You are on page 1of 2

PEDRO GUEVARA MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL

SANTA CRUZ, LAGUNA


PANIMULANG PAGTATAYA SA FILIPINO 9
TAONG PANURUAN 2021- 2022

I.Panuto: Bigyang kahulugan ang salitang may salungguhit . Isulat ang titik D kung denotatibong
pagpapakahulugan at ang titik K kung ito ay konotatibong pagpapakahulugan.

___1. Makulay ang bulaklak na binili sa Dangwa.


___2 Inihandog niya ang kanyang puso sa kanyang minamahal
___3. Batong-bato sa bahay si Aldrin dahil sa quarantine.

B. Panuto: Bigyang interpretasyon ang nakalimbag mga pahayag ayon sa pahiwatig nito sa
pangungusap.Piliin ang titik ng tamang sagot.

4 Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang palad.
a. masunurin b. mabait c. mapagbigay d. maaasahan
5. Alam nila na ang halinghing niyon ay parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ng ama.
a. nakakatakot b. nananakit c. nakakapagpakaba d. nagdaramdam
6.Kulturang may lambing ng panunuyo at tangis ng pamamaalam.
a. pagluha b. pagkalungkot c. pagkadismaya d.paglimot

II.Panuto: Tukuyin kung anong uri ng tunggalian ang mga sitwasyong mababanggit sa ibaba.Piliin ang
titik ng tamang sagot.
a. Tao vs tao c.Tao vs sarili
b. Tao vs kalikasan d.Tao vs lipunan

7. Naging mahina ang loob ni Albert kaya hindi siya nakapagpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo.
8 Dahil sa landslide sa lugar na kinatitirikan ng kanilang tahanan, nagkahiwalay ang magkapatid.
9. Parati siyang ipinahihiya ni Robert sa harap ng dilag na pareho nilang natitipuhan.

B. Panuto: Tukuyin ang emosyon/damdamin na nagingibabaw sa mga pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot

a.pagkatuwa b. pagkagalit c. pagsisi d.pagkalungkot

10. Iniismiran pa ako ng kontrabidang ito! Saksakin ko nga ng aking patalim.”


11. Dahil sa kapansanang ito ng aking paa, Boy natutuhan ko ang tumalikod, hindi lamang sa simbahan, kundi
sa Diyos
12 Sa Wakas nakita kong muli ang mundo sa labas nang ako’y maglalabing anim na Salamat sa Diyos.

II. Panuto: Suriin ang mga pangyayari sa bahagi ng maikling kwento.Sagutan ang mga sumusunod na
katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot

Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahil nasisante sa trabaho, si Mui Mui ay
hindi mapatahan ng kaniyang mga nakakatandang kapatid. Walang ano-ano, ang kamao ng ama ay bumagsak sa
mukha ng bata na tumalsik sa kabila ng kwarto at nanatiling walang kagalaw-galaw. Nahimasmasan ng ina ang
bata sa pamamagitan ng malamig na tubig. Pero pagkaraan ng dalawang araw si Mui Mui ay namatay. (Mula sa
kuwentong “Ang Ama” salin ni Mauro R. Avena)

13. Tama ba ang ginawa ng ama kay Mui Mui?


a. Oo, dahil iyakin ito c. hindi, dahil masama ang manakit
b. Oo, dahil masama ang loob niya d. hindi, dahil walang kasalanan ang anak
14. Bilang isang anak, ano ang iyong gagawin upang matulungan ang ama?
a. ihahanap ng trabaho ang ama c. paalisin ang ama
b. kakausapin at uunawain ang ama d. magagalit sa ama
15. Kung ikaw ang ina, ano ang iyong gagawin sa ganitong suliranin?
a. ilalayo ang mga anak c. hihiwalayan ang asawa
b. aawayin ang asawa d. kakausapin at papayuhan ang asawa

B. Panuto: Gamitin ang angkop na pang-ugnay upang mabuo ang mga sumusunod na pananaw. Isulat
ang titik ng tamang kasagutan. Piliin ang titik ng tamang sagot.

16. Nagtatrabaho siya ng mabuti _______matugunan ang pangangailangan ng kanyang mga anak.
a. saka b. upang c. ngunit d. dahil
17. _____balita ay muli na namang isasailalim sa MECQ ang buong lallawigan ng Lagung sa darating na
Linggo.
a.Ayon kay b. Para kay c. Laban sa d.Ayon sa
18. Nagtataka ako ______ bakit ang iba’y nagtatagumpay sa buhay, katulad ko rin naman sila na nagsisikap sa
pang-araw-araw.
a. kahit na b. kung c. sapagkat d. subaliT

19-20.III. Panuto: Bumuo ng paghatol pagmamatuwid. (PAKSA: SANG -AYON O DI SANG- AYON SA
PAGPAPAGTUPAD NG ECQ /MECQ SA MGA PILING LALAWIGAN NG ATING BANSA.
PAMANTAYAN
Binubuo ng isang talata.Ang bawat talata ay may lima o higit pang pangungusap.

You might also like