You are on page 1of 5

UNANG ARAW NG TRIDUUM SA KARANGALAN

NI BEATO CARLO ACUTIS

TANDA NG KRUS
Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo, Amen.

PAGSISISI
Hesus, aking Diyos, gaano kadalas ba kitang sinaktan, kahit sa aking mahigpit na
pangakong hindi na muling magkakasala, ilang beses ko bang iniwan ang ating
matamis na samahan upang sundan ang landas ng kasalanan?! O Panginoon,
humihingi ako ng tawad sa aking mga kapabayaan at pagkukulang. Pinagsisisihan
ko ang kahinaan kong ito. Nahihiya akong mangakong muli na hindi na
magkakasala kundi lamang sa pananalig ko sa iyong pag-ibig at awa. Nakaluhod
ako sa harap mo, umaasa na kahit sa marami kong paglabag sa Iyong mga utos,
kahit napakaraming kabiguang umayon sa Iyong grasya, maaari pa akong magsisi
at humingi ng tawad. Alam kong mayroong oras para sa bagong simula. Sa iyong
tulong, sisikapin kong maging tapat sa iyo, sa Iyong pag-alalay, gagawin ko ang
lahat na sa tuwina’y mapagsilbihan ka nang tapat. Mahal kong Hesus, tulungan mo
ako. Amen.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN
O Beato Carlo Acutis, sa napakabata mong pag-iral sa mundo, ibinigay mo ang
iyong sarili nang buong-buo sa Panginoon at nagawa mong magkaroon ng dalisay
na puso, sa kabila ng karagatan ng tukso na dumaragsa sa sangkatauhan ngayon,
kasama ang mga kabataan at matatanda, na inilalagay rin sa panganib ng polusyon
ang kanilang mga kaluluwa sa pamamagitan ng social media, mamagitan ka para
sa akin nang sa gayon ay makamit ko ang dalisay na puso at bagong espiritu.
Maaari bang ako rin, tulad mo, ay tumingin sa iba at sa mundo nang may dalisay
na mga mata upang mas mabuti akong makapaglingkod sa Panginoon at matamo
ang tunay na panloob na kapayapaan.

Tinawag ka ng Panginoon sa murang edad, sa mahihiwagang kadahilanan na Siya


lamang ang lubusang nakaaalam nang higit sa atin: Hilingin mo, para sa amin, sa
Espiritu Santo, na maliwanagan ang lahat ng mga taong may mabubuting kalooban
na huwag mahulog sa mga mahahalay na kasalanan, upang makapamuhay kami
bilang malayang mga tao na may pagtingin sa iba nang may taos na paggalang at
sa tuwina’y nais na maglingkod sa Panginoon, sa pamamagitan ng paglilingkod sa
kapuwa, katulad mo. Amen.

IKALAWANG ARAW
Mabuting Balita
Pagbasa mula sa mabuting balita ng Panginoon ayon kay San Juan (13:1-17)
Bago dumating ang kapistahan ng Paglagpas, alam ni Jesus na ang kaniyang oras ay sumapit na
upang siya ay lumisan sa sanlibutang ito at pumunta sa Ama. Inibig niya ang mga sa kaniya na
nasa sanlibutang ito, inibigniya sila hanggang sa wakas.2 At nang matapos ang hapunan ay
inilagay nga ng diyablo sa puso ni Judas na ipagkanulo si Jesus. Si Judas ay taga-Keriot na anak
ni Simon. 3 Alam ni Jesus na ibinigay na ng Ama ang lahat ng mga bagay sa kaniyang mga
kamay. Siya ay galing sa Diyos at babalik sa Diyos. 4 Kaya nga, siya ay tumindig mula sa
paghahapunan at itinabi ang kaniyang mga kasuotan. Siyaay kumuha ng tuwalya at binigkisan
ang kaniyang sarili. 5 Pagkatapos, nagbuhos siya ng tubig sa palanggana. Sinimulan niyang
hugasan ang mga paa ng mga alagad. Pinunasan niya ang kanilang mga paa ng tuwalyang
nakabigkis sa kaniya. 6 Lumapit siya kay Simon Pedro. Sinabi ni Pedro sa kaniya: Panginoon,
huhugasan mo ba ang aking mga paa? 7 Si Jesus ay sumagot at sinabi sa kaniya: Ang aking
ginagawa ay hindi mo nababatid sa ngayon, ngunit mauunawaan mo rin ito pagkatapos. 8
Tumugon si Pedro sa kaniya: Kailanman ay hindi mo huhugasan ang aking mga paa.Sumagot si
Jesus sa kaniya: Kung hindi kita huhugasan, wala kang bahagi sa akin. 9 Sinabi ni Simon Pedro
sa kaniya: Panginoon, hindi lamang ang aking mga paa kundi gayundin ang aking mga kamay at
ulo. 10 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ang taong napaliguan na ay ang paa na lang ang kailangang
hugasan. Siya ay lubos nang malinis. Kayo ay malilinis na bagamat hindi lahat. 11 Ito ay
sapagkat alam niya kung sino ang magkakanulo sa kaniya. Ito ang dahilan kaya niya sinabi:
Hindi ang lahat sa inyo ay malinis. 12 Pagkahugas nga niya ng kanilang mga paa at muling
makapagsuot ng kaniyang kasuotan, siya ay umupo. Sinabi niya sa kanila: Naunawaan ba ninyo
kung ano ang ginawa ko sa inyo? 13 Tinatawag ninyo akong Guro at Panginoon. Tama ang
sinasabi ninyo sapagkat ako nga. 14 Yamang ako na inyong Panginoon at Guro ay naghugas ng
inyong mga paa, dapat din nga kayong maghugasan ng mga paa ng isa’t isa. 15 Binigyan ko
kayo ng halimbawa upang inyong gawin ang tulad ng ginawa ko sa inyo. 16 Katotohanan,
katotohanang sinasabi ko sa inyo: Ang alipin ay hindi higit na dakila kaysa sa kaniyang
panginoon. Ang sinugo ay hindi rin higit na dakila kaysa sa nagsugo sa kaniya. 17 Kung alam na
ninyo ang mga bagay na ito ay pinagpala kayo kung gagawin ninyo ang mga ito.

