You are on page 1of 14

Modyul 3: Pananakop ng Japan at ang Kapanganakan ng Bagong Republika

Mga Paksa:
1. Mga Alaala ng Pananakop ng Japan sa Pilipinas
2. Pamumuhay at Pera sa Panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
3. Pagtatatag ng Republika matapos ang Digmaan
4. Mga Kondisyon ng Kasarinlan base sa Philippine Trade Act
at Military Bases Agreement

Tema: D. Karapatan, Pananagutan at Pagkamamamayan


E. Kapangyarihan, Awtoridad at Pamamahala

Bilang ng Oras: walo (8)

Alignment Matrix

Paksa Sanggunian Ano ang kakayahang Saang gawain Anong level of Bilang ng
nakapaloob makakamit ang assessment oras
sa sanggunian? kakayahan? nakapaloob ang
gawain?

Mga Alaala ng Minyong 1. Nasasalaysay ang kondisyon Gawain 1 Knowledge 1


Pananakop ng Ordoñez, ng mga Pilipino sa panahon Gawain 2 Skills/Processes
Japan sa Pilipinas We World War ng pananakop Gawain 3 Understanding 1
II Kids can still ng mga Hapones
Remember,
2011

Pamumuhay at Political 2. Nailalarawan ang Gawain 4 Knowledge 1


Pera sa Panahon Cartoon at pamumuhay ng mga Gawain 5 Skills/Processes
ng Ikalawang Pera ng Hapon Pilipino noong Ikalawang Gawain 8 Understanding 1
Digmaang Digmaang Pandaigdig
Pandaigdig
3. Nasusuri ang mga epekto ng Gawain 2 Skills/Processes
pananakop ng Japan sa Gawain 3 Understanding
Pilipinas Gawain 5 Skills/Processes
Gawain 6 Understanding

4. Napahahalagahan ang mga Gawain 2 S/P/U


naranasan ng mga Pilipino Gawain 3 Understanding
sa panahon ng digmaan Gawain 6 Understanding
Gawain 9 Understanding 1

5. Nababasa ang biswal na Gawain 4 Knowledge


sanggunian, ang mga pisikal Gawain 5 Skills/Processes
nitong katangian at ang Gawain 6 Understanding 1
kahulugan at mensaheng Gawain 7 Knowledge
napapaloob sa mga ito
Pagtatatag ng Tydings- 6. Naipaliliwanag ang Gawain 10A Knowledge
Republika McDuffie Act, nilalaman ng mga batas at Gawain 10B
matapos ang 1935 kasunduan kaakibat sa Gawain 10C
Digmaan pagtatag ng Republika ng
Pilipinas noong 1946

7. Nasasagot ang mga tanong Gawain 10A,B,C Knowledge


tungkol sa sanggunian Gawain 11 Skills/Processes

Mga Kondisyon Philippine Trade 8. Nabubuo at naiaayos ang Gawain 11 Skills/Processes 1


ng Kasarinlan Act, 1946 buod ng impormasyon mula
base sa Military Bases sa mga sipi gamit ang
Philippine Trade Agreement, sariling salita
Act at Military 1947
Bases Agreement 9. Nahihinuha ang mga datos Gawain 11 Skills/Processes
upang bumuo ng
konklusyon

10. Naipahahayag ang mga Gawaing- Understanding 1


nararapat na katangian at Paglalapat
hakbangin bilang
mamamayan sa pagkamit
ng mas matatag na
soberanya ng bansa

Pagganyak
a. Ipaskil ang mapa ng daigdig. Ipaturo ang lokasyon ng Pilipinas, Japan at United States.
b. Itanong ang kaugnayan ng tatlong bansa sa kasaysayan ng Pilipinas batay sa kanilang napag-
aralan sa nakalipas na modyul at nabasa sa batayang aklat.
c. Ipaskil ang callout icon. Ipabasa ang panuto sa modyul pahina ___.
d. Bigyan ng kaukulang minuto ang mga mag-aaral sa paglagay ng sagot sa callout icon na itatala sa
kapirasong papel. Mga Inaasahang sagot ng mag-aaral: Natatakot ako! Ano ang mangyayari sa
Pilipinas? Lalaya pa ba tayo? Paano na ang ating kabuhayan?

