You are on page 1of 5

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino

Ang Unang Wika, Ikalawang Wika at Iba pa

Natatangi ang paggamit ng wika ng mga tao dahil karaniwan itong ginagamit sa
pakikipagtalastasan. Ang pagkamalikhain ng wika ay makikita lamang sa mga tao (Chomsky
1965). Natatangi rin ang tao dahil sa kakayahan nitong gumamit ng iba’t ibang wika nang sabay-
sabay. Dahil maraming wika sa bansa, marami ring tao ang kayang gumamit ng iba’t ibang wika
sa isang diskuro. Unang Wika (L1) ang tawag sa wikang nakagisnan ng bata mula nang siya ay
iluwal ng kanyang ina. Sa paggamit ng unang wika ay mas mabilis na naipapahayag ng tao ang
kanyang kaisipan at mga ideyang nais na ibahagi. Ito ay dahil sa taglay nya ang kabihasaan sa
sinusong wika. Halimbawa, kung ikaw ay ipinanganak sa Pampanga dapat na Kapampangan ang
iyong unang wika, kung ikaw nama’y ipinanganak sa Pangasinan, Samtoy o
Panggalatok/Pangasinense ang iyong unang wika. Ayon sa The native Speaker: An Achivable
Model? Ni Joseph J. Lee (2013) may anim na pamatayan upang matukoy kung ang isang tao ay
katutubong tagapagsalita ng wika

1. Natutuhan ng tagapagsalita ang wika noong bata pa siya


2. May likas at Intrinsikong kaalaman at kamalayan sa wika’
3. May kakayahang makabuo ng walang patid na diskurso
4. Kayang gamitin ang wika sa mataas na paraan
5. Bahagi siya ng isang lingguwistikong kumunidad at:
6. May puntong dayalektal na taal sa katutubong wika

Habang lumalaki ang bata ay nalalantad siya sa malawak na mundong ating ginagalawan.
Sa pamamagitan ng kanyang mga kaibigan, kamag-aral, guro, o kaya nama’y pakikinig sa radyo
at panonood ng telebisyon ay nakaririnig siya ng mga wikang kaiba sa kanyang unang wika.
Madalas rin naman na ang pagkakalantad ng bata sa ibang wika ay nagmumula sa kanyng mga
magulang, dahil bihira sa mga Pilipino ang iisang wika lamang ang ginagamit sa
pakikipagtalastasan. Sa oras na magamit niya ang wikang ito at maunawaan masasabi nating ito
ang kanyang Ikalawang Wika (L2). Halimbawa kung ikaw ay Kapampangan at natutunan mo
ang Filipino masasabi nating Filipino ang iyong ikalawang wika.

Sa pagdaan ng panahon ay mas lalong lumalawak ang kapaligiran na ginagalawan ng


bawat indibidwal; darating ang panahon ng pagtatrabaho o paghahanap-buhay. Ngunit madalas
ay kahit na sa loob lamang ng paaralan ay lumalawak ang wikang alam at nagagamit ng isang
mag-aaral. Mula sa guro at iba’t ibang asignaturang tinatalakay sa wikang Filipino at Ingles ay
mas lalong tumitibay ang kanilang kaalaman sa iba pang wika. Ang muling pagkatuto ng wika;
banyaga man o bernakular ay masasabing Ikatlong Wika (L3). Posible na ang tao ay maging
isang multi-lingual na tao dahil sa dami ng wikain sa Pilipinas at sa buong mundo. Isang patunay
nito ay ang natatanging kakayahan ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Siya ay
bihasa sa paggamit ng mahigit sa sampung wika sa loob man o labas ng bansa. Marunong siyang
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino

mag Filipino, Ilokano, Bisaya, Subanon, Chinese, Latin, Spanish, Greek, French, German,
Italian, Portugese, Russian at marami pang iba. Ang pagiging maalam sa iba’t ibang wika ay
masasabi nating isang tulay upang patuloy tayong lumago bilang isang Pilipino at bilang isang
bansa. Sabi nga ng dating Pangulong Benigno Aquino III “We should become tri-lingual as a
country. Learn English well and connect to the world. Learn Filipino well and connect to our
country. Retain your dialect and connect to your heritage.”

