You are on page 1of 1

PAKSA: "Kasanayan sa Akademikong Pagsulat tungo sa Progresibong Individwal"

Maraming dahilan kung bakit mahalaga ang pagsasanay sa akademikong pagsusulat at isa na
roon ang tinatawag na ‘Progresibong Indibidwal’ na kung saan nagkakaroon ng malawak na kaalaman,
kaisipan at kasanayan ang isang tao. Isa sa layunin ng akademikong pagsusulat ay makapagbigay ng
makabuluhang impormasyon sa halip na manlibang lamang. Hindi lingid sa ating kaalaman na ang
kasanayan sa akademikong pagsulat ay kinakailangan para makapagbigay linaw sa mga mambabasa ng
mensaheng nais maipabatid ng manunulat at ito ay may iba’t- ibang uri depende sa gamit at pag
gagamitan.

Ang isang indibidwal o tao ay hindi nabubuhay ng salita lamang ang ginagamit, kinakailangan ng
komunikasyon na ang gamit ay pagsulat. Kung mayroong kasanayan ang isang tao sa pagsulat
nakakabuo ito ng tamang solusyon sa problema sapagkat alam nila kung paano at ano-ano ang mga
datos na dapat ikalap at ibahagi sa iba. Isa pang halimbawa na ang kasanayan sa akademikong pagsulat
ay dahilan o tungo sa progresibong indibidwal ay sa panahon ngayon na halos lahat ng bagay ay
nakapaloob na sa teknolohiya mas kinakailangan at napakahalaga ng kasanayan sa akademikong
pagsulat, dahil ang pangunahing gamit sa komunikasyon at transaksyon ngayon ay sa pamamagitan ng
cellphone, computer at iba pang teknolohiya na kung saan kailangan mong idaan sa pagtype o pagsulat
ng mensahe, at importanteng maging mabusisi sa mga datos o impormasyong ibinabagahi.

Ang akademikong pagsulat ay nakatutulong sa indibidwal sa maraming aspeto ng buhay,


magagamit nila ito sa araw-araw at maging sa hinaharap. Napapalawak nito ang kaalaman ng isang tao
at nagiging matalino ang isang indibidwal sa mga impormasyon na kanilang nakukuha. Dahil din dito,
nabubuksan ang kaisipan ng tao na makabuo ng sariling pagtuklas sa mga bagay-bagay na kinakailangan
ng pansin at pag-aaral.

You might also like