cSa isang pag-aaral na ginawa ni Jeyson Taeza, napag-alaman na ang
pangunahing suliraning kinahaharap ng mga Kalinga sa pagsasalita ng wikang
Filipino ay ang pagpapalit nila ng ilan sa mga tunog o ponema na wala sa kanilang salita sa mga tunog na nagagamit sa wikang Filipino. Isang umiiral na suliranin din ay ang pagdala nila ng intonasyon, tono at diin ng kanilang unang wika kapag nagsasalita ng Filipino. Natukoy din sa pag-aaral na ang pangunahing epekto ng mga suliraning ito sa kanilang pag-aaral ng mga asignaturang Filipino ay ang pagkawala ng ng kanilang interes sa mga asignaturang Filipino. Dahil sa takot na magkamali at pagtawanan ay pinipili na lang ng mga Kalinga na manahimik at mahiya kapag nagsasalita ng wikang Filipino sa loob ng silid- aralan. Napag-alaman din na sa pamamagitan ng mas maagang pagtuturo ng wikang Filipino ay maaaring masolusyunan ang mga suliraning ito. Malaki din ang gampanin ng guro sa pagbibigay-motibasyon sa mga mag-aaral upang hindi tuluyang mawala ang kanilang interes na pag-aralan ang Filipino.