e. Ipasagot ang pamprosesong tanong. Ang sumusunod ang inaasahang sagot sa mga ito:
1. Opo, tunay na naganap ito. 1941-1942
2. Natakot/ nangamba/ nag-alala sa magiging kahihinatnan ng bansa.

f. Ipaliwanag ang pangkalahatang tanong sa pagtalakay at pagsuri ng mga primaryang sanggunian


sa modyul. Ang tanong ay “Paano mo mailalarawan ang naging kondisyon ng mga Pilipinong
nakaranas ng pamamahala ng mga Hapones?”
g. Ipabasa ang mga kakayahan na inaasahang makakamit sa pag-aaral ng Modyul 3.

Pagtalakay sa Panimula
a. Talakayin ang panimula at kontekstong pangkasaysayan tungkol sa pananakop ng Japan at
kapanganakan ng bagong republika. Maaaring gumamit ng mapa ng daigdig at mga larawang
may kaugnayan sa pagsalakay ng mga Hapones hanggang sa panahon ng kanilang pamamahala
sa Pilipinas.
b. Ipaunawa ang timeline at graphic organizer na nasa Panimula.
c. Magbigay ng maikling pagsubok upang matiyak na naunawaan ng mga mag-aaral ang
kontekstong pangkasaysayan.

Pagsuri sa mga Sanggunian:

Mga Alaala ng Pamamahala ng Japan ng ilang Karaniwang Pilipino


Sanggunian 1: We World War II Kids Can Still Remember

a. Ipabasa ang Sanggunian 1 – We World War II Kids Can Still Remember.


b. Bigyang-diin ang mga salita na nasa glosari.
c. Ipasagot ang sumusunod na gawain:

Gawain 1 – Pagbalik-Tanaw
1. Minyong Ordoñez 7. d
2. 5 taong gulang 8. c
3. Hapones 9. b
4. Majayjay, Laguna 10. Makapili
5. Naging malupit ang mga Hapones 11.
sa pananakop at pamamahala 12. Oo
sa Pilipinas. 15. Hindi
6. a

Gawain 2 – Para sa Akin


Mga inaasahang sagot:

Bakwet:
- Mahirap ang sitwasyon dahil naging malupit ang mga Hapones sa pakikitungo sa mga Pilipino.
- Hindi hadlang ang kanilang naging karanasan upang muling makamit ang maayos at
mapayapang pamumuhay

Tinubig:
- Malaking paghihirap at pagdurusa ang naramdaman ng mga Pilipino.
- Hindi sila naging makatao at makatarungan sa mga Pilipino at hindi na nararapat na maulit ang
pangyayaring ito.

Makapili:
- Taksil, walang malasakit sa kanyang mga kababayan.
- Oo dahil kumampi siya sa mga Hapones na humadlang sa pagkamit ng kalayaan ng bansa at
nagmalabis sa kanilang kapangyarihan.
Gawain 3 – Aral ng Kasaysayan
Mga inaasahang sagot:

1. Naghirap ang mga Pilipino dahil bagsak ang ekonomiya at huminto ang kalakalan.
Naging kalunos-lunos ang kanilang naging pamumuhay dahil sa pagmamalupit ng mga
Hapones.

2. Oo. Isang patunay ay ang pagtangkilik sa kultura at mga produktong gawa ng mga Hapones.

3. (Batay sa sagot ng mag-aaral) Oo, dahil hindi na mababago pa ang naganap na at nagsisi na
ang mga Hapones sa kanilang ginawa noong panahong iyon.

4. Hindi, dahil nananatili pa rin ang mga hindi malilimutang karanasan at salaysay ng mga
Pilipino nakasaksi at nakaranas nito.

5. Walang mabuting dulot ang digmaan at pananakop sa tao./ Nararapat na bigyang-halaga


ang mga karapatang pantao tulad ng pagiging malaya, mamahala, magmay-ari at iba pa./
Maging mabuting mamamayan.

