You are on page 1of 2

SCENARIO 1

Isa ka sa iginagalang na pulis sa inyong distrito. Pag-uwi mo sa iyong bahay,


nakitamo ang iyong panganay na lalaki na may kasamang kaedad na lalaki at
magkaholding hands. Habang kayo ay kumakain kasama ang iyong asawang pulis
rin ay umamin ang iyong nag-iisang anak na siya ay bakla at karelasyon nya ang
kasama nyang kaibigan. Ano ang magiging reaksyon mo at gagawin?
- Magugulat ako dahil sa nalaman ko pero tatanggapin ko nalang dahil
wala pa namang masama sa kanilang ginagawa at karapatan naman ng
tao na pumili ng taong gugustuhin nila.
SCENARIO 2
Apat kayong lalaking magkakaibigan sa inyong tropa. Sa tagal nyong
magkakasama ay nakapalagayan nyo ng loob ang bawat isa. Hindi namamalayan
ng iyong 3 katropa na ikaw ay bisexual at nahuhulog na ang loob mo sa isa 1 mong
kaibigan. Aaminin mo ba sa kanya o itatago mo na lang ang iyong tunay na
nararamandan?
- Hindi ko aaminin ang aking tunay na nararamdaman at itatago nalang
sa aking mga kaibigan dahil mas pipiliin ko na hindi masira ang aming
pagkakaibigan.
SCENARIO 3
Nang bumisita ka sa bahay ng iyong panganay na anak na lalaki ay naabutan mo
itong nagluluto, naglalaba at nag-aalaga ng anak samantalang ang asawa nito ay
wala dahil sa trabaho. Bilang isang magulang, ano ang magiging reaksyon hinggil
sa mga nakita mo?
- Matutuwa ako sa mga nakita ko dahil naiiba ang pananaw ng aking
anak sa nakasanayan ng mga tao na ang babae ay nasa bahay lang at
ang mga lalaki lang ang may karapatang magtrabaho.
SCENARIO 4
Sa inyong klase ay ikaw ang itinuturing na pinakamaganda at
pinakasexy. Dahil dito, dumami ang iyong manliligaw at isa na rito si
Doremi na isang lesbian. Umamin sya sa iyo ng kanyang tunay na
nararamandan at sinabing manliligaw. Ano ang iyong sasabihin at
gagawin?
- Sasabihin ko sa kanya na hindi ako papayag na manliligaw sya sa akin
at kung sakaling hindi niya ako tatantanan ay iiwasan ko siya para ‘di
na magkagulo pa.

You might also like