You are on page 1of 2

Mingo, John Lloyd A.

12 STEM 1 Piling Larang


“PAHINGA MUNA”

Ang paglalakbay na siyang nagbibigay ng kaligayahan sa akin sa


tuwing binabalot ako ng kapaguran at kalungkutan sa aming tahanan, na siyang
nagpapalaya sa akin sa isang madilim na lakbayin na tila hindi ako makakita at
nahihirapang gumalaw sapagkat onti-onting binabalot ng makapal na usok ang
aking isipan dahil sa mga problemang aking nararanasan. Ngunit ibahin mo, na
dahil sa paglalakbay ko tungo sa paroroonan ko ay siya ding pagbawi ng
hininga sa preskong hangin na dumadampi sa aking mga pisngi. Iba parin
talaga ang paglalakbay kasama ang pamilya, at kasabay nito ang pagkakaroon
ng masasayang pagsasama sa ibang sikat na lugar sa ating bansa, iyon ay
ang Philippine Arena na matatagupan sa Bocaue, Bulacan. Minsan ay napag-
isipan ko sa aking sarili kung bakit maraming tao ang nahuhumaling dumayo sa
malayong lugar para lamang sa isang tanawin o bagay.
Naglakbay kami ng aking pamilya patungo sa bulacan upang
isagawa ang isang aktibidad sa aming relihiyon upang pagpatibayin ang aming
pananampalataya sa Diyos. Habang kami ay nakasakay sa isang panlupang
transportasyon, ay namasdan naming ang magagandang tanawin na siyang
pumukaw sa aming mg mata, puso at damdamin. Tila nasagot ang mga
katanungan ko sa aking sarili, kung bakit nagsisikap marating ng ibang tao ang
malalayong lugar para lamang sa tanawin o bagay, bagkus ay ito pala ang
makakapag bigay sa kanila ng kasiyahan, kapayapaan at masasayang alala na
siyang mag tatanim sa ating puso at isipan ng mga bagay na siyang dadalhin
natin sa paglipas ng panahon.

Kaya nais ko kayong imbitihan na subukang pumunta sa Bulacan


partikular na sa Bocaue upang mamasdan mo ang naglalakihan, magagarbong
disenyo sa Phillipine Arena. Tila maari kang malula sa sobrang laki nito at
masasabi mo sa sarili mo na kahit papano ay maipagmamalaki mo ang ating
bansa sapagkat tayo ang mayroong pinakamalaking indoor arena sa buong
mundo kahit na maraming problema ang bumabalakid sa ekonomiya sa ating
bansa. Minsan, kailangan din nating magpahinga at umalis sa seldang
nagkukulong sa atin sa mga problema at kalungkutan lalo na at nasa panahon
tayo ng pandemya, talamak at laganap ang mga ganitong problema, kaya,
buksan ang pinto at huminga ka ng malalim sa malamig at prestong hangin
mula sa paglalakbay ng iyong buhay at sabihin mo sa sarili na.
“pahinga muna.”

You might also like