Pamumuhay at Pera sa Panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig


Sanggunian 2 - “Not So Funny”, Political Cartoon.

a. Talakayin ang paksa tungkol sa pamumuhay ng mga Pilipino sa panahon ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
b. Bigyang-pansin ang Sanggunian 2 - “Not So Funny”, Political Cartoon.
c. Isunod ang gawaing pangklase na pinamagatang “Analyzing a Political Cartoon Series 2”.
Isaalang-alang ang sumusunod na panuto:
1. Hatiin ang klase sa dalawang pangkat. Ang bawat pangkat ay muling hahatiin sa mas
maliliit na pangkat na may tatlong miyembro (triad).
2. Ipahanda sa bawat triad ang isang buong papel na gagamitin sa pagsagot ng mga
gawain.
3. Pagtuunan ng pansin ng Pangkat 1 ang ilustrasyon A sa Sanggunian 2. Samantala,
ang ilustrasyon B naman ang para sa Pangkat 2.
4. Ipasagot sa triad ang Gawain 4 at 5 batay sa itinalagang ilustrasyon sa bawat
pangkat. Ipaalala na ang bawat triad ay dapat magkasundo sa iisang sagot lamang.
5. Ihanda ang klase sa pagtalakay ng dalawang political cartoon batay sa sagot ng mga
piling triad.
6. Isunod ang pagsusuri ng sanggunian gamit ang mga tanong sa Gawain 6.

Mungkahi sa guro:
Sa mas epektibong pagtalakay ng sanggunian, palakihin ang political cartoon. Ipaskil
sa pisara at gumawa ng tsart batay sa Gawain 4 at 5 sa modyul.
d. Mga inaasahang sagot sa mga gawain:

Political Cartoon, Ilustrasyon A:


Gawain 4 – Pagtukoy sa Nilalaman ng Political Cartoon
1. Sundalong Hapones, batang nakagapos, dalawang taong nag-uusap, sundalong may
bayoneta
2. Caption: “Just one of those guerrilla suspects.”

Gawain 5 – Simbolismo sa Political Cartoon


Unang Tsart:
Sundalong Hapones – malupit na pakikitungo sa mga sibilyan
Batas nakagapos – pinagmamalupitan kahit inosenteng tao
Dalawang taong nag-uusap – Agarang paghuhusga nang hindi tiyak ang tunay na nangyari
Sundalong may bayoneta – pagiging malupit sa pagpapatupad ng batas

Pangalawang Tsart:
guerrilla suspects – Patungkol sa bata na pinaghinalaang may kaugnayan sa mga gerilya.
Ipinahihiwatig na maaaring maparusahan at mapagmaluputan kahit mga inosenteng tao

Pangatlong Tsart:
Mukha ng batang nakagapos – takot na takot; nangangamba kung ano ang mangyayari sa kanya.
Mukha ng sundalong Hapones – matapang; nagpapakita ng pagiging mabagsik
Mukha ng nakatayong tao – nagpapakita ng pagkagulat; may pagtataka sa nakitang sitwasyon

Gawain 6 – Mensahe ng Political Cartoon


1. Paghuli sa pinaghihinalaang miyembro ng gerilya
2. Kahit inosenteng tao, maaaring mapahamak at maparusahan
3. Oo, dahil tunay na nangyari ang ganitong sitwasyon.
4. Dalawang taong nag-uusap – Hindi dapat maghusga sa hindi tiyak ang tunay na
dahilan/pangyayari

Political Cartoon, Ilustrasyon B:


Gawain 4 – Pagtukoy sa Nilalaman ng Political Cartoon
1. Sundalong Hapones, Pinunong Hapones, Pilipinong nakagapos
2. “He crossed the city boundary with a pocketload of rice.”

