You are on page 1of 2

Hello Reymon, nagchecheck ako sa convo natin dito sa Messenger at pati sa

Classroom. Wala ka pang pinapasang Homework, Quiz, at Modules sa akin. Kailan ka


magsesend? Pati sa ibang subjects wala ka pa ding pinapasa.

=====
Hello po, si Joan po ay hindi pa nagpapasa ng mga ibang modules at activities sa
lahat ng subjects niya. Dapat po nakapagpasa na siya kasi 2 weeks na lang po at
tapos na ang Quarter 1. Pakifollow up naman po siya dahil wala pa po siyang
pinapasa sa ibang teachers niya. Salamat po.

Hello po, si Mikka po ay hindi pa nagpapasa ng mga ibang modules at activities sa


ibang subjects niya. Dapat po nakapagpasa na siya kasi 2 weeks na lang po at tapos
na ang Quarter 1. Pakifollow up naman po. Salamat.
===
Hello po, kayo po ang parent ni Reymon Alvarez? Hindi pa po kasi siya nagpapasa ng
mga ibang modules at activities sa lahat ng subjects niya. Dapat po nakapagpasa na
siya kasi 2 weeks na lang po at tapos na ang Quarter 1. Pakifollow up naman po siya
dahil wala pa po siyang pinapasa sa ibang teachers niya. Salamat po.

At nak, anong FB NAME ng parent/guardian mo? Di ko pa sila na-aadd sa gc ng


parents.

=====

Good afternoon po sa lahat ng parents at guardians po. Pakiusap po na pakicheck po


ang mga activities at modules ng mga students kasi po ang dami pong mga bata na
hanggang ngayon wala pa din pong pinapasa sa mga teachers nila. Ayoko na pong mag-
isa-isa at tatanungin ako kung ano ang need nila ipasa dahil nakapost po ito either
sa CLASSROOM or sa FB GROUP St.Raphael.
Hindi po ako nagkulang ng paalala sa mga bata at pati po sa inyong
parents/guardians. Nagchachat na po ako sa mga bata every week para sabihang
magsagot. 3 weeks na lang po at matatapos na ang Quarter 1 at wala ni isa mang
pinapasa sa kahit anong subjects. Hindi po sila papasa ng ganyan. Kung ganyan lang
po na 1st Quarter pa lang e ayaw ng magsagot at magpasa at tinatamad po, kausapin
niyo na po ng maigi ang anak niyo kung magtutuloy pa para alam po namin ang gagawin
namin. Salamat po.

Good afternoon po, si Johndel po ay hindi pa nagpapasa ng mga modules at activities


sa lahat ng subjects niya. Dapat po nakapagpasa na siya kasi 3 weeks na lang po at
tapos na ang Quarter 1. Sana po ay hindi niya ulit gawin last year na hindi na
naman po siya magpapasa ng mga kailangan ng mga teachers niya.

==================
Hello po, ako po si Teacher Jasmin, adviser ng Grade 9-St. Raphael sa Holy Spirit
National High School. Paki-confirm po ang friend request ko sa Facebook pati po sa
apo niyo po para ma-add ko po kayo pareho sa gc. Thank you!

=======================

Noted po. Add ko na po kayo sa gc ng parents


=======================

Confirm ko lang din po kung nakakuha na po kayong FORM sa school? Para po ito sa
humiram ng tablet, hihiram pa lang po ng tablet at kasunduan po between parent sa
school ukol sa pag-aaral ng inyong anak po.

Maari po kayong kumuha ng FORM sa school Mon until Wed po. Ask na lang po kayo sa
guard na nakaduty. Pagkatapos po masagutan, ipapasa na po sa Thur kasama ng iba
pang requirements
=======================
ANNOUNCEMENT!
NARITO ANG SCHEDULE NG RETRIEVAL NG RENEWAL OF CONTRACT AT KASUNDUAN NG MAGULANG AT
PAARALAN..
Pakisabi ang ORAS NG PAGPUNTA ng inyong mga magulang/guardian.
TANDAAN:
→ hindi na kailangang dalhin ang tablet,
→4 na photocopy ng renewal at 2 copies ng kasunduan
→ 4 copies ng valid id ni parent
FOR TRANSFEREE (additional na dadalhin)
→ PHOTOCOPY ng PSA BIRTH CERTIFICATE
→ REPORT CARD ng originating school.

You might also like