You are on page 1of 7

FORMATIVE ASSESSMENT

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
BAITANG 8
Yunit I- Ang Pamilya Bilang Ugat ng Pakikipagkapwa
Modyul 1: Ang Pamilya Bilang Natural na Institusyon

Panuto: Sa isang buong papel, sagutin ang sumusunod na mga katanungan nang hindi hihigit sa
limang pangungusap.
1. Ano para sa iyo ang kahulugan ng salitang PAMILYA?
2. Sinu-sino ang mga bumubuo ng pamilya? Anong papel ang ginagampanan ng bawat
kasapi nito?
3. Sinasabing ang pamilya ay ang una at pinakamahalagang yunit ng lipunan. Sang-ayon ka
ba sa pahayag na ito? Bakit oo? at bakit hindi? Pangatwiranan ang iyong kasagutan.
4. Kailangan bang masaya palagi ang isang pamilya? Batay sa iyong personal na kalagayan
at obserbasyon, ito ba ay makatotohanan?
5. Bilang isang kasapi ng iyong pamilya, paano mo ka makatutulong upang mapanatili ang
pagmamahalan sa inyong tahanan?

SUMMATIVE ASSESSMENT
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
Yunit I — Ang Pamilya Bilang Ugat ng Pakikipagkapwa

Pangalan: __________________________ Petsa: ____________ Skor: ________


I. Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang titik ng tamang sagot.
Isulat ang iyong sagot sa espasyo bago ang numero.
____ 1. Ito ay ang una at pinakamahalagang yunit ng lipunan. Ano ito?
a. mag-asawa
b. pamilya
c. magkapatid
d. magkaibigan

____ 2. Anong mahalagang sakramento ang nagbubuklod sa dalawang tao upang maging isa?
a. pagmamahalan
b. sumpaan
c. kasal
d. buhay

____ 3. Pag-uwi galing eskwela, nadatnan ni James ang inang abalang-abala sa kusina kaya hindi
man lang napansin ang pagdating nya. Tahimik lang ito ngunit bakas sa mukha ang pagod. Alin
sa sumusunod ang nararapat gawin ni James bilang anak.
a. Huwag abalahin ang ina sa ginagawa nito.
b. Gumawa ng paraan upang mapansin ng ina at tawagin sya nito.
c. Magmano at makipagkwentuhan sa ina habang abala ito sa ginagawa.
d. Lapitan ang ina upang magmano at tumulong sa ginagawa nito.
____ 4. Simple lamang ang pamumuhay nina Aling Rita at Mang Rico, subalit nagsisikap sila
upang mapag-aral at mapagtapos ang tatlong anak na kapwa nasa sekondarya na. Ano ang
maaring dahilan ng mag-asawa sa kanilang pagsisikap?
a. Wala na silang ibang maipamamana sa mga anak kundi edukasyon.
b. Tungkulin nila bilang magulang na tugunan ang karapatan ng mga anak para sa
edukasyon.
c. Makakaahon na sila sa kahirapan kapag nakapagtapos na ang mga anak.
d. Hindi sila makakalimutan ng mga anak kapag nagtagumpay na ang mga ito.
____ 5. Kilala ang pamilyang Pilipino sa pagkalinga sa kanilang mga anak . Ilan sa mga patunay
nito ay ang sumusunod, maliban sa:
a. Laging binibigyan ng pera.
b. Ipinaghahanda ng makakain.
c. Inihahatid sa paaralan.
d. Sinusuportahan ang kakayahan ng anak.

____ 6. Lubhang nasalanta ang aming lugar noong bagyong Quinta at sa awa ng
Panginoon ay may mabuting loob na nag-alok na patuluyin kami sa kanilang tahanan
habang wala pa kaming matitirhan. Anong aral ang mapupulot sa sitwasyon?

a. pagkakaroon ng pag-asa
b. pagiging madasalin
c. pagiging matulungin sa kapwa
d. pagiging maramot sa mga nangangailangan

____ 7. Kahit nakaratay na ang 87 anyos na si Lola Lucila, hindi pa rin nya nakakalitaang
magdasal kasama ang kanyang mga apo katulad ng kanilang nakagawian. Anong kaugalian ang
ipimalas sa sitwasyon?
a. pagiging disiplinado
b. pagiging madasalin
c. pagiging huwaran sa kabataan
d. pagakakaroon ng pag-asa

____ 8. Gayon na lamangang takot ni Donny nang madatnan ang kanyang ina na
nakahandusay sa sala at walang malay. Sya namang pagdating ng kapatid at
pinagtulungan nilang buhatin ang ina at dinala sa hospital.  Alin sa sumusunod ang
positibong     pag-uugali ang ipinakita sa sitwasyon?

a. ang pagdala sa walang malay na ina papunta sa ospital


b. ang kapatid may nakaramdan ng pagkabalisa sa nangyayari
c. nakatutulong ang mga kapamilya sa oras ng pangangailangan
d. Labis ang kasiyahang ipinakita ng kapatid
____ 9. Sino ang kauna-unahang modelo ng kabataan?
a. ang pangulo ng bansa
b. mga magulang
c. guro
d. punong barangay

____ 10. Alin sumusunod na mga pahayag ang hindi totoong impluwensya ng pamilya sa paglaki
ng isang bata?
a. Kung ang isang bata ay namumuhay sa papuri, natututuhan niyang magustuhan ang
kaniyang sarili.
b. Kung ang isang bata ay namumuhay sa pagkilala, natututo siyang bumuo ng layunin
sa buhay.
c. Kung ang isang bata ay namumuhay sa poot, natututo siyang lumaban.
d. Kung ang isang bata ay namumuhay sa takot, natututo syang magduda sa sariling
kakayahan.

