You are on page 1of 1

Biñan Metropolitan Chorus

Ang Biñan Metropolitan Chorus ay isa sa opisyal na performing


groups ng Biñan City Centre for Performing Arts sa lilim ng Biñan City
Culture, History, Arts & Tourism Office (BCHATO).
Nagmula sa iba’t-ibang bahagdan ng lipunan ang kaniyang
mga boluntaryong kasapi na pawang may masidhing pagmamahal
sa musikang pang-koro. Nilalayon ng BMC na malinang ang ating
tradisyunal na musika, mga katutubong tunog at awit, maging ang
mga bagong himig at tugtugin.
Taong 2019 nang inilunsad ng BMC ang pagbubuo ng Biñan
Youth Concert Chorus (BYCC) at ng Biñan Children’s Choir (BCC). Ang
BYCC ay nakatuon sa pagpapa-unlad ng angking galing sa musika
ng mga kabataang Biñanense na may edad labingtatlo (13 y/o)
hanggang dalawampu (20 y/o). Ang BCC naman ay naglalayon na
tuklasin at papagyabungin ang talento ng mga batang may edad
na pito (7 y/o) hanggang labindalawa (12 y/o) na may natatanging
husay sa pag-awit at musika.
Sa kasalukuyan ay gumagamit ng iba’t-ibang paraan upang
maipagpatuloy ng grupo ang page-ensayo at pagtatanghal. Gamit
ang mga makabagong teknolohiya upang maihatid ang musika sa
mga taong-bayan, minimithi ng BMC na maipamalas sa buong
mundo ang husay at galing nating mga Pilipino.
Ang Biñan Metropolitan Chorus, Biñan Youth Concert Chorus at
ang Biñan Children’s Choir ay pinamumunuan ni G. Rodel P.
Hernandez.

You might also like