You are on page 1of 2

Filipino 102

Dyornal Entri #1
Oktubre 12, 2021
Kasabay ng aking pagmulat ng mga mata ang pagluha ng langit. Rinig
ko ang langitngit ng mga puno buhat ng malakas na pag-ihip ng hangin. Tila isang
pananda na magiging mapait na naman ang dadanasin ko ngayong araw.
Nang magdadapit-hapon na ay gano’n na lamang ang aking panlulumo sa
aking nadatnang balita. Parang kisapmata na naubos ang kalahating gallon ng
aking pinakaaasam-asam na sorbetes.
Nagdadalamhati,
Pangalan mo

Dyornal Entri #2
Oktubre 13, 2021
Kaliwa’t kanan ang mga usapin ukol sa mga kani-kanilang paboritong
mga kakandidato. Sana’y sa oras na sumapit ang pagboboto ay huwag mga
mapaglubid ang buhangin at mga buwayang lubog ang kanilang mapiling ipambato.
Huwag na sanang papaloko sa mga ‘di mo mawari kung mga ahas o tao ba ang
mga ito sa sobrang nilang pagkatuso.
Nag-iisip,
Pangalan mo
Dyornal Entri #3
Oktubre 14, 2021
Ngayon ko lang naramdaman ang bigat na aking nararamdaman
pagkalapat ng aking katawan sa kamang gawa sa kawayan. Kumukulo ang tiyan
at hindi matigil ang isipan sa dami ng gawaing dapat tapusin pati na rin mga
gampanin sa loob ng tahanan. Gayunpaman, ako’y hindi papadaig sa mga
problemang naririyan. Hahamunin kahit pa nakaguhit na sa palad at isang anak-
dalita para lamang makamtan ang inaasam na hangarin.
Nagsusumikap,

Pangalan mo

You might also like