Gawain 5 – Simbolismo sa Political Cartoon


Unang Tsart:
Pilipinong nakagapos – Pilipinong pinahirapan dahil sa pinaghinalaang nagnakaw ng bigas
Sundalong Hapones – nagpapakita ng kalupitan sa mga Pilipino
Pinunong Hapones – nagpapakita ng pagsang-ayon sa ginawang pagparusa sa Pilipino

Pangalawang Tsart:
pocketload of rice – Dahil lamang sa nakitang bigas sa bulsa ng Pilipino, malupit ang naging
parusa sa kanya.
Pangatlong Tsart:
Mukha ng Pilipinong nakagapos – hirap na hirap sa naging parusa sa kanya; nagpapakita rin ng
pagiging inosente sa ibinibintang sa kanya.
Mukha ng sundalong Hapones – nagpapakita na walang pagsisisi sa kanyang pagpaparusa

Gawain 6 – Mensahe ng Political Cartoon


1. Pagparusa sa pinaghinalaang nagnakaw ng bigas
2. (Malaya ang mga mag-aaral na makapagpahayag ng kanilang mga opinyon sa tulong ng
matalinong gabay ng guro.) Malupit ang nagiging parusa sa mga pinaghihinalaan na
nagkasala.
3. Oo, dahil tunay na nangyari ang ganitong sitwasyon.
Pilipinong nakagapos – Hindi nararapat na mangyari ito dahil nagpapakita ito ng kawalan ng
karapatang pantao

Sanggunian 3 – Japanese Invasion Money Notes

a. Ipabasa ang panimula tungkol sa paksang “Pera ng Pilipinas sa Panahon ng mga Hapones”.
b. Ipatala ang mga mahahalagang terminolohiya sa panimula. Ilan sa maaaring sagot ay Japanese
government-issued fiat peso, mickey mouse money at Block Letters. Hayaang ipaliwanag ng mga
mag-aaral ang naitalang salita.
c. Bigyang-pansin ang Sanggunian 3 - Japanese Invasion Money Notes
d. Ipasagot ang sumusunod na gawain:

Gawain 7 – Pagtukoy sa Artifact


1. Pera ng mga Pilipino sa panahon ng mga Hapones
2. Bagay na tuwirang ginamit ng mga Pilipino sa panahong iyon.
3. Nakasulat na “Japanese Government”
4. Simbolo ng Philippine Peso at bantayog ni Rizal
5. “P” para sa Pilipinas; “L” bilang pang-12 sa mga salaping papel na inilabas ng mga Hapones

Gawain 8 – Pagsuri ng Sanggunian


1. Upang gamitin ng mga Pilipino sa pagbili ng kanilang pangangailangan
2. Upang isipin ng mga Pilipino na hindi kaaway ang mga Hapones at may malasakit sila sa mga
Pilipino
3. Dahil halos walang halaga ang salapi at maitutulad lamang sa play money
4. Halos walang halaga ang mickey mouse money samantalang may tiyak na halaga ang salapi
sa kasalukuyan.
5. Magtipid, mag-impok, gastusin sa wastong paraan

e. Pagkaraang talakayin ang Gawain 7 at 8, ipaguhit sa bond paper ang Gawain 9 – Pinoy Idol of the
Year. Bigyan ng kaukulang minuto ang mga mag-aaral sa pagkumpleto ng human icon organizer.

Mungkahi sa guro: Maaaring gawing takdang-aralin ang pagguhit ng human icon organizer sa
bond paper at pagsagot ng mga tanong sa Gawain 9.
f. Ipaskil ang isang malaking human icon organizer sa pisara.
g. Isunod ang pangkatang gawain na pinamagatang “Pinoy Idol of the Year”.
Isaalang-alang ang sumusunod na panuto:
1. Hatiin ang klase sa sampung pangkat. Pipili ng dalawang mag-aaral na magsisilbing
facilitator at tagatala sa bawat pangkat. Ang facilitator ang mangunguna sa daloy ng
pangkatang gawain.
2. Bigyan ng kaukulang minuto ang mga miyembro ng bawat pangkat na maibahagi
ang kanilang nabuong human icon organizer.
3. Ipalista sa tagatala ang dalawang pinakamahalagang sagot sa bawat tanong sa
organizer.