II. A. Isulat ang TUMPAK kung ang pahayag ay nagsasaad na likas ang pamilya at
LIGWAK naman kung hindi.
____ 1. Ang karapatan para sa edukasyon ng mga bata ay orihinal at panhunahing karapatan na
kailangang tugunan ng mga magulang.
____ 2. Ang pamilya ay nilikha para sa kapakanan ng mga miyembro lamang.
____ 3. Bukod sa pagkakaroon ng anak, may pananagutan ang magulang na gabayan
ang anak upang lumaki at umunlad itong may pagpapahalaga at pananampalataya.

____ 4. Sa pamilya unang natututunan ng mga bata kung paano makitungo sa kapwa.
____ 5. Kapag may sariling pamilya na ang mga anak ay tapos na ang tungkulin ng mga
magulang sa mga ito.

B. Isulat ang TUMPAK kung ang pahayag ay naglalarawan ng angkop na kilos tungo
sa pagpapatatag ng pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilya at LIGWAK
naman kung hindi.
____ 6. Kinakampihan ang anak kapag may nakaaway na ibang bata sa halip na pagsabihan ito.
____ 7. Tumutulong sa mga gawaing bahay kapag walang pasok sa eskwela.
____ 8. Tahimik lang kapag pinagsasabihan ng magulang.
____ 9. Mas inuuna ang barkada kaysa pamilya.
____ 10. Madalas magsigawan ang mag-asawa sa harap ng mga bata.

III. Unawain ang bawat pahayag at kilalanin kung ito ba ay tumutukoy sa sumusunod.
(Iguhit lamang ang hugis sa espasyo bago ang numero).
⭐ edukasyon
O paggabay sa pagpapasya
∆ paghubog ng pananampalataya

____ 1. Bata pa lang ay tinuturuan na ng magulang ang mga anak kung paano manalangin.
____ 2. Natututong mamuhay nang simple ang mga bata ayon sa turo ng mga matulang.
____ 3. Hindi nakakalimot ang magulang na paalalahanan ang mga anak sa kung anong masama
at mabuting gawain.
____ 4. Tinuturuang magmano at maging magalang ang mga anak.
____ 5. Kahit abala, hindi nakakalimot magpasalamat ang pamilya Reynes sa Panginoon sa mga
biyayang ipinagkaloob sa kanila.

IV. Unawain ang bawat pahayag o sitwasyon. Isulat Panlipunan kung ang sitwasyon
ay paglalahad ng pagganap sa panlipunang papel ng pamilya at
Pampolitikal kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng pagganap sa
pampolitikal na papel ng pamilya. 
_____________ 1. Tumulong ang pamilya Andres sa pamamahagi ng relief goods para sa mga
nasalanta ng bagyo.
_____________ 2. Nasunog ang bahay nina Aling Maring kaya sa barangay hall muna sila
nanatili ng kanyang pamilya. Dahil sa awa, isang pamilya ang nag-alok sa kanila ng
matutuluyan.
_____________ 3. Pinag-iisipang mabuti ni Mario kung sino ang nararapat iboto sa nalalapit na
halalalan.
_____________ 4. Sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, tumulong si Jericho upang ligtas na
makapaglikas ang mga pamilyang apektado.
_____________ 5. Pinahintulutan ng magulang si Mira na makilahok sa community service na
isasagawa sa kanilang baranggay.
_____________ 6. Nakita ni Anna ang post ng isang kababayan na nasa Maynila at hindi
makauwi dahil sa biglaang pagsara ng trabaho nang mag-lockdown. Hindi sapat ang pamasahe
nito upang makauwi sa pamilya kaya nagpasya syang magpadala ng tulong pinansyal upang
makauwi na ito.
_____________ 7. Namahagi ng ayuda ang Munisipalidad ng Claveria bilang tugon sa krisis na
dulot ng pandemya.
_____________ 8. Isang mag-aaral sa kolehiyo ang nagsagawa ng community intervention sa
pamamagitan ng pamimigay ng mga flyers na naglalaman ng impormasyon tungkol sa bakuna
laban COVID-19.
_____________ 9. Nagbigay ng suhestiyon ang samahan ng kabataan ng proyektong
makatutulong sa baranggay sa pamamagitan ng liham para sa punong baranggay.
_____________ 10. Masusing nakikinig si Clara sa mga politikong nangangampanya sa plasa.

You might also like