Ang Monolinggwalismo, Bilinggwalismo at Multilinggwalismo

Monolinggwal ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa buong bansa sa kahit na ano
mang larangan. Iisang wika lang ang umiiral sa komersyo, negosyo, pakikipagtalastasan at sa
pang-araw-araw na buhay. Ilan sa mga bansang nagpapatupad nito ay ang bansang Hapon,
Inglatera at Pransya.

Binigyang kahulugan ni Uriel Weinrich (1953) ang bilinggwalismo bilang paggamit ng


dalawang wika nang magkasalitan. Sa madaling sabi ang paggamit ng dalawang wika bernakular
man o banyaga ay nagpapakita ng pagiging bilinggwal. Para kay John Macnamara (1967) hindi
sapat na magkasalitan lamang na nagagamit ang wika. Ang pagiging billingual ay ang kakayahan
na mailapat ang dalawang wika sa lima na makrong kasanayan (pagbasa, pagsulat, panonood
pagsasalita, at pakikinig). Para naman kay Cook at Singleton (2014) ang pagiging bilingual ay
ang kakayahang magamit ang dalawang wika sa mataas na kaparaanan sa lahat ng pagkakataon.
Balance Bilingual ang tawag sa ganitong kasanayan. Ito ay paggamit ng wika sa paraang di na
kaya pang matukoy kung alin ang unang wika at ang ikalawang wika. Malinaw na ang
Billingualismo ay isang kakayahan na natatamo dahil sa pagkakalantad ng tao sa ibang wika.
Hindi mapipigilan ang pagiging Bilingual dahil sa kalagayan ng Pilipinas na mayroong
maraming wikain. Maaring matutunan ito ng sinasadya o hindi sinasadya. Sinasadya kung ninais
ng isang tao na pormal na pag-aralan ang wikang bago sa kanyang pandinig. May mga
institusyon at paaralan na nagbibigay ng kurso sa pag-aarala ng iba’t ibang wika. Di-sinasadya
kung ito ay natututunan bunga ng pakikisalamuha sa ibang tao, pagkakarinig nito sa iba’t ibang
media at iba pa. Sa huli malinaw na Billingual ang isang tao kapag kaya niyang gumamit at
umunawa ng dalawang wika nang magkasabay.

Ang Saligang Batas ng 1937 ay nagtakda rin ng probisyon sa paggamit ng dalawang wika
sa pagtuturo. Makikita ito sa Artikulo 15 Seksyon 2 at 3

“Ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa


pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang Filipino. Hanggat hindi
binabago ang batas, ang Ingles at Filipino ang mananatiling wikang Opisyal ng Bansa”

Ito ang naging batayan ng paglalabas ng Executive Order no 202 na bubuo ng


Presidential Commision to Survey Philippine Education (PCSPE) na magbibigay linaw sa dapat
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino

na maging katayuan ng Filipino at Ingles bilang mga wikang Panturo.Ipinatupad ang Bilingual
Education Policy sa Pilipinas sa atas ng National Board of Education, Resolution No. 73-7 s.
1973. Ganap itong naipatupad sa pamamagitan ng paglalabas ng DECS, Department Order No.
25, s.1974 na may titulong Implementing Guidance for the Policy on Bilingual Education.
Naglalaman ito ng mga pamantayan sa paggamit ng dalawang wika sa pagtuturo. Ayon dito
Pilipino (Filipino) ang gagamiting midyum sa pagtuturo sa asignaturang may kinalaman sa
Araling Panlipunan, Musika, Sining, Physical Education, Home Economic at Values Education.
Ingles naman sa Syensya Teknolohiya at Matematika. Pangunahing mithiin nito na mapataas ang
kakayahan ng mga Pilipino sa pagamit ng dalawang wika. Nais rin na makamtan ng polisiyang
ito ang mga sumusunod:

1. Mapataas ang antas ng pagkatuto sa paggamit ng dalawang wika


2. Maipalaganap ang wikang Filipino bilang wika ng literasi
3. Mapaunlad ang Filipino bilang simbolo ng pambansang identidad
4. Malinang ang elaborasyon at intelektwalisasyon ng Filipino Bilang wika ng
akademikong diskurso at
5. Mapanatili ang Ingles bilang internasyonal na wika para sa Pilipinas at bilang wika ng
Agham at Teknolohiya.