h. Isunod ang talakayan at pagbubuo ng human icon organizer sa pisara batay sa inilista ng
secretary ng bawat pangkat.
i. Ipaugnay ang nabuong organizer sa pamagat ng pangkatang gawain na “Pinoy Idol of the Year”.
Ang sumusunod ay mga mungkahing tanong:
1. Ano ang iyong masasabi sa mga katangian ng Pilipinong nabuo sa human icon
organizer?
2. Maituturing ba siya na Pinoy Idol of the Year? Bakit mo nasabi?
3. Kaya ba ng tunay na Pilipino ang maging Pinoy Idol batay sa nabuong organizer?
Patunayan.
4. Maaari ka bang maging Pinoy Idol ng iyong mga kamag-aral? Sa paanong paraan?

j. Inaasahang sagot sa Gawain 9:


a. Maging makatao at igalang ang karapatan ng kapwa./ Iwasan ang maging dahilan ng
ikapahahamak ng iba.
b. Huwag hayaan na ipagwalang bahala ang aking mga karapatan.
c. Ako ay Pilipino at ito ang aking lahi.
d. Huwag hayaan na tuwirang makialam ang mga dayuhan sa Pilipinas/Ipagtanggol ang
teritoryo ng bansa/

k. Ipapasa ang mga indibidwal na gawang human icon organizer. Isaalang-alang ang pamantayan sa
pagmamarka ng organizer gamit ang rubric sa pahina ______.
Pagtatatag ng Republika matapos ang Digmaan
Mga Kondisyon ng Kasarinlan base sa Philippine Trade Act at Military Bases Agreement

a. Sa pagtalakay sa bagong yugto sa kasaysayan ng Pilipinas, ipaskil ang episodic organizer bilang
balik-aral.

Pagtatag
ng Ikatlong Republika Pananakop
ng Japan

Panahon Pamamahala
ng Komonwelt ng United States
sa Pilipinas

b. Ipasagot ang episodic organizer na pinamagatang “Chronology Drill Level Up”. Isaalang-alang
ang sumusunod na panuto para sa drill na ito:

1. Ayusin ang mga pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod sa pamamagitan ng paglalagay


ng arrow sa mga bilog. Ito ang sagot.

2. Punan ang kahon ng mga angkop na salita o detalye tungkol sa nasabing pangyayari. Ang
sumusunod ay mga mungkahing salita o detalye na maaaring itala sa kahon ng bawat
pangyayari:
Benevolent Assimilation, Pangulong Quezon, 10 taong transisyon
mickey mouse money, Flag Law, Diyembre 8, 1941

a. Sa pagtatapos ng gawain, ipabigyang-pansin na walang salita o detalye ang itinala sa loob ng


kahon para sa Ikatlong Republika. Ito ay dahil ang susunod na talakayan ay patungkol sa Ikatlong
Republika.

b. Bago talakayin ang Sanggunian 4, linawin sa mga mag-aaral ang dahilan ng pagkakabilang ng
Tydings-McDuffie Act sa modyul na ito. Isaalang-alang ang sumusunod na paglilinaw:
1. Talakayin ang maikling kasaysayang may kaugnayan sa Tydings-McDuffie Act batay
sa sumusunod na datos:
1934 – Ipinasa ang Tydings-McDuffie Act na nagsasaad ng mga probisyon tulad ng:
a. Pagkakaroon ng halalan ng mga kinatawan na magiging miyembro
ng Kumbensyong Konstitusyunal na bubuo ng Saligang Batas ng
Pamahalaang Komonwelt.
b. Pagpasa ng Saligang Batas na nabuo ng kumbensyon sa pangulo ng
United States upang tiyakin kung naaayon ito sa mga probisyon ng
Tydings-McDuffie Act.
c. Pagkakaroon ng plebisito upang pagbotohan ng mga mamamayan
kung tatanggapin o tatanggihan ang nabuong Saligang Batas.
d. Pagsagawa ng halalan sa pagkapangulo at ang inagurasyon ng
Pamahalaang Komonwelt.
e. Pagkilala ng United States sa Pilipinas bilang isang nagsasariling
bansa pagkaraan ng sampung taon na transisyon.

1941-1945 – Naganap ang pananakop at pamamahala ng Japan sa Pilipinas.


