You are on page 1of 4

10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Markahan 1

Capsulized Self-Learning
Empowerment Toolkit

Schools Division Office of Zamboanga City


Region IX, Zamboanga Peninsula
Zamboanga City

HINDI IPINAGBIBILI
Para sa Tanging Gamit ng Sangay ng Lungsod ng Zamboanga

“Unido, Junto avanza con el EduKalidad Cree, junto junto puede!”


ASIGNATURA AT
EsP 10 MARKAHAN 1 LINGGO 4 ARAW ____________
BAITANG
dd/mm/yyyy
CODE EsP10MP-Ic-2.4
KASANAYANG
Nakagagawa ng angkop na kilos upang itama ang mga maling pasiyang ginawa.
PAMPAGKATUTO
PANGKALAHATANG PANUTO: Huwag sulatan ang kagamitang ito. Isulat ang inyong sagot sa
inilaang Sagutang Papel para sa Pagsasanay at Pagtatasa.

ARALIN NATIN
Layunin: Nakabubuo ng angkop na kilos upang maitama ang maling pasiyang ginawa.
Paksa: Pagtama sa Maling Pasiya
Paano nga ba mahuhubog ang konsensiya ng tao upang kumiling sa mabuti at ang maling pasiya ay
maitama? Basahin at unawain ang teksto sa loob ng mga kahon.

1. Matapat at masunuring isagawa ang paghahanap at paggalang sa


katotohanan
a. Kilalanin at pagnilayan ang mga tunay na pagpapahalagang moral
na sangkot sa isang kilos. Tinitimbang ng mga mapanagutang tao ang
mga katotohanan bago kumilos sa halip na sinusunod lamang ang
sariling kapritso at maling palagay.
b. Suriin ang mga sariling hangarin upang matiyak na kumikilos mula
sa mga mabuting layunin at hindi mula sa makasariling interes.
c. Unawain at pagnilayan ang mga karanasan at hamon ng buhay.
Kung sapat ang panahon na inilalaan ng isang kabataan sa pagninilay
sa mga bagay na nagawa niya sa bawat araw, mas magiging mulat
siya sa kaniyang mga pagkukulang o pagmamalabis.
d. Alamin at unawain ang mga talakayan tungkol sa mga
napapanahong isyung moral at mga implikasyong panlipunan ng mga
ito. Mahalagang kilalanin ang mga pagpapahalagang nilabag ng mga
ito.

2. Naglalaan ng panahon para sa regular


na panalangin. Hinuhubog natin ang
konsensiya kapag nagdarasal tayo. Ang
regular na pakikipag-ugnayan sa Diyos sa
takdang oras sa bawat araw ng
nakatutulong sa pagpapanatag ng
kalooban, paglinaw ng pagiisip, at
kapayapaan ng puso.

Pagtatasa ng Pagkatuto1: Ano-ano ang mga hakbang na magagamit sa pagtama sa mga maling
pasiya?
Pagtatasa ng Pagkatuto2: Gaano kahalaga na maitama ang maling pasiyang ginawa? Ipaliwanag
o maaaring magbigay ng halimbawa.

“Unido, Junto avanza con el EduKalidad Cree, junto junto puede!”


SANAYIN NATIN !
(Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.)

Panuto: Itala ang mga kilos na:


 Kailangang ihinto/itigil
 Ipagpatuloy na gawin
 Simulang gawin

Stop doing:

Keep doing:

Start doing:

1.Ano ang iyong naging realisasyon sa natapos na gawain?


2.Sa iyong palagay, paano mo ihihinto, ipagpapatuloy at
uumpisahan ang mga gawain na iyong itinala?

TANDAAN
MAHALAGANG KONSEPTO

 Ang katotohanan ay nangangahulugan ng


pag-unawa sa mga bagay na umiiral.
 Kumikilos tayo nang may pananagutan.
 Ang pagbubukas ng kalooban sa
pagunlad ng pananampalataya at
espiritwalidad ang kinakailangan.

“Unido, Junto avanza con el EduKalidad Cree, junto junto puede!”


SUBUKIN NATIN
Sukatin ang iyong natutuhan !

(Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.)

Panuto: Gumawa ng islogan tungkol sa pagtama na maling pasiya.

Huling Paalala: Pagkatapos mo sa gawaing ito, ibigay sa iyong guro ang sagutang papel para sa
mga pagsasanay at pagtatasa at kumuha ng panibagong CapSLet.

https://www.netclipart.com/search.html?k=traffic+lights, Retrieved June 24,


2020. https://www.netclipart.com/down/ixbhwTx_transparent-blank-paper-
png-construction-paper/, Retrieved June 24, 2020.
Sanggunian https://www.netclipart.com/isee/xxTxJT_-islam-pray-cartoon/, Retrieved
June 24, 2020. https://www.netclipart.com/isee/iTbmoJ_praying-hands-
prayer-lds-clip-art-child-clip/, Retrieved June 24, 2020. Edukasyon sa
Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral pp. 58-59
This learning resource contains copyrighted materials. The use of which has not
been specifically authorized by the copyright owner. We are making this learning
resource in our efforts to provide printed and e-copy learning resources available for
the learners in reference to the learning continuity plan of this division in this time
DISCLAIMER:
of pandemic. This LR is produced and distributed locally without profit and will be
used for educational purposes only. No malicious infringement is intended by the
writer. Credits and respect to the original creator/owner of the materials found in
this learning resource.

Ihinanda ni:

RUMIL B. ESTINOPO
Zamboanga National High School-West
“Unido, Junto avanza con el EduKalidad Cree, junto junto puede!”

You might also like