You are on page 1of 1

Sa pagsapit ng 2020, nais kong iwan ang mga negatibo at hindi kanais-nais na

ugali at kaisipan bago simulant ang aking panibagong panlalakbay o buhay. Ang
nais kong baguhin sa aking sarili ay ang aking ugali dahil minsan ay naiipakita ko
ang aking kasungitan maging sa aking kapatid at sa aking mga kaibigan, minsan ay
nasosobrahan ko ang aking pagdadaldal at nasasaktan ko na ang damdamin ng iba,
sa sususnod ay bago ako magbigkas ng salita sisiguraduhin kong wala akong
matatamaan o kaya naman ay masasaktan. Ang pagbabagong nais ko ay hindi
lamang para sa akin kundi pati na rin sa mga taong nakakasalamuha ko. Sana ay
mananatiling nasa magandang kalagayan ng aking kalusugan pati na rin ang
kalusugan ng aking mga magulang
Nais kong baguhin ang aking katamadan dahil sabi nga ng mga nakakatanda “
wala kang mararating sa katamaran.”, naaapektuhan nito ang aking performance sa
loob at labas ng bahay. Sa aking pagiging tamad halos ayaw kong may gawin sa
aming bahay nguniy sa taong ito mas magsisikap ako upang matulungan ang aking
mga magulang sa madadali o mahihirap mang sitwasyon. At sa huli sana ay hindi
magbabago ang saya na aking nadarama kasama ang aking pamilya. Hinihiling ko
na magkaroon ng masaya at nakakatuwang taon.
- NIKKI SHANE MUYARGAS –
Grade 8 – Justice

You might also like