1944 – Nanumbalik ang Pamahalaang Komonwelt kung saan si Pangulong Sergio
Osmeña ang pangulo.
1945 – Sumuko ang mga Hapones sa Allied Forces.
1946, Hulyo 4 – Isinakatuparan ang probisyon sa Tydings-McDuffie Act ang paglaya
ng Pilipinas at pagtatag ng Ikatlong Republika.

c. Ipabasa ang Sanggunian 4: Tydings-McDuffie Act.


d. Ipasagot ang Gawain 10 – Q and A
1. Pagkakaloob ng United States ng kasarinlan ng Pilipinas sa pagtatapos Pamahalaang
Komonwelt
2. Sampung transisyon
3. Hulyo 4, 1946
4. … the Philippine Islands as a separate and self-governing nation and acknowledge
the authority and control over the same of the government instituted by the people
thereof, under the constitution then in force.
5. (Ang sagot ay maaaring magkaiba-iba.)
- Matutuwa dahil may tiyak na petsa ang paglaya ng Pilipinas mula sa United States.
- Hindi ako matutuwa dahil hindi na kailangang maghintay ng sampung taon
upang makamit ng mga Pilipino ang kalayaan.

Sanggunian 5: Philippine Trade Act, 1946


Sanggunian 6: Military Bases Agreement, 1947

a. Hatiin ang klase sa anim na pangkat. Bibigyan ang bawat pangkat ng babasahing sipi mula sa
modyul.
Pangkat 1-2-3 = Philippine Trade Act
Pangkat 4-5-6 = Military Bases Agreement

b. Ipasagot sa pangkat 1, 2 at 3 ang Gawain 11A at 12. Sasagutin naman ng pangkat 4, 5 at 6 ang
Gawain 11B at 12.
Mga Sagot:
Gawain 11A – Jigsaw Letter Puzzle
1. ekonomiya
2. United States
3. Likas na Yaman
4. Saligang Batas
5. Diskriminasyon
Gawain 11B – Combined Facts
A, D, E, F, H

Gawain 12 – Probisyong Mabuti at Hindi Mabuti

Mga probisyong nakabuti sa mga Pilipino:


Philippine Trade Act:
1. To provide for trade relations between the United States and the Philippines, and for other
purposes.
2. That if the President of the United States determines that a reasonable time for the making
of the amendment to the Constitution of the Philippines referred to in section 402 (b) has
elapsed, but such amendment has not made, he shall so proclaim and the executive
agreement shall have no effect after the date of such proclamation; and

Military Bases Agreement:


1. that mutuality of interest demands that the Governments of the two countries take the
necessary measures to promote their mutual security and to defend their territories and
areas…
2. It is mutually agreed that the armed forces of the Philippines may serve on United States
bases and that the armed forces of the United States may serve on Philippine military
establishments whenever such conditions appear beneficial as mutually determined by the
armed forces of both countries.
3. The Philippines shall have the right to exercise jurisdiction over all other offenses committed
outside the bases by any member of the armed forces of the United States.

Mga probisyong hindi nakabuti sa mga Pilipino:


Philippine Trade Act:
1. The disposition, exploitation, development, and utilization of all agricultural, timber, and
mineral lands of the public domain, waters, minerals, coal, petroleum, and other mineral
oils, all forces and sources of potential energy, and other natural resources of the
Philippines, and the operation of public utilities, shall, if open to any person, be open to
citizens of the United States and to all forms of business enterprise owned or controlled,
directly or indirectly, by United States citizens.
2. That the Government of the Philippines will promptly take such steps as are necessary to
secure the amendment of the Constitution of the Philippines so as to permit the taking
effect as laws of the Philippines of such part of the provisions of section 341 as is in conflict
with such constitution before such amendment.
3. that if the President of the United States determines and proclaims, after consultation with
the President of the Philippines, that the Republic of the Philippines or any of its political
subdivisions or the Philippine Government is in any manner discriminating against citizens of
the United States or any form of United States business enterprise, then the United States
shall have the right to suspend the effectiveness of the whole or any portion of the
agreement…
Military Bases Agreement:
1. The Government of the Republic of the Philippines (hereinafter referred to as the Philippines)
grants to the Government of the United States of America (hereinafter referred to as the
United States) the right to retain the use of the bases in the Philippines listed in Annex A
attached hereto.
2. It is mutually agreed that the United States shall have the rights, power and authority within
the bases which are necessary for the establishment, use, operation and defense thereof or
appropriate for the control thereof
3. It is mutually agreed that United States public vessels operated by … the military forces of
the United States… shall be accorded free access to and movement between ports and United
States bases throughout the Philippines, including territorial waters, by land, air and sea.
4. The Philippines agrees that it shall not grant without prior consent of the United States, any
bases or any rights, power, or authority whatsoever, in or relating to bases , to any third
power.