Pagninilay
Talagang ginawa ni Carlo ang mga salita ni Jesus sa kanyang sarili: "Ito ang aking utos: na kayo
ay magmahal sa isa't isa tulad ng pag-ibig ko sa inyo." (Jn 15:12). Ang katiyakan ng kanyang
buhay na humantong sa kanya upang magkaroon ng malaking kawanggawa sa kanyang kapwa,
lalo na sa mga mahirap, ang nag-iisa at inabandunang mga matatanda, ang walang tirahan, ang
mga may kapansanan at itinakwil ng lipunan. Palaging tinatanggap ni Carlo ang mga
nangangailangan at kung kailan, sa kanyang pag-aaral, nakasalubong niya sila sa kalye ay titigil
siya upang makipag-usap, makinig sa kanilang mga problema at, sa abot ng kanyang makakaya,
tulungan sila.
Si Carlo ay hindi tumalikod sa kanyang sarili, ngunit may kakayahang maunawaan ang mga
pangangailangan ng mga tao, kung saan nakita niya ang mukha ni Kristo. Sa ganitong
kahulugan, halimbawa, hindi siya nabigo upang tulungan ang kanyang mga kamag-aral, lalo na
ang mga nahihirapan. Isang maliwanag na buhay, kung gayon, lahat ay ibinigay sa iba, tulad ng
Eucharistic Bread.
Ang Iglesia ay nagagalak, sapagkat sa napakabatang Pinagpala na ito ay natupad ang mga salita
ng Panginoon: "Pinili kita at hinirang na ikaw ay dapat pumunta at mamunga ng maraming" (v.
16).
At si Carlo ay "nagpunta" at nagbunga ng kabanalan, ipinapakita ito bilang isang layunin na
makakamtan ng lahat at hindi bilang isang bagay na abstrak at nakalaan para sa iilan. Ang
kanyang buhay ay isang modelo lalo na para sa mga kabataan, hindi upang makahanap ng
kasiyahan lamang sa mga tagumpay na panandalian, ngunit sa mga pangmatagalan na
pagpapahalaga na iminungkahi ni Jesus sa Ebanghelyo, lalo na: inuuna ang Diyos, sa malaki at
maliit na mga pangyayari sa buhay, at paglilingkod sa ating mga kapatid, lalo na ang
pinakamaliit.
Pinatunayan niya na ang pananampalataya ay hindi naglalayo sa atin sa buhay, ngunit
pinalalalim tayo dito, na ipinapakita sa amin ang kongkretong paraan upang mabuhay ang
kagalakan ng Ebanghelyo. Nasa sa atin na sundin ito, na akit ng kamangha-manghang karanasan
ni Mahal na Carlo, upang ang ating buhay ay lumiwanag din ng ilaw at pag-asa.

LITANYA KAY BEATO CARLO ACUTIS


Panginoon, maawa ka sa amin, Panginoon, maawa ka sa amin,
Kristo, maawa ka sa amin, Kristo, maawa ka sa amin,
Panginoon, maawa ka sa amin, Panginoon, maawa ka sa
amin,

Kristo, pakinggan mo kami, Kristo, pakapakinggan mo kami

Diyos Ama sa langit, *maawa ka sa amin.


