You are on page 1of 1

Introduction:

Paano kaya natin maikakamit ang hustisya? Maikakamit kaya natin ito? Hanggang saan tutungo ang
pagkakamit mo sa hustisyang gusto mo? Ngayon masasaksihan natin ang kwento ng isang tatay na
naging kumander ng NPA o New Peoples Army at kinatatakutan ng lahat sa lungsod ng Zambales at
Panggasinan dahil sa mga sinasabi ng ibang tao na marami na raw itong napatay na tao. Noong dating
panahon nagkaroon ng labanan pagitan sa gobyerno o pamahalaan at sa mamayanan sa Zambales. Si
tatay omar o kumader omar ay isa sa mga nakipaglaban sa sundalo ng gobyerno sa kadahilanan ng
pagpatay ng isa sa miyembro ng kanilang pamilya at ito ang kanyang kapatid. Kasama ni kumander omar
ang isa niyang kapatid na sumanib sa NPA o bumuo ng grupong ito. Noong panahon na iyon ang mga
sundalo sa gobyerno o pamahalaan ay pi apatay kahit mga inosenteng tao na wala naman ginagawang
masama o linabag na batas sa bayan. Ito ang kadahilanan ng mga sumanib sa NPA dahil pinapatay nila
ang mga mamayanan kahit na inosente pa ito. Isang araw pinasabugan rin ng mga sundalo sa gobyerno
ang isang paaralan ng mga bata kaya’t naman nagkaisa-isa sumali sa NPA upang kalabanin ang mga
sundalo sa gobyerno. Nagkaroon rin ng away sa pagitan ng mga kilusan at ito ang kadahilanan na
kumaliwa ang ibang myembro dito at bumuo ng iban grupo ang karamihan na tinatawag nilang RHB o
Rebulusyonaryong Hukbong Ng Bayan.k pagkatpos nga ng mga pangyayaring iyon nakamit ba nila ang
kanilang hinihinging Hustisya? Nagtagumpay ng aba ang mga ito?

You might also like