Mungkahi: Maaaring gawing takdang aralin ang pagbasa ng nakatalagang sipi at


pagsagot sa Gawain 11A, 11B at 12

c. Talakayin ang mga sanggunian sa pamamagitan ng pagsagot sa Gawain 11A at 11B.


d. Muling pangkatin ang klase. Hayaang piliin ng mga mag-aaral ang facilitator at tagatala sa bawat
pangkat. Ang facilitator ang mangunguna sa pangkat, samantalang ang tagatala ang magsusulat
ng group output.

e. Bigyan ang mga pangkat ng sapat na minuto upang pag-usapan at ilista ang mga pinal na
probisyon na nakabuti at hindi nakabuti sa mga Pilipino batay sa nakatalagang sipi sa pangkat.
Ang listahan ang magiging group output ng pangkat.
f. Pagkatapos ng talakayan sa bawat pangkat, pagtatagpuin ang facilitator ng pangkat 1, 2 at 3.
Gayundin ang facilitator ng pangkat 4, 5 at 6. Lalagyan nila ng tsek ang mga magkakatulad na
probisyon na nakalista sa kani-kanilang group output.
g. Ipatala ang mga pinal na probisyon sa tsart na nasa pisara.
h. Isunod ang pagpapaliwanag ng mga probisyon sa tsart.
i. Ipasuri ang datos sa tsart sa pamamagitan ng sumusunod na tanong:
1. Nakabuti ba ang mga probisyon sa mga Pilipino? Amerikano? Patunayan.
2. Sino ang mas nakinabang sa mga probisyon? Pilipino o Amerikano? Pangatwiranan.
3. Ano ang epekto nito sa pagiging malaya ng Pilipinas? sa mga mamamayang Pilipino?
4. Ano ang iyong konklusyon batay sa nabuong tsart?
j. Ipaskil sa pisara ang iginuhit na malaking pader. Ipaliwanag na ang pader ay tatawaging
“Soberanya Stone Wall”. (Maaaring itulad ang pader sa ilustrasyon na nasa ibaba.)

SOBERANYA NG PILIPINAS

k. Talakayin ang kahulugan ng soberanya.


l. Isaalang-alang ang sumusunod na panuntunan sa gawaing “Soberanya Stone Wall”.
1. Sabihin sa mga mag-aaral: “Ipagpalagay natin na ang pader sa pisara ay sumasagisag sa
soberanya ng Pilipinas noong panahon ng Ikatlong Republika. Ano ang magiging hitsura ng
pader batay sa mga probisyong nakasaad sa Philippine Trade Act at Military Bases
Agreement?”
2. Ipaguhit sa bond paper ang isang bagay na sumisimbolo sa isang probisyon ng batas na
nagpahina sa soberanya ng Pilipinas. Maaaring magmungkahi ang guro ng iguguhit tulad ng
sapot at butas.
3. Pagkaraang iguhit ang simbolo, ipasagot ang sumusunod na tanong:
a. Ano ang iginuhit na simbolo?
b. Anong probisyon ang sinisimbolo nito?
c. Bakit ito nagpahina sa Soberanya Stone Wall?
4. Tumawag ng piling mag-aaral na magpapaliwanag ng ginawang simbolo. Pagkaraan, idikit ito
sa Soberanya Stone Wall.
5. Ipalahad sa mga mag-aaral ang kanilang konklusyon sa nabuong Soberanya Stone Wall.
Maaaring itanong ang sumusunod:
a. Bakit ito ang naging hitsura ng stone wall?
b. May epekto ba ang ganitong hitsura ng Soberanya Stone Wall sa mga Pilipino?
Patunayan.
Paglalapat
Produkto: Matatag na Soberanya Stone Wall

a. Ipabasa ang panimula ng Paglalapat.


