Ang Pilipinas ay dumaranas ng matinding pagsubok ngayong taon. Maliban sa
S pakikipaglaban sa COVID 19, tayo ay sinalanta din ng sunod-sunod na bagyo .Maraming mga kababayan natin ang naapektuhan at nangailangan ng tulong. Ang paroky ni Santa Teresa de Avila sa pangu guna ng Committee on Youth ay P naglunsad ng “Infomercial Sagip Nasalanta Youth Program” para mangalap ng donasyon at tulong para sa mga biktima ng baha,landslide,at iba pa. Bilang bahagi ng A pakikilahok ay naimbitahan ang mga mag-aaral sa Grade 7 para sa iba’t ibang aktibidad na pwede nilang salihan ayon sa kanilang kakayahan at bulunterismo. Pwede silang sumali sa grupo na magbahagi ng kamalayan tungkol sa pangyayari sa R pamamagitan ng social media,paghingi ng donasyon mula sa pamilya at malapit na kamag-anak o kakilala, o magbahagi ng kanilang panahon at lakas sapag repack ng mga donasyoon gaya ng damit, bottled water, goods, at iba pa. Ang pag-imbita ay naglalayong mabuksan ang kaisipan ng mga kabataan para sa malayang pagbabahagi ng kanilang oras, yaman, at talent, para sa kabutihan ng G lahat. Ang highlight ng programs ay makabuo ng grupo para sa ibat ibang mga gawain ng hindi pinipilit, sa halip ang pagpili ay naaayon sa kusang loob, taglay na kakayahan , at ang pagkilla sa kabutihan na pwede nitong maibahagi. Ang programa ay i-evaluate batay sa mga sumusunod na pamantayan: organization, impact, at S message.