Sa kabilang banda, ang Multilinggwalismo naman ay ang paggamit at pag-unawa ng


higit pa sa dalawang wika. Kung marami ang kapakinabangan ng taong bilingual, tiyak na mas
marami ang bentahe ng isang taong marunong makipag-usap sa iba’t ibang wika. Dahil sa
marami ang wika na kanyang ginagamit mas higit na nahahasa ang kanyang kritikal na pag-iisip,
kakayahan sa paglutas ng problema, mas matalas na tainga, at mas mataas na kakayahang
kognitibo, mas mabilis rin na matuto ng iba pang wika ang taong multilingual at marami pang
iba (Cummins,1981). Ang Pilipinas ay isang bansang Multilinggwal kaya naman noong ipatupad
ang Department of Education Order 16, s. 2012 kilala bilang Guidlelines on the Implementation
of the MTB-MLE ay nagsimula ang paggamit ng unang wika sa pagtuturo. Ito ay sang-ayon sa
mga pananaliksik na mas natututo ang mga bata sa paggamit ng unang wika sa pagtuturo. Ducher
at Tucker (1977) Unang dineklara ng Kagawaran ng Edukasyon ang unang walong pangunahing
wika o Lingua Franca at iba pang wika sa bansa. Ito ay ang Tagalog, Hiligaynon, Kapampangan,
Waray, Pangasinense, Tausug, Iloko, Maguindanaoan, Bikol,Maranao, Cebuano, at Chabacano.
Paglipas lamang ng isang taon ito ay nadagdagan pa ng Ybanag, Ivatan, Zambal, Akianon,
Kinaray-a, Yakan at Suriqaonon. Maliban sa mga nabanggit na wika ay ituturo rin ng hiwalay
ang Filipino at Ingles. Ang pangunahing layunin ng ordinansang ito ay

1. Mapaunlad ang wika tungo sa matatag na edukasyon at sa pagkatuto ng habambuhay


2. Mapaunlad ang HOTS o Higher Order Thinking Skills
3. Paghahandang pang-akademiko upang maihanda ang mga mag-aaral sa pagpapahusay ng
iba pang larang ng pagkatuto at:
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino

4. Pagpapaunlad sa kamalayang sosyo-kultural ng mga mag-aaral.

Homogeneous at Heterogeneous na Wika.


Ang paggamit ng wika nang magkakapareho ay tinatawag na Homogeneous (Paz, et al
2003). Walang purong wika. Sa madaling sabi walang matatagpuang wikang homogeneous na
patuloy na ginagamit ng tao o maging ng mundo. Ayon kay Alfonso Santiago ang “ang wikang
hindi nanghihiram ay patungo sa pagkamatay”. Bahagi ang panghihiram ng wika sa paglinang
tungo sa mabisang pagpapahayag at sa mahusay na pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang tao sa
lipunan. Nagkakaroon ng pagkakaiba ang wika base sa paggamit ng tao. Ang mga salik na
nakaaapekto dito ay ang trabaho, antas ng pinag-aralan, kalagayan sa lipunan, lugar, rehiyon at
iba pa. Ipinapakita sa sitwasyong ito ang pagiging Heterogeneous ng wika na dahilan kung bakit
may varyasyon ang wika.