Diyos Anak na tumubos sa sanlibutan,*
Diyos Espiritu Santo,*
Santisima Trinidad na isang Diyos,*
Santa Maria, *ipanalangin mo kami
Beato Carlo Acutis*
Beato Carlo, banal mula iyong pagkabata*
Beato Carlo, inspirasyon si Hesus sa iyong Unang Pakikinabang*
Beato Carlo, na hindi lumiban kahit isang araw ng Komunyon *
Beato Carlo, masugid sa iyong lingguhang pangungumpisal *
Beato Carlo, nagpabalik-loob ng iyong mga magulang*
Beato Carlo, katekista sa mga hindi nakakikilala kay Hesus*
Beato Carlo, kaibigan ng mga banal na anghel*
Beato Carlo, kaibigan ng mahihirap*
Beato Carlo, kaibigan ng mga migrante*
Beato Carlo, kaibigan ng mga may kapansanan*
Beato Carlo, tagapagtanggol ng mga inapi at nakararanas ng depresyon *
Beato Carlo, tagapagtanggol ng pamilya at buhay ng tao*
Beato Carlo, tagapagtanggol ng mga tradisyong Katoliko*
Beato Carlo, gabay sa mga kaibigang nangangailangan*
Beato Carlo, payak at mapagkumbaba*
Beato Carlo, dalisay at masayahin*
Beato Carlo, na nagbigay ng inspirasyon ng saya sa iyong kapuwa*
Beato Carlo, mapagbigay sa lahat*
Beato Carlo, may pambihirang pananampalataya*
Beato Carlo, puno ng debosyon para sa Mahal na Birheng Maria*
Beato Carlo, tapat na alagad ng Santo Rosaryo*
Beato Carlo, tapat na alagad ni San Fransisko ng Assisi*
Beato Carlo, tapat na peregrino ng Assisi*
Beato Carlo, na may pagkalinga para sa lahat ng nilalang ng Diyos*
Beato Carlo, makapangyarihang tagapamagitan para sa mga kaluluwa sa Purgatoryo*
Beato Carlo, na di-nagmamaliw ang kumpiyansa sa katotohanan.*
Beato Carlo, mangingibig ng Banal na Eukaristiya*
Beato Carlo, na ginamit ang internet para sa kaluwalhatian ng Diyos*
Beato Carlo, na itinala lahat ng batid na Milagrong Eukaristiko sa isang website upang
mapalaganap ang debosyon sa Kabanal-banalang Sakramento.*
Beato Carlo, Influcencer ng Diyos*
Beato Carlo, na hindi kailanman itinaas ang sarili sa kapuwa. *
Beato Carlo, na sinunod ang kagustuhan ng Diyos at hindi ang iyong mga personal na interes.*
Beato Carlo, na sa pagkalinga mo sa mga pinakamahirap ay walang kapantay.*
Beato Carlo, puno ng habag at grasya.*
Beato Carlo, na hindi kailanman tumigil na manampalataya sa gitna ng dusa. *
Beato Carlo, na namuhay ng orihinal na buhay ayon sa kagustuhan ng Diyos. *
Beato Carlo, na inalay ang huling mga dusa para sa ikababanal ng Simbahan at ng Santo Papa. *
Beato Carlo, na hindi sinayang ang anumang pagkakataon sa anumang hindi ikalulugod ng
Diyos. *
Beato Carlo, na sa iyong huling sandali ay tinanggap ang Eukaristiya nang may pagkagalang.*
Beato Carlo, inspirasyon at pag-asa para sa kabataan*
Beato Carlo, Cyberapostle ng Banal na Eukaristiya*
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan.
- Patawarin mo po kami, Panginoon.
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan.
- Paka-pakinggan mo po kami, Panginoon.
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan.
- Maawa ka sa amin.

Tagapamuno: Ipanangalin mo kami, O Beato Carlo Acutis


Lahat: Nang kami ay maging dapat makinabang ng mga pangako ni Hesukristong Panginoon.

Manalangin Tayo: O Diyos, ikaw na tumawag sa mga kabataan na huwag hayaan ang sinuman
na maliitin ang kanilang sarili dahil sa kanilang pagkabata, itanghal sa amin ang
pananampalataya at debosyon ng iyong bata at mapagkumbabang lingkod Beato Carlo Acutis na,
sa tulong ng kaniyang mga panalangin, hindi kami kailanman maligaw ng landas tungo sa
kabanalan kung saan kami’y Iyong tinawag, at sa gayon umabot kami sa mga pintuan ng
Kalangitan na Iyong Kaharian, upang mamasdan ang Iyong kagandahan kasama niya sa buhay
na walang-hanggan. Iniluluhog namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu
Santo magpasawalang hanggan.

Lahat: Amen

You might also like