Professional Documents
Culture Documents
Profed8 Maulawin Beed3b Julianstory Script
Profed8 Maulawin Beed3b Julianstory Script
SCRIPT WRITERS:
GRACE ANN MONECIA
PAULENE PAMATMAT
NHERZEN MAULAWIN
SOUND EFFECTS:
Cut and extend audio – IVY MOGOTE
Special effects – LEI ANN PASCUAL
Set of moods effects – MARIEN SOSA
MAIN CHARACTERS:
N – narrator KATE LIWANAG
J – julian SHAWN ORTEGA
B – father LAICA REPIZO
G – mother JESSA JUYO
SUPPORTING CHARACTERS:
T – Sped Teacher ROSELYN VALLENTE
P- Pediatrician JIEZEL LINTAC
DS – development specialist JOANA PAPA
TT- therapist ANGELIKA TUBIG
M1 – mag aaral 1 JANE LUCBAN
M2 – mag aaral 2 TISHA PRICIPE
SCRIPT:
N: ang bawat isa ay nagnanais na magkaroon ng sariling pamilya. Ngunit
gaano ka ba patatatagin ng iyong pananampalataya upang malampasan ang
mga pagsubok na dumarating sa iyong buhay.
( happy sounds)
N: masayang nagsasalo ng hapunan ang magkasintahan sa tabing dagat, na isa
kanilang mga pagmamay-ari.
(Sound effect)
B: Mahal ko?
(Love songs)
N: labis ang galak ng ama ng mahawakan ang kanyang munting anghel. Hindi
matapos na pasasalamat sa Diyos ang kanyang sinasambit.
N: makalipas ang ilang araw ay nakauwe na ang mag ina sa kanilang bahay.
Naging masaya ang kanilang pagsasama, ang pamilya ng Montalve ay nagging
buo at masaya kapiling ang kanilang pinaka mamahal na anghel. Tila ang lahat
ay perpekto na labis pa sa kanilang pinangarap.
G: sa tuwing siya ay iiyak hindi siya mapatahan halos mapaos na siya sa pag
iyak ngunit ayaw nya pading tumigil. Wala naman siyang lagnat, may masakit
kaya siyang dinadaing?
B: mahal bakit nanaman ba? Tingnan mo nga ang ating anak napaka lusog
niyang tingnan hindi ba mukha ba siyang may sakit?
B: ano kaba mahal wag kang mag alala ng husto hindi iyan makakabuti sa iyo.
Maayos ang kalagayan ng ating anak, normal lang siya. Siguro ay sadyang iba
iba ang proseso at kaganapan sa paglaki ng isang bata.
N: naniwala ang ina sa kanyang asawa, muli ay binaliwlaa nalang niya ang
agam agam sa kanyang puso ukol sa kalagayang ng kanilang anak.
N: lumipas ang unang kaarawan ni Julian at walang paglagong nakikita ang
kanyang ina. Ganoon padin siya, parang napakabagal ng pag unlad ng kanyang
physical at mental na aspeto. Labis nang nabahala ang ina at gayon din ang
ama ng siya na mismo ang makapuna na may kakaiba nga sa knilang anak.
Lumipas ang ilan pang buwan at minabuti na ikonsulta ito sa kanilang
pediatrician.
G: mahal hindi na normal ito, hindi ko na kayang antayin na mas lumala pa
siya. Marahil ay bago lamang ako sa pagiging ina ngunit alam ko na may hindi
tama sa ating anak may mali sa kanya.
B: napansin ko na nga din na waring may mali sa kanyang paglaki. Ano ang
nais mong manyari mahal?
P: misis kaya po ganoon ang inyong anak ay maaari at Malaki ang posibilidad
na mayroon siyang intellectual disability o mas kilala sa tawag na mental
retardation. I re-refer ko kayo sa isang development specialist na mas
makakatulong kay Julian.
DS: wag po kayong mabahala may mga paunang lunas po tayo na maaaring
ibigay sa kanya. Maaari natin siyang isailalim sa occupational theraphy.
B: Mabuti naman po kung ganon . kung ano ang sa tingin ninyong makakabuti
para sa aming anak ay gawin nyo po. Kahit na sa magkanong halaga ay ilalaan
po naming maging maayos lamang po ang kniyang kalagayan.
B: oo naman mahal dahil mayroon silang SpEd program doon. Naroon ang
mga guro na sadyang inaral kung paano magturo sa mga tulad ng anak natin.
Mayroon silang sapat na kakayahan at kaalaman upang mapalago ang ating
anak. Kailangan din ito ng ating anak upang kahit papano ay magkaroon siya
ng proper development ang kaniyang sarili.
TT: good morning Mister and Misis Montalve, ayon po sa aming obserbasyon
ay maaari po nating isa ilalim sa Speech therapy si Julian upang mas ma
develop pa ang kaniyang magsasalita. Makakatulong ito upang mas lalo siyang
maging tuyag at maayos magsalita.
G: sige po iyan po ang makakabuti sa aming anak ay gawin nyo po. Maraming
salamat po.
M: opo , yehey (medyo magulo at hindi sabay sabay sa pagsagot ngunit labis
ang kasiyahan at excitement).
J: opo Ma’am
T: now, pede nyo nang ihulog sa tamang kahon nila kung aling shapes sila . isa
isa lang ang paghulog sa box. (sound effect na naghuhulog sa box )
N: nang matapos ang activity ay napansin ng guro na paunti unti habang mas
pinabibilis niya nag instruction na binibigay ay mas mabilis itong nauunawaan
ni Julian. Nagsimula nadin magkaroon si Julian ng confidence sa kanyang
sarili. Natuto na siyang makipag kaibigan at makisalamuha sa ibang tao.
Lumawak nadin ang kanyang vocabulary kaya’t mag impove nadin ang
kanyang pagsasalita. Kitang kitang ang kanyang malaking development.
J: ako po Ma’am
T: sige Julian
J: babatiin po naming sila ng Good morning visitors o pwede din pong
magandang umaga Ma’am o Sir. Pagkatapos ay tatahimik po kami kung kayo
po ay may pag uusapan.
T: mahusay Julian , tama ang iyong sinabi. Halika at bibigyan kita ng stars.
Naunawaan nyo ba ang sinabi ni Julian mga anak?
M: opo,
J: daddy, mommy ayaw ko ng mag aral. Tinutukso lamang nila ako, dito nalang
po ako sa bahay. Ayaw ko ng lumbas at ayaw ko ng mag aral.
Ngunit nang umedad siya ng labing walong taon ay napapayag nila na siya ay
mag enroll sa isang transisition class na kung saan ang kanyang Functional
skill naman ang hahasain at pauunlarin.
G: mahirap sa totoo mahal na makita na iba siya kumpara sa ibang mga bata
pero hindi ibig sabihin noon ay dapat na natin siyang ikahiya o itago.
B: tama mahal biyaya siya mula sa Diyos isa siyang espesyal na regalo sa atin.
Upang mas lalo pang lumalim ang ating pananampalataya at pagmamahal sa
Panginoon. Napaka swerte natin at tayo ang nagging magulang niya.