You are on page 1of 3

1: Pagsulat ng papel para sa Sariling salita ng taon

Ikaw ay mananaliksik na nagbabalak lumahok sa susunod na kumperensya ng


Sawikaanpara sa mga salita ng Taon. Mag-isip ng salitang ilalahok sa kumperensya.
Ang salita ay dapat na may kabuluhang panlipunan, at malawak-lawak na paggamit
sa midya at/o sa diskurso ng mga mamaamyan sa bansa. Ang inyong papel na
nagtatanggol sa inyong salitang lahok ay kailangang iskolarli (nakabatay sa mga
katiwa-tiwalang sanggunian). nasa ibaba ang balangkas bilang gabay:

Mungkahing Salita ng Taon: “CHAROT”


Mga Kahulugan ng Salita: Ang salitang “charot” ay orihinal na nagmula sa gay
language na ang ibig sabihin ay joke o biro. Madalas nating marinig ang salitang
“charot” na mas pinaikli pa at naging “char.”Tinatawag namang “charotera o
charotero” ang mga taong mahilig magbiro o mambola. Nauso ito higit isang taon na
ang nakalipas at hanggang ngayon ay maririnig pa rin ito mula sa iba’t ibang sulok ng
kanto, classroom, palengke at kung saan man.
Etimolihiya o Puinagmulan ng Salita: Ang mga pinagmulan ng “charot” ay hangal,
walang laman, at katangahan gaya ng mismong salita. Ito ay sub-kultura ng slang
para sa“joke lang.” Ngunit ang bahaging “joke lang” ay isang kasinungalingan ,”
(Gatudla, 2019).
Mayroon na ring iba’t ibang spelling ang salitang “charot” dahil madalas itong
magamit sa mga chat at text messages. Minsan ay “charaught, chauce o chos” na ang
ginagamit upang mas mapa-drama ang epek nito sa makakabasa. Maihahalintulad
ang salitang ito sa salitang “echos” na may kaparehong kahulugan.
Ginagamit na rin ang salitang ito ngayon bilang ekspresyon dahil sa nakakatuwang
tunog nito na masarap sa pandinig. Lalo pang pinaikli ang salitang “charot” at naging
“char” di kalaunan. Hindi na lamang mga kababaihan o binabae ang gumagamit ng
salitang ito ngunit pati na rin ang mga kalalakihan. Ito ay para mas mapasaya ang
bawat pangungusap at hindi maging masyadong seryoso (Munoz 2018).
Ang “charot” ay hindi lamang isang pagbibiro. Mayroon itong nakatagong agyenda
na hindi makikita sa mga ordinaryong magkakaibigan na naglolokohan lamang. Ang
proweba nito ay makikita sa reaksiyon ng nagsabi ng “charot” : pagkapoot o
pagtamtampo kung ang isang biro na inilahad o inalok ay hindi tinanggap o hindi
sineryoso.
Ang awtor ng “Get Real Philippines” na si “benign0” ay nagsabi na ang “charot” ay
isang “a disturbing symptoms of a deeper malaise.” (“The word ‘charot’ reflects
Philippines society’s cowardly COP-OUT culture”, October 2019). Sa totoo lang “Why
say something if you don’t intend to mean it? That, in essence, is the dishonest
underpinnings of Charot Culture,” (Gatudla, 2019).
Mga Halimbawa ng Aktwal na Paggamit ng Salita sa Pangungusap, Diskurso, Midya,
at iba pa.
Diskurso
Midya

Politika
Ang “charot” ay isang kolokiyal na salitang Filipino na ang ibig sabihin ay
“patawa” o joke o isang bagay na huwag bigyan ng pansin.” Ang kampo
naman ni Binay ay bumuwelta kay Lacierda at ito naman ang kanilang
reaksyon sa SONA ni PNoy:” Ang SONA ng pangulo ay chaka ever sa madlang
pipol dahil hindi trulalu.” Ang wikang ito ay gay-lingo na ibig sabihin ay “ Ang
SONA ng pangulo ay pangit sa mga tao dahil hindi makatotohanan,”
(Maganes, 2015).
Kabuluhang Panlipunan ng Salita:
Mula sa isang makulay na kasaysayan ng salitang “charot”, ngayon ay maaari na rin
itong pagmulan ng isang hugot . Kung noon ay isa lamang itong biro o joke na
madalas gamitin sa masasayang pag-uusap, ngayon ay maaari na rin itong maging
sanhi ng isang masaklap na karanasan. Kasi yung tipong nagkaaminan na ng
nararamdaman, yung tipong nahuhulog ka na sa mga paandar niya, yung tipong
naniniwala ka na sa mga sinasabi niya, sabay sabi niya sa huli, “uy charot lang,”
(Munoz 2018).
Marami sa mga gumagamit ng “charot” ay hindi talaga ginamit bilang isang biro.
Kalimutan sa ngayon ang dictum na “mga biro ay kalahating katotohanan,” isang
pag-iisip na masyadong banayad para sa mga taong gumagamit ng paksa nito
(Gatudla, 2019).
Iba pang Argumento Pabor sa inyong lahok:
Ang salitang charot ay nagmula sa mga banyagang salitang “hot car”. Ito ay base sa
pelikulang pinagbidahan nina Roderick Paulate at Vilma Santos 30 taon na ang
nakalipas. Ang pelikula ay pinamagatang “Charot”. Pambungad sa pelikulang ito ay
isang charot o hot car. Ang salitang ito ay imbento lamang ng mga tagasulat ng
pelikula, at kalaunan ay naging tanyag na bilang isang salitang balbal na gamit na ng
mga pangkaraniwang tao.
Ito ay isa sa pinakamatagumpay na pagganap ni Roderick Paulate bilang isang
bading. Dahil sa karkter ni Roderick Paulate at paggamit ng salitang charot sa mga
linya at pamagat ng pelikula, naging salita na ng mga bading o nang mga kaibigan
natin sa LGBTQ+ ang salitang charot. Dito nagsimulang tanggapin ang silang charot
bilang isang salitang nangangahulugan ng pagbibiro o pagiging hindi seryoso.
Kalaunan ay ang salitang charot ay nagkaroon na nang iba’t ibang bersyon kagaya ng
mga salitang “charing”, “charito”, “chuvar” at “char”. Iba-iba man ang bersyon
depende sa pinanggalingang lugar, isa lang nagiging kahulugan nito (Star For All
Seasons, 2012).

You might also like