You are on page 1of 2

PAGLALAHAD

Ang edukasyon ay ang pinakaimportante sa lahat na maangkin ng isang bata.


Maraming mga kabataan ngayon ang naghihirap sa buhay sa kadahilanang hindi
nila naranasang makapag-aral. Kapa gang isang bata ang nakapag-aral, mas
malaki ang posibilidad na siya ay magiging matagumpay sa buhay. Iilan lamang
sa mg kabataan ngayon ang nagsisipag-aral dahil sa sitwasyong gawa ng
pandemya. Isa rin ang kahirapan sa mga dahilan kung bakit maraming mga
kabtaan ngayon ang mas pinili na lamang na magtrabaho kaysa sa mag-aral.
Tinatawag na “online learning” ang bagong normal na edukasyon ngayon kaya
naman ang mga batang salat sa buhay ay hindi nabibigyan ng oportunidad upang
makapag-aral dahil hindi nila abo tang mga mamahaling elektronidad na siyang
gagamitin para sap ag-aaral ng online learning. Totoo na ang edukasyon ang susi
upang umahon sa buhay sapagkat hindi lahat ng bata ay may kakayahan.
Ginagawa ng pamahalaan ang mga paraan sa abot ng kanilang makakaya ngunit
ang desisyon ay nasa bata parin kung gusto niyang makapagtapos nga pag-aaral.
Maraming mga iskolar at organisasyon ang itinatag ng pamahalaan upang
makapagbigay tulong sa mga batang nangangailangan. Kung ang lahat ay
magsasama-sama upang matulungan ang iyong mga batang hikaos sa buhay ay
tiyak na makakatulong tayo upang maabot nila ang kanilang mga pangrap at
maiahon sa hirap ang kanilang mga pamilya.

PAGSASALAYSAY

Tuwing buwan ng Agosto ay ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Nutrisyon. Sa


buwan na ito ay nagkakaroon ng mga programa sa paaralan upang ipagdiwang
ang pagkakaroon ng malusog na pangangatawan. Sa paaralan, ang mga
ginagawang aktibidades ay ang pagluluto ng iba’t ibang putahe na syang
paglalaban-laban ng bawat pangkat. Una, nagkakaroon muna ng paligsahan
upang maging masaya ang pagdiriwang. Pangalawa ay iyong pagluluto na
gagawin nga iba’t ibang pangkat. May mga putahe na gawa lamang sa prutas,
karne, at gulay. Mayroon naman ding dinedisenyuhan ang kanilang mga plato
upang magmukhang kaaya-aya ang presentasyon. Pangatlo ay ang pagpapakain
ng mga ginawang outahe sa mga batang underweight o kulang sa timbang. Ang
mga guro at estudyante ay naghanda ng isang masigabong costume party ng
mga iba’t ibang gulay at prutas. Sa kabuuang pangyayari, ang paaralan ay
matiwasay at matagumpay na nagtapos sa pagdiriwang ng Buwan ng nutrisyon
kung kaya’t maraming mga kabtaan ang naliwanagan kung paano makakamtan
ang mabuting pangangatawan.
PANGANGATWIRAN

Sa ating panahon ngayon, marami nang iba’t ibang uri ng kasarian at narito nan
ga ang tinatawag nilang LGBTQ Community. Sila ay malimit na itakwil at
pagtawanan ng komunidad kung kaya’t sinusulong nila ang kanilang karapatan
bilang isang tao. Lubos akong sumasang-ayon sa kanilang mga aktibidades at
misyon upang pagkaisahin at ibuklod ang lahat na hindi bumabase sa kasarian
ng isang tao. Hindi dapat sila pagtawanan dahil lamang iba ang kanilang pananaw
kumpara sa normal na tao. Hindi dapat sila dapat na ipagtabuyan sapagkat sila ay
mga mga kakayahan din na siyang makakatulong sa kominidad. Ang mga LGBTQ
ay may taglay na kagandahan at katalinuhan na siyang hindi dapat maliitin
bagkus ay suportahan. Hindi lahat ng mga nasa LGBTQ ay pariwara at walang
edukasyon. Siguro ay dala lamang ito ng maling pagpapalaki at kasalatan sa
buhay. Sila ay tao rin na dapat pahalagahan at ingatan. Ibukas natin ang ating
mga mata at mga puso na tanggapin sila bilang isang ganap na miyembro ng
komunidad at atin silang protektahan sa anumang karahasan.

PAGLALARAWAN

Ang Pilipinas ay isang bansa sa Asya kung saan matatagpuan ang iba’t ibang uri
nga mga magagandang tanawin at masasarap na pagkain. Mayroong taglay na
kagandahan ang makikita sa loob ng bansang ito. Isa na dito ay ang kanilang
sikat na mga putahe at ang kultura na siyang mas nagbibigay kulay sa bansa.
Madaming mga turista ang dumadayo upang masaksihan at maranasan ang mga
mayayabong na lupain at malalawak na karagatan ng bansang Pilipinas. Isa na sa
mga tanawing kinagigiliwan ay ang Boracay beach. Ito ay isang beach sa
Pilipinas kung saan ang mga buhangin ay sobrang pino na siyang gusto ng mga
turista. Madami rin ang nagpapabenta ng mga mababangong sampaguita at mga
kaaya-ayang pampasalubong sa pamilya. Makikita sa mga mukha ng mga Pinoy
ang galak at mainit na pagtanggap sa mga dumadayo rito. Marami ang
nasisiyahan sa kulturang Pinoy dahil sa taglay nitong halina at kabutihang puso.
Sabi pa nga ng iba, ang Pilipinas ay walang katulad ang ganda sapagkat dito mo
makikita at mararamdaman ang tunay na pagkakaisa.

You might also like