You are on page 1of 2

to kwento na ito ay tungkol sa naranasan ng mama ko noong maliit pa lamang siya na

naikwento rin sa kanya ni lola. Sa panahon po kasi laganap ang paghahariharian ng


mga
rebelde sa lugar nila. Mayroon po kasing malaking palayan at tindahan yung lola at
lolo
ko. Minsan po kasi kapag pumupunta yung mga rebelde sa baryo nila nagpupunta sila
sa
mga bahay bahay tapos sapilitan silang nanghihingi ng buwis. Yun nga po may
tindahan
yung lola ko ang ginagawa po nila binibigyan nalang po ng lola ko ng mga de-lata,
bigas o kung ano ano pa na laman ng tindahan kasi kapag hindi daw po sila nagbigay
"paghihinalaan ka nilang kakampi ng militar. Tapos isang araw daw po nagkaroon ng
“isang engkwentro sa pagitan ng NPA at nang Militar tapos kasali po sa pinatay nila
yung
tito ng mama ko na dinukot nila at tinali nila sa puno ng niyog at doon pinatay
after
that po nalaman ng mga militar yung nangyari ginawa po nila nagronda po sila tuwing
hapon bukod pa roon malayo sila sa bayan kasi isang isla po yung lugar nila mama,
Samantala naman po nagkaroon po ulit ng engkwentro yung mga rebelde at militar
tapos
yun po Syempre nagtakbuhan po sila, at sa kaguluhan pong nangyari isa sa mga
rebelde
ang nakahulog ng isang papel at yung papel na yung naglalaman ng mga pangalan ng
taong papatayin nila sa hindi po inaasahan kasali sa mga papatayin nila ay yung
lolo ko.
Ang ginawa po ng lolo ko nagpunta po siya sa bayan at doon nagtago samantala yung
mga kababaihan naman po nasa baryo lang nila. Yun nga lang po kapag pagsapit ng
gabi
nagiipon ipon silang pamilya para kapag may mangyayari kahuluhan magtatago po sila.
Sila mama daw po kasi noon may parang isang underground na mapapagtaguan nila
upang hindi sila madamay nandoon lang po sila nakadapa habang naritinig nila yung
mga
putukan, sigawan kung ano ano pa akala nila noon katapusan na nila kaya po kapag
gabi
na pati mga kamag-anak nila nagpupunta sa bahay nila para doon magtago kaya kapag
gabi na kailangang ang mga ilaw ay nakapatay na pati nga po sila kapag maguusap na
ay bulong lang, ilang araw din nangyari yun hanggang sa napagdesisyonan ng mga
militar na magkaroon ng "Kapgo" ito daw po yung mga taong trinaning na maaari ring
magbantay sa gabi o ito yung parang mga barangay tanod. Itong mga kapgo na ito, ito
daw po yung mga kinuha ng militar na mga tao rin sa lugar na iyon. Tapos hanggang
sa
naging payapa at maayos na ang pamumuhay nila mama, nakauwi norin po nun yung lolo
ko na nagtago sa bayan, at yung mga NPA hindi narin makapasok sa lugar nila
hanggang

SQ ngayon po tahimik na yung lugar nila.

Py

You might also like