You are on page 1of 2

Pangalan:______________________________________ Iskor:____________

Panuto: Basahin nang may pag-unawa ang mga pangyayari. Piliin at bilugan ang titik ng tamang
sagot.

Napakinggan mo mula sa radyo na may paparating na napakalakas na bagyo sa ating


bansa. Isa ang inyong lugar na matatamaan ng mata ng bagyo. Pinagsabihan ang lahat
ng mamamayan na maghanda para maging ligtas sa panahon ng sakuna.

1. Batay sa binasa, alin sa mga sumusunod na pangungusap ang maari mong sabihin upang
maisalaysay mo nang wasto ang binasa?

A.Alam ninyo na ba na may paparating na bagyo sa ating bansa?


B.Magsilikas na tayong lahat dahil may paparating na bagyo sa atin.
C.Huwag tayong maniwala sa mga balita dahil walang katotohanan iyon.
D. Ayon sa balita na narinig ko mula sa radyo, may paparating na napakalakas na bagyo sa ating
bansa.

2. Kung ikaw ay magtatanong tungkol sa balita, aling pangungusap ang gagamitin mo?

A. Hala! Paparating na ang napakalakas na bagyo.


B. Matulog kayo nang maaga para maaga kayong gumising.
C. Kailan dadating sa ating bansa ang napakalakas na bagyo?
D. Magsipaghanda tayong lahat dahil paparating na ang napakalakas na bagyo.

3. Paano mo uutusan ang iyong kapatid na maghanda para sa paparating na bagyo?

A.Hoy! Matulog ka na.


B.Maghanda ka dahil may paparating na napakalakas na bagyo sa atin.
C.Bakit maghahanda tayong lahat para sa paparating na bagyo sa atin?
D. Pumunta ka sa paaralan at kumuha ng modyul.

4. Ano ang magiging reaksyon mo sa napakinggang balita?

A. Naku! Nakakatakot ang paparating na napakalakas na bagyo.


B. Mga kapitbahay alam ninyo na ba ang balita tungkol sa bagyo?
C. Gumising kayong lahat may darating na mga pulis sa ating lugar.
D. Aray! Sumakit ang ulo ko.

5. Paano mo papakiusapan ang iyong kaibigan na ayaw lisanin ang kanilang bahay?

A.Lumikas na tayo dahil nasa panganib ang ating buhay.


B.Lisanin mo na ang iyong bahay dahil napakalakas na ng bagyo.
C.Maari bang maglinis muna tayo ng bahay dahil wala pa ang bagyo?
D. Maari bang lisanin mo ang iyong bahay para ligtas ka sa paparating na bagyo?

You might also like