You are on page 1of 2

I.

LAYUNIN:
1. Matukoy ang mga kagamitan sa paglilinis at pag-aayos ng sarili
2. Matutunan ang wastong paraan kung paano gamitin ang mga kagamitan sa paglilinis at
pag-aayos ng sarili
3. Malaman ang kahalagahan ng pagiging malinis at maayos sa sarili
II. PAKSANG ARALIN:
Paksa: Mga Kagamitan sa Paglilinis at Pag-aayos ng Sarili
Sanggunian: Curriculum Guide 2013-EPPHE – OA-1
Kagamitan: Iba’t ibang pansariling kagamitan tulad ng suklay, nailcutter, sipilyo, bimpo, tuwalya
at iba pa.

III. PANIMULANG PAGTATAYA:


Magpapakita ang guro ng isang manila paper na may dalawang hanay. Sa unang hanay,
makikita ang mga iginuhit na larawan ng mga kagamitan sa paglilinis at pag-aayos ng sarili. Sa
ikalawang hanay, nakasulat ang mga salita na kontektado sa mga kagamitan na ito. Magtatawag
ang guro ng mga batang magsasagot at magdudugtong sa dalawang hanay sa paraan ng paguhit
ng linya.
IV. PAMARAAN
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. PAGGANYAK
Okay class, sino sa inyo ang maaring Sir! Ako po. Pagkagising ko po, ako po ay
makapagsalaysay ng kaniyang ginawang pag- nagsipilyo at naligo.
hahanda bago pumasok ng paaralan?

Magaling! Sino pa ang makapagsasabi ng Sir! Kumain po ng agahan.


kanilang ginawa?

Tama! Ang agahan ang pinakamahalagang Opo!


gawin bago pumasok. Naiintindihan ba mga
bata?

B. PAGLALAHAD
Mayroon akong inihandang tsart o “handa na Opo!
ba akong pumasok tsart”. Suriin ang mga
larawan at isulat sa ibaba ng mga ito ang
salitang “handa” at “hindi handa”.
Naiintindihan ba mga bata?

(magsisimula ng magtawag ng mag-aaral ang (ang mga bata ay magsisimula ng sumagot)


guro)

C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN
Okay class, ngayon bumuo ng dalawang (ang mga bata ay bubuo ng pangkat)
pangkat.

Gusto niyo bang makita ang nilalaman ng Opo!


kahon na ito?

(ipapakita ang mga kagamitan tulad ng suklay,


nailcutter, sipilyo, bimpo, tuwalya at iba pang
nakatago sa loob ng kahon)
Ngayon, pumunta kayo sa inyong pangkat at Nakahanda na po!
isulat ang mga kagamitang nakita niyo at
ilahad ang mga gamit ng mga bagay na ito.
Handa na ba kayo?

Ang pangkat na may maraming maitatala ang


siyang mananalo.

D. PAGSASANIB
Sa inyong palagay, bakit dapat ugaliing maging Para po maging kaaya-aya sa paningin ng iba.
maayos palagi ang ating sarili?

Magaling! Ano naman ang magandang Mas makaiiwas po tayo sa mga sakit kung tayo
maidudulot nito sa ating katawan? ay magiging malinis sa ating katawan.

E. PAGLALAHAT
Lagi nating tatandaan na mahalaga ang
pagiging maayos sa sarili. Upang mapanatiling
malinis at maayos ang sarili, dapat gumamit ng
iba’t ibang pansariling kagamitan tulad ng
suklay, nailcutter, sipilyo, bimpo, tuwalya,
atbp.

V. PANGWAKAS NA PAGTATAYA:
Ipapalabas ng guro ang kanilang kuwaderno at ipapasagot ang isang gawain.
Panuto: isulat ang tsek (/) kung tama at ekis (x) kung mali.
____1. Kumain muna bago pumasok sa paaralan.
____2. Magsuot ng pang-araw-araw na damit sa tuwing papasok sa paaralan.
____3. Magsuklay at ayusin ang buhok bago pumasok.
____4. Magsipilyo ng tatlong beses sa isang araw.
____5. Hayaang mahaba at marumi ang mga kuko.

VI. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN:


Mag-interview ng magulang, kapatid, o kapitbahay at itanong kung paano nila inaalagaan ang
sarili. Isulat ito sa isang buong papel.

Prepared by:
Paule, Genrie S.
BEEd 3-A

You might also like