You are on page 1of 2

Karen E. Malabanan.

“Pagkakaroon ng asignaturang Filipino sa kolehiyo”

Usap-usapan. Hindi maalis sa bibig ng karamihan. Itong asignaturang Filipino,


aalisin na raw sa kolehiyo. Kanya-kanyang pagtatanggol at suhestyon. Iba’t ibang
paniniwala’t opinyon. Ilang taon ng isyu sa bansang perlas ng silangan. Tama nga
kayang alisin ang Filipino sa kolehiyo o dapat nga bang ipagpatuloy pa ang
pagtuturo nito?

Ang pag-aaral ng wikang Filipino ay nakadadagdag ng pagmakabayan ng bawat


isa. Habang patuloy itong inaalam at sinasaliksik, lumalawak ang kaalaman ng
bawat mamamayan patungkol dito na isa sa magiging dahilan upang maging
intelektwalisado na ang pambansang wika. Ang magagandang dulot ng
pagpapatuloy sa pagaaral ng Asignaturang Filipino ay upang hindi mawala at
bagkus pagyamanin pa ang wikang Filipino. Kung maituturo sa paaralan ng
maayos ang paggamit ng wikang Filipino ay masasalin ito ng maayos sa susunod na
henerasyon at nang sa gayun ay mas lalo pang mapapayaman ang wikang Filipino.
Gayundin ay upang maipakita natin ang respeto at pagmamahal natin sa ating
kultura at wikang kinagisnan. Ang wika ay parte ng kasaysayan ng mga Pilipino,
kaya naman hindi dapat ito mawala ng tuluyan.

Ikaw, pabor ka ba sa pag-alis ng asignaturang Filipino sa kolehiyo dahil sapat


na raw ang pag-aaral nito hanggang ika-12 baitang? O naniniwala ka na dapat
ipagpatuloy ang pag-aaral sa wika upang mas maging intelektwalisado ito?

Kung sakaling matuloy ang planong pagtanggal sa mga nasabing asignatura ay


maaaring humantong ito sa mga problema tulad ng kawalan ng trabaho ng mga
gurong nagtuturo ng asignaturang Filipino at Panitikan sa Kolehiyo, Pagbaba ng
kasanayan ng kabataan sa sariling wika at kawalan ng respeto at pagkilala sa ama
ng Wikang Filipino na si dating Pangulong Manuel L. Quezon.

Unang-una na ang pagkawala ng hanapbuhay ng napakaraming mga guro sa


asignaturang ito na maaaring maging dahilan pa ng mas mataas na porsiyento ng
kahirapan sa bansa dahil maaari silang magdusa at magdanas pa ng malalang
kahirapan. Pangalawa, ayon sa ilang pag-aaral natukalasang marami sa mag-aaral
na Pinoy ang tumutungtong sa kolehiyo na may mababang kasanayan sa Wikang
Filipino. Hindi pa pa ganoon kalawak ang nalalaman natin ukol sa pormal na wika
at pananalita na siyang nararapat ngunit napalitan ng mga balbal at kolokyal na
termino dahil sa paglaon ng panahon. Ibig sabihin kapag naisakatuparan ang
pagtanggal sa asignaturang Filipino bilang General Subject sa Kolehiyo ay
maraming mag-aaral dito ang magtatapos na mababa ang kalaman sa sariling wika.
Pangatlo, masasabing kawalan ng respeto at pagkilala sa ama ng Wikang Pambansa
nasi Manuel L. Quezon ang planong binabalangkas ng CHED at Korte Suprema.
Ang ginawang pakikipaglaban ni Quezon upang umusbong, gamitin at tangkilikin
ang Wikang Filipino ay mauuwi na lamang sa wala sapagkat binubura na ang
mahalagang kasaysayan nito.

Sa halip na pagtanggal sa asignaturang Filipino at Panitikan ay planong


pagpapaigting sa mga asignatura na lamang ang gawin nang sa gayon ay maiwasan
ang mga problemang dala nito at mas lalo pang aangat ang kaalaman ng mga
Pilipino sa tamang paggamit ng sariling wika kung ganitong plano ang
babalangkasin. kung sinasabi ng CHED na ang layunin nila ay mas mapagaan ang
pag-aaral ng mga kolehiyo, hindi ito sapat na dahilan, ang wika ay pagkakakilanlan
ng ating bansa, ipinaglaban ng mga nagtanggol na bayani sa bansa ang kalayaan ng
Inang Bayan kaya’t kahit sa pagtutuklas pa ng ating karunungan at
pagpapayabong ng ating kakayahan ay hindi natin dapat kalimutan ang tunay na
kinagisnan natin.

Akin namang minumungkahi na bagkus ay tanggalin ay nararapat na


madagdagan pa ang kaalaman ng bawat isa sa katutubong wika upang magising
ang kamalayan natin na wala ang natatamasa natin ngayon kung walang naging
pundasyon ang ating bayan at nagtatangi ng ating pagkakakilanlan.

You might also like