You are on page 1of 2

Name: Ryzzah Angela A.

Castillo Grade X – AVELLANA


Teacher: Mylen Sumagaysay Subject: Filipino
Week No. 7 (3RD QUARTER) Score:

EDUKASYON

Edukasyon, ito ay karapatan ng bawat tao. Bata pa lamang tayo ay alam na antin ang
kahalagaan ng pag-aaral. Araw-araw, kahit saan tayo magpunta ay kaaakibat ng lahat ng bagay
ang pag-aaral. Habang tayo ay tumatanda ay lumalawak at nadadaragdagan ang ating
kaalaman. Nakikipaghalubilo tayo, hindi lang para makapag hanap ng kaibigan ngunit para may
matutunan rin tayo sa ibang bagay. Ang ating ina ang una nating naging guro at gumabay para
sa atin, guro naman ang ikalawang magulang na nagtuturo sa atin ng mga kaalaman.

Malaking kasiyahan para sa ating mga magulang ang makapagtapos tayo ng pag-aaral.
Mahalaga ito pagka’t dito nakasalalay ang kinabukasan at hinaharap ng ating buhay. Kailangan
lang nating magsumikap, magtiyaga, at magtiwala na makakaya natin. Ngunit sa panahon
ngayon iba na ang naging sistema ng edukasyon. Hindi inihinto ang ating pag-aaral kaya’t
humanap ng alternatibong paraan ang gobyerno para maipagpapatuloy natin ang ating pag-
aaral. Hindi man ito ang nakasanayan nating bagay, o nakagawiang gawin ay importante paring
magsumikap para sa kinabukasan natin.

Online learning ang naging bagong daan para makapag-aral tayo sa gitna ng pandemya. Hindi
madaling makisabay o makiayon sa mga nangyayari ngayon, ngunit hindi ito dahilan para
tumigil at sumo sa ating pag-aaral at para na rin sa ating kinabukasan. Maraming benipisyon
ang online learning, lalo na sa panahon ngayon. Nasisigurado ang kaligtasan ng mag-aaral
pagka’t nasa bahay lang sila. Ang kanilang pangangailangan ay madali lang nilang mahanap sa
tulong ng internet. Ngunit, marami mang magandang naibibigay ang online class ay may
negatibo rin itong epekto. Ang ibang estudyante ay nakabaling na ang kanilang pokus at
atensyon sa mga laro at hindi na sa aralin. Hindi rin lahat ng estudyante ay may kakayahang
makipag sabayan sa bagong paraan ngayon. Ang kakulangan sa gadget at internet ay isang
halimbawa nito, marami sa mga estudyante ngayon ang tumigil sa pag-aaral ng dahil dito.

Iba na ang panahon ngayon, teknolohiya na kakailanganin para makapag-aral ka. Hindi madali
para sa mga magulang na hindi kayang tustusan ang gadget ng kanilang anak para makapag aral
sila. Online learning nga ba ang saghot sa pag-aaral sa panahon ngayon? Iyan ang mga naging
katanungan ng iba. Sab inga ni Rizal “Kabataan ang pag-asa ng bayan.” Kung susuko tayo
ngayon may pag-asa pa ba ang bayan? Hindi man madaling makisabay ngayon sa online
learning, ngunit mayroon din naming modules na maaaring gamitin para sa mga walang
kakayahang bumili. Ngayon, online learning lamang ang ating masasandalan upang makapag-
aaral. Kalusugan ang ating inuuna sa panahon ngayon, kaya magsumikap tayong makapag-aral
ngayon kahit ano man ang mangyari. Hindi man madali ngunit malalagpasan rin natin ito.

You might also like