You are on page 1of 1

Fajardo, Kenji Miles P.

BSEd-SS 1-1

4. Masasabi mo bang nakaangkla ang deskripsyon at layunin ng kurso sa bisyon at


misyon ng PLM? Paano mo ito nasabi? Ipaliwanag.

Oo, masasabi kong ang deskripsyon at layunin ng kurso ay nakaangkla sa bisyon at misyon ng
PLM. Mahihinuha na ang layunin ng kurso ay ang pagpapamalas at pagbibgay ng magandang
kalidad ng edukasyon gayun din ang unibersidad na Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.
Layunin nitong maisapraktika ang mga estudyante upang magtaglay at makapagpakita ng
kahusayan at karunungan sa kurso pati na rin sa iba’t ibang larangan. Karunugan at kahusayan
tulad ng pagpapamalas ng malinaw at mabisang pakikipagkomunikasyon, pagkakaroon ng
mataas na antas ng analitikal at malikhaing prosesong kognitibo, kakayahan sa paggamit ng
teknolohiya, pagpapaunlad ng mga kasanayan at kamulatan, makaagham na pangangatwiran,
kwantitatibong kasanayan at kakayahan, at ang paggamit ng mga aral at kasanayan sa kritikal
na pag-iisip. Ito ay mga layunin ng kurso na makapagbibigay ng bentahe at oportunidad para
sa mga mag-aaral ng PLM na papasok sa mapagkumpitensyang industriya, ito ay
makapagbibigay daan rin sa mga estudyante at bilang isang propesyunal sa iba’t ibang larangan
na tatahakin ng mga mag-aaral sa hinaharap. Ang Karunugan, Kaunlaran, at Kadakilaan na
taglay ng PLM at ng mga estudyante ay makapagbibgay ng benepisyo at bentahe bilang
unibersidad sa Pilipinas at maging sa timog silangang asya. Ang deskripsyon at layunin ng kurso
ay nakaangkla sa bisyon at misyon ng PLM dahil ito ay may parehong layunin, layunin na
makapagbigay na mataas na kalidad ng education at makapagpamalas ng Karunugan,
Kaunlaran, at Kadakilaan.

You might also like