. Malikhaing Pagsulat
B. Reperensiyal na Pagsulat
C. Teknikal na Pagsulat
D. Propesyonal na Pagsulat
DEVELOPMENT Mga anyo ng Akademikong Pagsulat ayon kay Dr. Mabilin
Pagpapaunlad
1. Malikhaing Pagsulat – Ang layunin ay aliwin, pukawin, antigin ang imahinasyon
at damdamin ng mga mambabasa. Maaari itong piksiyon na bunga ng malikot
na imahinasyon o kathang – isip lamang ng manunulat o di kaya naman ay hindi
piksiyon na batay sa mga tunay na pangyayari. Kinabibilangan ito ng mga
makata, kuwentista, nobelista at iba pa. Ang mga halimbawa nito ay maikling
kuwento, dula, tula, malikhaing sanaysay, pelikula, teleserye, komiks, musika at iba
pa.

2. Teknikal na Pagsulat - layunin nito ay lumutas ng isang komplikadong suliranin,


bumuo ng pag-aaral o proyekto. Malawak ang kaisipang sakop ng ganitong
anyo ng sulatin. Ang feasibility study ay maituturing na isang halimbawa nito.

3. Propesyonal na Pagsulat – may kinalaman sa isang tiyak na propesyon o


larangan ang anyong ito ng pagsulat. Ang paggawa ng ganitong sulatin ay
kadalasang batay sa propesyon o bokasyon ng isang tao.

Ang pagsulat ng police report, lesson plan, medical report at iba pa ay ilan sa
mga halimbawa nito.

4. Dyornalistik na Pagsulat – mga sulating may kaugnayan sa

pamamahayag ang anyo ng ganitong sulatin. Bihasa sa pangangalap at


pagsulat ng mga totoo, obhektibo at makabuluhang mga balitang nagaganap
sa kasalukuyan. Karaniwan itong isinusulat sa mga pahayagan, magasin o kaya
naman ay iniuulat sa radio, telebisyon o maging sa social media gamit ang live
streaming. Ang mga halimbawa nito ay balita, editorial, lathalain, artikulo at iba
pa.

5. Reperensiyal na Pagsulat – layunin nito ay irekomenda sa iba ang mga


sangguniang maaaring pagkuhaan ng mga datos at impormasyon tungkol sa
isang paksa. Karaniwan itong nakikita sa huling bahagi ng isinagawang
pananaliksik o kaya naman ay sa kabanata ng isang tesis o disertasyon na
tumatalakay sa kaugnay na literatura o pag-aaral.
LEARNER’S ACTIVITY SHEETS (LAS)
ENGAGEMENT Gawain 1
Pakikipagpalihan
Panuto: Sa iyong palagay, alin sa mga anyo at katangian ng akademikong
pagsulat ang alam mo na o bihasa ka ng gawin? Alin naman sa mga ito ang
dapat mo pang tutukan at sanayin? Isagawa ang hinihingi ng talahanayan sa
ibaba. Isulat sa kuwaderno ang gawain.

Gawain 2

Panuto: Higit na kilalanin ang mga anyo ng akademikong pagsulat sa


pamamagitan ng pagsusuri ng layunin, gamit at katangian nito.

Gamitin ang talahanayan sa ibaba. Pagkatapos, makipag-usap sa isa mong


kamag-aral. Maaaring sa pamamagitan ng text o chat kung hindi makapag-
uusap nang personal. Pag-usapan ang ginawang pagsusuri, magbahagihan din
kung alin sa mga anyo ng sulating ito ang higit mong kinawilihang sulatin. Isulat sa
kwaderno ang gawain.

Anyo ng Layunin at Gamit Katangian


Akademikong
Pagsulat
LEARNER’S ACTIVITY SHEETS (LAS)

ASSIMILATION Panuto: Ibahagi ang iyong natutuhan tungkol sa anyo, layunin, gamit at katangian
Paglalapat ng akademikong pagsulat. Gamit ang kasanayan sa pagiging mapanuri,
maglahad kung paano ito makatutulong sa isang mag-aaral na katulad mo.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga katanungan.


Piliin at isulat sa kwaderno ang titik ng tamang sagot.

1. Kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, naatasan


ang mga mag-aaral na sumulat ng tula na bibigkasin sa panimulang
palantuntunan. Anong anyo ng akademikong pagsulat ang tula?
A. Malikhain
B. Propesyonal
C. Dyornalistik
D. Teknikal

2. Dahil sa pagkalat ng COVID19, bumuo ng naratibong ulat si Dra.


Vernice Gabriele hinggil sa kanyang mga naging pasyente simula nang
kumalat ang pandemic. Anong anyo ito ng akademikong pagsulat?
A. Malikhain
B. Propesyonal
C. Dyornalistik
D. Teknikal

3. Magkahalong tuwa at pangamba ang nadama ni EJ nang mabasa niya


ang balita sa pahayagan tungkol sa General Community Quarantine sa
Metro Manila. Anong anyo ng akademikong pagsulat ang balita?
A. Teknikal
B. Malikhain
C. Propesyonal
D. Dyornalistik

4. Bumili ng bagong kompyuter si Zedric. Hindi niya alam kung paano ito
gagamitin, laking tuwa niya nang mabasa ang kalakip na manwal sa
paggamit ng kompyuter. Anong anyo ng sulatin ang manwal?
A. Teknikal
B. Malikhain
LEARNER’S ACTIVITY SHEETS (LAS)
C. Propesyonal
D. Dyornalistik

5. Sa pagpapatupad ng “Bayanihan To Heal as One Act” kaugnay ng


COVID19, isa ang pulis na si Sarhento Percie sa nakahuli ng mga
residenteng lumabag dito. Pagdating sa presinto, kaagad niyang ginawan
ito ng police report. Nagpapatunay ito na taglay ng pulis ang kasanayan
sa pagsulat ng __________na anyo ng akademikong pagsulat?
A. teknikal
B. malikhain
C. propesyonal
D. dyornalistik

Inihanda nina:

G. ALLAN M. AGUILAR
Bb. DELAILAH ROSE M. SALAS
Guro sa Filipino

You might also like