You are on page 1of 3

PAG-USBONG NG BOURGEOISIE

Ang terminong bourgeoisie ay iniuugnay sa mga


mamamayan ng mga bayan sa medieval France na
binubuo ng mga artisan at mangangalakal. Ang mga
artisan ay mga manggagawang may kasanayan sa
paggawa ng mga kagamitang maaaring may partikular
na gamit o pandekorasyon lamang. Hindi sila
nakadepende sa sistemang piyudal at binanayaran
sila sa kanilang paggawa .
Sa huling bahagi ng ika-17 siglo, naging isang
makapangyarihang puwersa ang bourgeoisie sa
Europe. Binubuo sila ng mga mangangalakal, banker
(nagmamay-ari o namamahala ng bangko), mga
shipower (nagmamay-ari ng mga barko), mga
pangunahing mamumuhunan, at mga negosyante .
Nagkaroon lamang ng politikal na kapangyarihan ang
mga bourgeoisie pagdating ng ika-19 na siglo.
Nagkamit sila ng karapatang politikal, panrelihiyon, at
sibil sa pamamagitan ng pagtataguyod ng liberalism .

Merkantilismo
Nabuo ang prinsipyo ng merkantilismo upang
itaguyod ang kaunlarang pang-ekonomiya at
kapangyarihang politikal ng isang bansa, Ito ay isang
sistema na ang pangunahing mga layunin ay politikal.
Ang mga layuning ito ay ang magkaroon ng malaking
kitang magbibigaydaan upang ang hari ay
makapagpagawa ng mga barko, mapondohan ang
kaniyang hukbo, at magkaroon ng pamahalaang
katatakutan at rerespetuhin ng buong daigdig.
Bullionism
Sa ilalim ng doktrinang ito, ang tagumpay ng isang
bansa ay masusukat sa dami ng mahahalagang
metal sa loob ng hangganan nito.
Nasyonalismong ekonomiko
Ibig sabihin nito, kayang tustusan ng isang bansa ang
sarili nitong pangangailangan. Sa pamamagitan ng
pagtataas sa dami ng iniluluwas na produkto, hindi na
aasa ang bansa sa mga produktong dayuhan .
PAGTATATAG NG NATIONAL MONARCHY
Malaki ang naitulong ng pagtatatag ng national monarchy
sa paglakas ng Europe. Matatandaan na sa panahon ng
piyudalismo, walang sentralisadong pamahalaan.
.Mahina ang kapangyarihan ng hari. Ang naghahari ay
ang mga noble na sila ring mga panginoong maylupa.
Ang hari ay itinuturing lamang na pangunahing
panginoong may lupa .
Ang hari na dating mahina ang kapangyarihan ay
untiunting namayagpag sa pamamagitan ng
pagpapalawak ng teritoryo at pagbubuo ng matatag na
sentralisadong pamahalaan .
PAG-USBONG NG MGA NATION STATE
Sa pagbabago sa konsepto ng monarkiya. naitatag
na rin ang mga batayan ng mga nation-state sa
Europe. Ang nation-state ay tumutukoy sa isang
estado na pinananahanan ng mga mamamayan na
may magkakatulad na wika, kultura, relihiyon, at
kasaysayan. Dahil sa kanilang pagkakahalintulad na
kultural, ang mga mamamayan ay isang
nagkakaisang lahi. Bukod sa pagiging nasyon, isa rin
silang estado sapagkat nananahan sila sa isang tiyak
na teritoryo at may pamahalaan silang may
soberanidad .

You might also like