You are on page 1of 2

Ang Decolonizing the Colonial Mind ay isang paraan o proseso upang maging ganap na

malaya ang kaisipan ng mga Pilipino sa impluwensya ng ibang bansa lalo na sa dating
colonial na mananakop. Mahalaga ang Decolonization bilang isang instrumento at
pananaw sa pagpapalawig ng tunay na kinagisnan at kinamulatan, dahil ang
Decolonization ay naging daan kung bakit natin nalaman na ang Pilipinas ay mayroong
mayaman na kultura bago pa man dumating ang mga mananakop. Ang mahabang
panahon ng pagkaka ilalim ng ating bansa sa iba’t ibang mananakop ay may tuwirang
epekto sa ating pag iisip at kultura. Sa kasalukuyang panahon sa bansang Pilipinas,
masama ang naging dulot ng Colonial Mind sa ating pag-iisip, pagkilos, at pagpapasya
dahil ito ay nagbunga ng pagyakap sa kultura o kalinangang banyaga sa hangaring
makapantay sa kultura at estado ng mga mananakop.

Kadalasan sa atin ay tinitingala na ang mga dayuhan, ang kanilang kultura, pati hubog
ng katawan at kulay ng kutis. Mga galing at talento nila sa pag gawa ng mga bagay bagay
tulad ng paghulma at pagiging pulido sa mga produkto at sa mga yamang hawak hawak
ay maituturing na nating mas mataas kesa sa atin. Ang mga Pilipino ay nasanay na sa
"Superiority" ng mga dayuhang ito, at tayo ay ang "Inferior". Sapilitan man nila itong
itinatak sa ating isipan ay hindi natin maiiwasan na hindi ito makakasama sa ating pang
araw-araw na buhay. Ito ang isa sa pinaka tumatak sa ating isipan sanhi ng mga
pananakop at pang aalipusta ng mga dayuhan noong panahon ng pananakop sa atin.
Ang mga patuloy na pang aalipin, pagsasawalang bahala sa ating karapatan, utos
utusan, ginawang laruan, ang mga panghahalay, at pag papaniwala na tayo ay mga
mabababang nilalang. Hindi man natin aminin ngunit dahil dito, tumatak na sa mga utak
natin na tayo ay mas mababa at ang mga dayuhan ang nasa itaas. Sapilitang pinapagawa
sa atin ang mga kulturang di naman atin, habang ang sariling atin ay unti unting
naglalaho. Mga lengwaheng pinipilit ipabigkas kontra sa ating kagustuhan.

Masamang manatili tayo sa ating nakasanayan o Colonial Mind dulot ng mga


mananakop, sa kadahilanang kapag ito ay nag patuloy pa, maaari na nating mawala o
makalimutan ang ating sariling kultura at ang yaman na ating taglay. At mapako sa mga
binaluktot na pag iisip na gawa ng mga dayuhan. Mula sa ating pag iisip, pag kilos, at
paggawa ng desisyon, tayo ay naimpluwensyahan na ng mga dayuhan. Masama ang
dulot ng Colonial Mind dahil dito tayo ay mananatili na lamang sa likod ng mga taong
tumatak sa isip natin na mas mataas, na sa katotohanan naman ay pantay pantay lamang
tayong lahat. Dahil sa Colonial Mind, agad na nating naiisip na kapag nakakita tayo ng
yaman tulad na lamang ng ginto, ay ito ay galing na agad sa mga dayuhang nanakop
tulad ng mga Espanyol at mga Hapon, na sa katotohanan naman ay bago pa man
makarating dito si Magellan ay mayaman na tayo sa ginto at mga likas na yaman.

Dahil nakatala na sa kasaysayan natin na pagdating dito ng mga Español, ay sinabi nila
na kahit mag lakad lamang sa tabi ng ilog ay makakakita na agad ng ginto na kasing laki
ng mani o kaya naman ay itlog. Ito ang nagpapatunay na sadyang mayaman na tayong
mga Pilipino lalong lalo na ang ating mga ninuno pag dating sa mga likas na yaman sa
ating bansa.
Sa Decolonization, tayo ay namumulat na tayo ay hindi mga mas mababang tao kesa sa
mga dayuhang nanakop. Mahalaga ito dahil ang mga Pilipino ay nagkakaroon ng muang
sa ating sarili na tayo ay hindi dapat manatili sa ganong pag iisip. Sa Decolonization, na
aalis sa ating mga isip ang mga "normal" at "maayos" kung tawagin na sa totoo naman
ay hindi talaga, dito nagkakaroon ng pagnanais na mas bumuti ang lagay sa kasalukuyan
at sa mga kasunod na henerasyon. Tumatak na din sa ating isipan na tayong mga Pilipino
kasama ang mga yaman at kultura ay nahaluan ng mga dayuhan ngunit hindi ito ang
laging sitwasyon sa atin. Dito, malalaman natin na bago pa man tayo sakupin at
maimpluwensyahan ay sadya na tayong may kultura at sagana sa yaman. Malalaman
din natin dito na hindi lamang ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo ang pakay ng mga
kastila sa ating bansa. Nagkaroon sila ng interes sa ating yamang likas lalong lalo na ang
mga ginto, at nalaman natin ito dahil sa Decolonization.

Mahalaga ang papel ng Decolonization sa ating mga Pilipino, lalong lalo na sa ating
intigridad dahil gaya ng nasabi kanina, dito magkaroon tayo ng pagnanais na umunlad at
makaalis sa "mindset" na ito. At linangin pa ang mga pagiging malikhain na simula pa
lamang sa ating mga ninuno ay may angking galing na tayo at masinop sa mga detalye.
Sa ating kasaysayan ay alam na alam natin kung gaano kahirap ang dinanas ng ating
mga bayani para lamang maka alis sa mga mananakop, at bilang isang Pilipino, dapat
malaman natin na di pa tapos ang laban na ito. Sapagkat di man gumagamit ng dahas
ang mga dahuyan, tayo naman ay inaakit na unti unting yumakap sa kanilang kultura at
unti-unting nawawala ang sariling atin. Ang papel ng Decolonization ay napapahiwatig
na tayo ang mga makabagong bayani ng ating bansa. Sa pagpapatuloy ng laban ng mga
ating bayani sa pag aalsa sa mananakop, tayo ay nagkakaroon ng tuloy-tuloy na
pagbabago sa ating kasaysayan.

Subalit mayroon ding posibleng maging masamang dulot ito, sabi nga ng matatanda,
"masama kapag sumosobra". May masamang maidudulot ang Decolonization sa atin
kapag tayo ay somobra sa pag alis ng mga ating natutunan at nalaman sa panahon ng
pananakop, imbis na tayo ay mas gumanda ang buhay at malinang ang mga angking
galing at yaman, ang ating bansa ay baka lalong bumagsak at mapasakamay nanaman
ng mga walang awang mananakop.

Mahalaga ang Decolonization sa atin dahil tayo ay napasakamay ng mga ibang lahi sa
mahabang panahon, tama lamang na muli nating angkinin ang ating sariling kultura at
pagyamin patungo sa tuluyang pag aalsa sa pagsakop di lamang sa ating bansa, kasama
na din sa ating pag iisip.

You might also like