VARAYTI AT VARYASYON NG WIKA


Ang Filipino bilang buhay na wika ay nagtataglay barayti. Batay nga sa kasabihang
Ingles, “variety is the spice of life”. Ibig sabihin, ang pagkakaroon ng pagkakaiba-iba sa wika
ay hindi nangangahulugang negatibo. Maaari itong tingnan bilang isang positibo, isang
fenominang pangwika o magandang pangyayari sa wika. Ayon pa kay Constantino (2002),
pagkakaisa at pagkakaiba. Pagkakaiba tungo sa pagkakaisa. Dito ay hayagan niyang
inugnay ang malaking kinalaman o ugnayan ng wika sa lipunan at ang lipunang ito ay
kinasasangkutan ng isang masining na kultura. Dagdag pa niya, “ang kultura ay hango sa
mga tao at ang wika ay nagpapahayag ng ispiritu/ kaluluwa ng mga tao na bumubuo sa
lipunan o kumunidad.”
Dahil sa ang mga tao ang siyang bumubuo sa lipunan at tao rin ang siyang
humuhubog ng kanilang mga kultura, hindi ngayon maiiwasang magkaroon ng pagkakaiba-
iba ng wika. Kung kaya,ayon kay Zosky, mayroong tinatawag na barayti ng wika o
sublanguages na maaaring iklasipika higit sa isang paraan. Tulad na lamang ng kanyang
tinatawag na Idyolek, Dayalek, Sosyolek, Register, Estilo at Moda, Rehiyon, Edukasyon,
Midya, Gawi at iba pa. Lahat ng nabanggit ay ilan lamang sa kaparaanan ng pagkaklasipika
ng wika ayon sa mga gumagamit nito.
Sa pag-aaral sa barayti ng wika, mahalagang matutunan din ang accommodation
theory ni Howard Giles. Sa paliwanag ni Constantino mula kay Giles, may malaking epekto
ang pagkatuto ng pangalawang wika. Sa teoryang ito pumapaloob ang linguistic
convergence at linguistic diveregence. Ang linguistic convergence na ang tao sa kanyang
pagnanais na makipag-ugnayan sa iba ay maaaring gumaya o bumagay sa pagsasalita ng
kausap upang bigyang-pakikiisa, pakikilahok, pakikipagpalagayang-loob; pakikisama o
kaya ay pagmamalaki sa pagiging kabilang sa grupo. Sa kabilang dako, ang linguistic
divergence naman ay nangangaluhugang pagiging iba sa gamit ng wikang isang tao tungo sa
pagbuo o pagkilala sa kanyang kaakuhan o pagkakakilanlan.
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino

Samantala, nadedebelop pa rin ang barayti ng wika sa tinatawag na interference


phenomenon at interlanguage. Tuon sa pag-aaral na ito ang pagiging kalahok ng unang
wikang sinasalita ng isang tao o ng lipunan kaugnay sa impluwensya sa pagkatuto sa
pangalawang wika. Ang interference phenomenon ay tumutukoy sa impluwensya sa bigkas,
leksikon, morpolohiya gayundin sa sintaktika sa pagkatuto sa pangalawang wika. Ang
interlanguage ay tumutukoy sa mental grammar na nabubuo ng tao pagdating ng panahon
sa proseso ng pagkatuto niya ng pangalawang wika. Dito, nababago niya ang mga gamit ng
gramar ng wika sa pamamagitan ng pagdaragdag, pagbabawas at pagbabago ng mga
alituntunin.
Ayon pa kay Constantino (2002) mula kay Eastman (1971), nahahati sa dalawang
dimensyon ang pagkakaiba-iba ng wika: ang heograpiko (dayalekto) at sosyo-ekonomiko
(Sosyolek). Ang una ay nagpapaliwanag ng pagkakaiba-iba ng wika dahil sa iba’t iba o kalat-
kalat na lokasyon ng mga tagapagsalita ng isang wika. Mula rito ay nadedebelop ang
barayting pangwika. Samantala, sa ikalawa, nagkakaroon ng pagkakaiba-iba ang wika dahil
sa iba-ibang estado ng tao tao sa lipunan. Kung kaya may tinatawag na mga wika ng bakla,
horse language, elit, masa at iba pa.
Sa artikulo naman ni Alonzo batay kay Catford, ang barayti ng wika ay may
dalawang malalaking uri: permanenteng barayti at pansamantalang barayti. Ang
permanenteng barayti ay binubo ng idyolek at dayalek. Ang idyolek ay ang katangian o
gamit ng wika na kaiba o pekulya sa isang indibidwal. Ang dayalek naman,
nangangahulugang paggamit ng wika batay sa lugar, panahon kaanyuan sa buhay. Ang
paraan ng pagsasalita rito ay nakabatay sa estado o grupong kinabibilangan. Sa kabilang
dako, ang pansamantalang barayti ay tumutukoy sa kagyat na siwasyon ng pahayag. Bahagi
nito ang mga sumusunod: register, moda at estilo. Sa paglaon ng talakay sa papel na ito,
ipakikita ang mga paliwanag sa bawat barayti at kung paano ito makatutulong sa
debelopment ng isang wika. Partikular din sa pag-aaral na ito ang maipakita ang iba’t ibang
barayti ng wikang Filipino gayundin ang lawak ng gamit nito bilang pambansang wika at
tugon na rin sa standardisasyon at intelektwalisasyon nito.

You might also like