b. Ipaalala na ang gagawing output sa Paglalapat ay tulad sa ginawang “Soberanya Stone Wall”.
Sundin ang mga panuntunan para sa mga mag-aaral:
1. Ipagawa ang stone wall sa cartolina.
2. Ipaguhit ang mga bagay na sumisimbolo sa nararapat na katangian ng pinuno at
mamamayan. Kabilang din ang mga hakbang sa pagkakaroon ng bansa ng isang matatag na
soberanya sa kasalukuyan. (Ilan sa maaaring iguhit ay magkahawak kamay, puso, watawat
ng Pilipinas at produktong lokal)

3. Ipasaalang-alang ang mga pamantayan sa pagmamarka ng gawain batay sa rubric na nasa


pahina ____.
4. Isunod ang pagtatanghal sa mga gawang illustrated stone wall ng mga piling mag-aaral.

Produkto/Pagganap:

a. Ang format ng GRASPS ang gabay sa pagpapaliwanag ng Produkto/Pagganap ng mga mag-


aaral sa yunit na ito.

GOAL Hubugin ang mga mag-aaral upang maging mga mapanagutang mamamayan.

ROLE Miyembro ng komite sa paaralan na babalangkas ng mga panuntunan tungkol sa


pananagutan ng mga mag-aaral sa loob at labas ng paaralan
AUDIENCE Pamunuan ng paaralan, mga opisyal ng PTA at guro
SITUATION Magkakaroon ng taunang school general assembly kung saan ilalahad ang iyong
nabalangkas na mungkahing panuntunan.
PRODUCT Mga panuntunan na nakatuon sa sumusunod na aspeto:
kalinisan ng kapaligiran, isyu ng bullying at mga programang pampaaralan.
STANDARD Pagmamarka ng nabalangkas na panuntunan batay sa sumusunod na
S pamantayan: kaangkupan ng nilalaman, kahusayan sa pagpapaliwanag
at kooperasyon ng bawat miyembro ng pangkat

b. Hatiin ang klase sa anim na pangkat. Ilahad sa mga mag-aaral ang sumusunod na panuto:
1. Ipagpalagay na miyembro ng komite ang mga mag-aaral na babalangkas ng mga
panuntunan tungkol sa pananagutan ng mga mag-aaral sa loob at labas ng paaralan.
2. Babalangkas ang bawat pangkat ng mga panuntunan na nararapat isagawa ng mga mag-
aaral batay sa sumusunod na paksa:
Pangkat 1 at 2 – kalinisan ng kapaligiran
Pangkat 3 at 4 – Isyu ng bullying
Pangkat 5 at 6 – Mga programang pampaaralan

Mungkahi: Maaaring magdagdag o magpalit ng paksa sa gagawing panuntunan.


Isaalang-alang ang kakayahan at karanasan ng mga mag-aaral sa pagpili ng ibang paksa.

3. Itala ang mga nabuong panuntunan sa papel.


4. Isaalang-alang ang mga pamantayan ng pagmamarka gamit ang rubric na nasa pahina
_____.
5. Pipili ng isa o dalawang kinatawan sa bawat pangkat na maglalahad ng mga panuntunan
sa school general assembly. Maaaring imbitahan ang punongguro, puno ng kagawaran,
miyembro ng PTA o guro upang saksihan ang gawain.
6. Isunod ang malayang pagpapalitan ng kuro-kuro batay sa inilahad na panuntunan ng
mga pangkat.
7. Ipasa ang mga produkto.

c. Pagkaraang markahan ang mga produkto/pagganap. Ipadala ito sa kinauukulan (tulad ng


Supreme Student Government at Discipline Office).

You might also like